PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

New actor Rico Barreira felt awkward in love scene with Hazel Cabrera

Rico finds his first love scene awkward.
by Cesar Pambid
Published Oct 16, 2008
"Hindi nga po ako sanay sa ganoong scene, hindi alam ng katawan ko kung paano magre-react. Wala po talaga, wala akong naramdaman. Ninenerbiyos ako, hindi ko lang talaga ipinakita. Baka naman sa susunod na mga ganoong scenes, baka naman ganahan na ako!" says Rico Barreira when asked about his love scene with Viva Hot Babe Hazel Cabrera.

Fresh na fresh pa rin ang dating ngayon ni Rico Barreira. Kumpara sa hitsura niya noong kalalabas lang niya sa kauna-unahang Pinoy Big Brother (PBB), medyo may pagka-mature pero macho ang dating niya ngayon.

Inabutan namin ang steamy love scene nila ng Viva Hot Babes member na si Hazel Cabrera sa isang Jacuzzi nang dumalaw kami sa shooting ng pelikulang Lalamunan. Medyo asiwa si Rico na halatang hindi sanay sa mga love scenes.

"First time ko po talaga, I didn't know how to react or how to do it. Sinusunod ko lang yung sinasabi ng director [Jigz Recto] at mabuti naman nalampasan ko yung matinding eksena," paliwanag ni Rico nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during a break.

Hindi naman daw sinasabi ni Rico na gusto niyang magpaka-wholesome. In fact, matagal din siyang naghintay bago nasalang sa isang movie. After PBB, sa dami ng mga raket na ginawa niya, ang Lalamunan ang maituturing na first movie niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dati naman na po akong nagpa-sexy, even before PBB," paglilinaw ni Rico. "I used to join fashion shows na talagang naka-skimpy trunks akong rumarampa. Sinabi ko naman po ‘yang lahat when I got out of PBB.

"Ang sabi ko, itong paghuhubad at pakikipagtalik sa movie na talaga namang very daring, hindi ako sanay, talagang asiwa ako. Baka siguro ‘pag medyo sanay na ako, mawawala na ang nerbiyos ko."

When asked kung ano ang naging physiological reaction sa sobrang daring na mga scenes na ginawa nila ni Hazel, sinabi ni Rico na wala.

"Hindi nga po ako sanay sa ganoong scene, hindi alam ng katawan ko kung paano magre-react. Wala po talaga, wala akong naramdaman. Ninenerbiyos ako, hindi ko lang talaga ipinakita. Baka naman sa susunod na mga ganoong scenes, baka naman ganahan na ako!" natatawang sabi ni Rico.

For now, handa na raw si Rico na tanggapin gaano man ka-daring ang mga pelikulang i-offer sa kanya. "Pero siyempre," aniya, "importante naman po yung istorya. Ayoko naman pong maghubad nang basta hubad lang. Siyempre, naghahanap din po ako ng magandang pelikula't sa palagay ko, kalabisan nang sabihin ko pa yun. So far naman, maganda naman ang advice sa sa akin ng mga taong nasa paligid ko, nagpapasalamat ako at may mga sumusuporta sa akin."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Loveless daw ngayon si Rico dahil kabe-break lang nila ng girlfriend niya only a week ago.

"Ayoko po munang muling umibig," sabi niya. "Let this be the time for me to reflect. Basta sa ngayon, wala po munang girlfriend. Next time po siguro na makatagpo na ako, siya na ang babaeng pakakasalan ko, at siya na ang magiging ina ng mga anak ko. Siguro po, mga two or three years pa yun. For now, career muna, mahirap ang malampasan ng panahon."
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi nga po ako sanay sa ganoong scene, hindi alam ng katawan ko kung paano magre-react. Wala po talaga, wala akong naramdaman. Ninenerbiyos ako, hindi ko lang talaga ipinakita. Baka naman sa susunod na mga ganoong scenes, baka naman ganahan na ako!" says Rico Barreira when asked about his love scene with Viva Hot Babe Hazel Cabrera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results