Glaiza de Castro enjoys supporting role in "Gagambino"

"Walang problema kung nagbida na, ‘tapos, maganda naman angrole. Maganda ang project, at saka, bakit naman ako tatanggi pa?" says Glaizade Castro on accepting a supporting role in the newest GMA-7 primetimeseries Gagambino.



Masaya si Glaiza de Castro.

Dahil after ng pinagbidahang afternoon series, Kaputolng Isang Awit, may bago na ulit siyang serye at this time, balik-primetime siya via Gagambino.

"Sa wakas!" masayang sabi nga niya nang makausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa bonggang press launch na ginanap kagabi saStudio 3 ng GMA-7.

"Alam mo yun? Sabi ko nga, after ng Kaputol...gusto konamang magpahinga. ‘Tapos, parang habang tumatagal-tagal na, parang sa sariliko lang, siguro mga three weeks, gusto ko nang umarte ulit. 'Tapos noong tumatagal na, parang ay, mahaba na talaga.Walang nangyayari. So, yun, medyo nainip ako. Pero yung paghihintay ko naman,worth it naman kasi, ang ganda naman talaga ng napasukan ko."

Originally, ang alam daw niya ay sa ibang series siyailalagay.

"Dapat talaga hindi ako rito sa Gagambino. Sabi nila,La Lola raw ang mauuna. ‘Tapos, biglang naging Gagambino. Yungrole ko pa, hindi naman basta-basta. Mga superheroes kami."

Isa raw siyang bubuyog dito. Nakagat daw kasi ngbubuyog ang character niya, kaya nakuha niya ang power nito.

"Yung power ko, yung boses ko, kapag mataas na at malakas,parang nakakabingi. So, yun ang pinaka-power ko. Lumilipad din ako rito.Nag-hand-to-hand combat training din kami. So, yun, more on hand movement akorito at mabibilis na galaw."

LOVES SUPERHERO ROLE. Gustung-gusto nga raw niyaang pagiging superhero niya.

"Ibang-iba talaga sa Kaputol, kasi, medyo pakwela akodito. Light lang, kaya masarap umarte."

So, ano ang pinaka-challenge ng role niya rito?

"Siguro, yung pinaka-challenge yung mga action scenes dahilnga mga superhero kami, obligado kami na maganda yung rehistro ng mga actionscenes namin. Kasi, ang laki ng responsibilities na hero ka, pero hindi kanaman marunong makipag-away. So, dapat lang na physically trained ka.

"Ako pa naman, medyo mabilis akong mapagod kaya kailangantalaga tuluy-tuloy yung pagwo-workout at pagte-training."

Wala raw kaso kay Glaiza kung pagkagaling niya sa isang bidarole sa Kaputol, support naman siya ngayon sa Gagambino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lima naman po kaming superhero rito. At saka sa akin,walang problema kung nagbida na, ‘tapos, maganda naman ang role. Maganda angproject, at saka, bakit naman ako tatanggi pa?"

WORKING TO HAVE OWN HOUSE. Alam daw niyanghindi siya pinababayaan ng GMA-7 kung kaya't naghihintay lang siya. Gayunpaman, sa tulad daw niyang nababakante nghalos dalawang buwan, aminado siyang hindi nawawala nang kahit paano, medyona-depress siya noon.

"Opo...everytime after a project, kapag tumatagal ang pahinga,dumarating talaga sa time na... ‘Ano ba ‘to? Ano ang nangyayari? Ano na anggagawin natin? Buti na lang, si Alchris [Galura, Glaiza's brother], buti nalang that time, nagkakaroon siya ng ibang raket. Siyempre, yung pambayad sabahay. Pa-guesting-guesting lang ako at hindi talaga sufficient yung kinikitako sa mga babayaran namin, kaya talagang nagwo-worry ako.

"Dito naman sa Gagambino, kapag nagtuluy-tuloy ito,hopefully, makabili naman ako ng bahay. Yun naman ang goal ko ngayon."

Sa ngayon daw, nagre-rent pa rin kasi sila ng apartment samay Marilao. She's hoping na kapag nakabili raw siya ng bahay, yungmalapit-lapit na sa place of work nila tulad sa Quezon City.

"Gusto ko po talaga, kaso, mahal kapag malapit kasi. Pero yunpo talaga ang goal ko ngayon, ang magkaroon ng sariling bahay. At sana nga po,before ako mag-twenty five, meron na kong bahay na fully-paid na."

Glaiza is only 21 years old.

NO LOVE TEAM. Back to Gagambino, hindi pa rawniya alam kung magkakaroon ng love interest ang character niya bilang si Leah.

"Hindi ko po talaga alam, wala silang sinabi. Pero bakamagkaroon ng connection sa love team naman nina Mart Escudero at JennicaGarcia."

Yung sa kanila ni Marky Cielo, wala na muna ba since Markyis being paired again with Lovi Poe sa La Lola?

"Hindi ko rin po alam, e. Pero ano, tingin ko, pahinga munasa mga love team ngayon. Sa akin, okey lang naman. At least, para hindi rinma-typecast sa isip ng mga tao na isa lang ang kapareha ko. At least, mas may chance na paiba-ibanaman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN