Macho actor Jordan Herrera plays gay role in "Lalamunan"

"I would say po na very challenging itong role kaya tinanggap ko. At least, siguro naman, kahit paano, mapapansin ang acting potential ko in this movie. Sa tagal ko na sa business, kailangan ko po talaga ng ganito ka-extraordinary role for me to get the attention of movie buffs. At least, ibang Jordan Herrera naman ang kanilang makikita," says Jordan Herrera about his gay role in Lalamunan.



Very excited ang sexy actor na si Jordan Herrera nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Lalamunan, an indie movie megged by Jigz Recto and produced by Leo Films. Upon the invitation of the film's line producer, Dennis Evangelista, we made a trip to Long Meadows Resort in Sta. Maria, Bualcan, to interview the cast.

Surprisingly, bakla ang role ni Jordan sa Lalamunan at nakapagtataka na ang isang macho boxing champ sa Pinoy Mano-Mano na gaya niya ay tumanggap ng ganitong offer.

"Maganda naman po yung role, hindi naman po ako out and out na bading dito," paliwanag ni Jordan. "Bale isang eksena lang po yung ipakikitang nakikipag-lovemaking ako sa newcomer na si Ran Domingo, na isang hardinero ang role sa aming pelikula.

"Ang role ko po rito ay asawa ni Hazel Cabrera at dahil nga po closet gay ako, itinago ko ito by being too much brusko sa pamamagitan ng kinky sex ko sa asawa ko. But in the end, natuklasan din niya at dito nga po gumulo ang istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I would say po na very challenging itong role kaya tinanggap ko. At least, siguro naman, kahit paano, mapapansin ang acting potential ko in this movie. Sa tagal ko na sa business, kailangan ko po talaga ng ganito ka-extraordinary role for me to get the attention of movie buffs. At least, ibang Jordan Herrera naman ang kanilang makikita," sabi ni Jordan.

Hindi pa raw nakunan yung love scene niya with Ran Domingo. Medyo may kaba pa kay Jordan at hindi niya ma-describe ang feeling niya.

"Ewan ko po, pero pipilitin kong mapaganda. I'm [assuring] everyone though na hindi ko sisirain ang image ko bilang macho actor dahil sa role na ito. Instead, ipakikita ko lang sa showbiz na may ibang dimension ang pagiging aktor ko," saad ni Jordan.

Kagagaling lang pala ni Jordan sa U.S. Nag-stay siya sa San Francisco, kasama ng kanyang wife and two children. Kauuwi lang niya at naiwan doon ang kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My wife has a job there at nag-aaral na yung panganay ko. Ako kasi, bale nagbakasyon lang ako dun bilang tourist dahil wala pa akong papeles. As soon as naayos na ang mga papeles, gaya ng sa asawa ko, I might opt to go back and settle there," kuwento niya.

Umuwi raw siya sa Pilipinas upang muling harapin ang kanyang career. Sa hirap daw ng buhay doon, na masyadong magastos, kailangang makaipon siya ng panggastos sa pagbabalik niya at para sa suporta ng kanilang mga anak.

"Kailangan pong magtrabaho dito, kahit na anong raket, tatanggapin ko para maitaguyod ko roon ang mga anak ko," sabi ni Jordan.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close