Sobrang enjoy si Nikki Bacolod playing Diana in Dyosa. Kontrabida roles daw kasi ang talagang gustung-gusto niyang gawin at mas nakakaramdam siya ng challenge. Kahit sabihin pa na taliwas ito sa itsura niyang may maamong mukha at pagiging pala-ngiti niya.
Tinanong tuloy si Nikki ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung hindi ba siya nag-aalala na ma-typecast sa kontrabida roles dahil sinimulan na niya ang acting career sa ganoon?
"Well, siguro in the future... But as of now..? ‘Tsaka ko na lang po iisipin kapag nand'yan na. As of now, I'm really enjoying," sey niya. "Open naman po akong tao. Kung anuman ang ibigay nila sa akin, okey lang. Kung kontrabida, okey lang. Kung mabigyan man po ako ng bida role, okey lang din po. As long as... I know naman po my limitations."
Si Nikki ang parang lumalabas na ka-love triangle nina Anne Curtis at Sam Milby sa Dyosa. So, expected na silang tatlo ang mas madalas na magkakasama sa mga taping.
Hindi naman naging maramot si Nikki nang kumustahin namin sa kanya sina Anne at Sam, at sa balitang breakup ng mga ito.
Aniya, "As far as I know, wala na sila, but they are friends. The usual pa rin po. Happy family kami sa set."
Napansin ba niyang parang naapektuhan ang working relationship ng dalawa?
"Hindi naman, may kissing scene pa nga silang dalawa, e. At saka, si Anne, Ate Maricar, sila ang parang mga ate ko sa Dyosa. Tapos ‘yung mga guys naman, sila naman po yung mga kuya ko."
Mas unang nakilala si Nikki bilang isang singer through Search For A Star. Although, nakapag-release na siya ng sariling album, parang sa ngayon, mukhang mas nalilinya siyang talaga sa acting. Nasa Baler rin siya kunsaan, siya naman ang gumaganap na best friend ni Anne.
"Sa ngayon kasi, mahirap mag-concentrate sa isa because I love to do both. Love ko po kasi both, so, ‘yun, mahirap na mag-choose ng isa lang. At saka, I believe na blessing naman ni Lord sa akin ang lahat ng ito.
Dugtong pa niya, "I'm super enjoying naman. Dyosa, Baler...lahat, parang family kaming lahat do'n. Nakakaaliw."
NIKKI'S RARE DEFICIENCY. Sa totoo lang, Nikki may look physically fit, pero may kakaibang karamdaman si Nikki na, ayon sa kanya, lifetime na gamutan na nga raw. Ito ay ang kawalan niya ng sapat na calcium sa katawan. Ang tawag nga raw sa sakit niya ay hypoparathyroidism.
In medicine (endocrinology), hypoparathyroidism is described as the decreased function of the parathyroid glands, leading to decreased levels of parathyroid hormone (PTH). Consequently, hypocalcemia is a serious medical condition. (source: www. wikipedia.org)
"It's a lifetime sickness na po. Hindi po siya nakakapag-regulate ng calcium so, technically, weak po ang bones ko. I have to keep on taking calcium kasi, for example, when I sweat or I have my period, nairi-release ko pa ang calcium ko, so, kailangan ko pong i-replenish yun from time to time."
Araw-araw kung uminom si Nikki ng calcium at hindi lang isa kundi more than three tablets daw ang kailangan niyang inumin.
"Basically, three tablets a day lang sana. Pero dahil sa mga activities ko, I have to take 4 to 6 tablets. Kailangan po talaga. Kapag po kasi kulang talaga ng calcium, puwede pong mag-seizure, hyperventilation."
At nangyari na nga raw sa kanya yun during one of her tapings for Dyosa.
"Actually, there was one Dyosa taping na inatake ako. Mabuti na lang, mild seizure lang. Period ko po at that time. Parang naka-miss ako ng isang calcium, so, inatake ako."
Ang calcium daw na iniinom niya ay ino-order pa sa States. Yung calcium supplement brand daw kasi na nabibili rito ay tine-take niya before, pero kahit 500 mg (milligrams) na ito, kulang na kulang pa rin daw sa kanya."
PEP asked her what it feels like whenever she experiences a drop in calcium.
"Nanghihina. First symptom is either masakit ang ulo or merong twitching sa lips ko, or sa eyes. Nagna-numb. Kasunod na po noon ang seizure, hyper-ventilation."
In spite of Nikki's conditon, aktibo pa rin siya sa maraming bagay. In fact, bago siya mag-showbiz ay active swimmer siya. Isang bagay nga raw ito na nami-miss niyang gawin, especially, noong nasa Iligan pa siya.
"Actually, blessing in disguise yung feeling. Di ba, nakakapagpa-strengthen siya ng bones. Blessing in disguise rin po ang pagiging milk drinker ko. Addict po talaga ko sa milk. In fact, when I was younger, I drank milk eight times a day until grade six ako, ganoon pa rin po ako."
Four years ago raw nang malaman niya ang tungkol sa rare deficiency niya, na nalaman niyang inborn pala ito. Nung bata pa nga lang daw siya, napapansin na ng mga parents niya na madalas, nagdye-jerk siya, lalo na, nung magdalaga na siya at magkaroon na ng period.
Sa ngayon, wala pa raw nakikitang cure sa sakit niya.
"Sabi ng doktor, lifetime na raw pong talaga, pero... Sana, sa technology natin ngayon... The doctor told us naman not to worry and to just live a life normal."
WORST ATTACK. Bago magtapos ang interview ng PEP sa kanya ay nagkuwento pa siya ng worst calcium-drop attack na nangyari sa kanya.
"New Year's Eve po, noong 2006, 7 pm, yun ang pinakagrabe talaga. I was close to leaving my life. Kasi, yung nangyari po nun, that afternoon, nag-badminton kami ng ate ko. Nakalimutan kong mag-take ng calcium, so, natulog ako agad.
"Paggising ko, I wasn't feeling well. Lock-jaw na, atake-atake... thirty minutes din na ganoon. Ang ginawa na lang ni Mama, pinainom niya ko ng condensed milk. At yung calcium gel ko, she pricked it para mabilis at inilagay niya sa lips ko. Yun po talaga ang worst."
