PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Did Lovi Poe's mother really snub the "Lovi...Bloom" concert?

But Jolo Revilla and his mom Lani Mercado were there to support Lovi.
by Archie de Calma
Published Oct 19, 2008
"Walang problema sa amin ng mommy ko, and we still live together. Hindi ako umaalis sa bahay namin at doon pa rin ako umuuwi. Mas okey nga kami ng mommy ko ngayon kung tutuusin. Nasasabi niya ang gusto at ayaw niya, and she gives me the freedom also to voice out what I feel. Kaya, please lang, huwag na lang intrigahin ang mommy ko. Nananahimik naman kasi siya," says Lovi about her mother, former model-actress Rowena Moran.

Naging successful ang nakaraang concert ni Lovi Poe na ginanap noong Thursday, October 16, sa Music Museum, pinamagatang Lovi... Bloom, her very first major concert. Kapansin-pansin na noong gabing yun ang presence ni Jolo Revilla at ng ina nitong si Lani Mercado.

Pero, bakit nga ba wala ang mommy ni Lovi na si Rowena Moran? Ang nakaabot sa aming chika, mayroon daw itong commitment that night na hindi maiwasan, pero hindi ito basta tinatanggap na dahilan ng marami.

"Naku, paano pa aapir si Tita Owen dito? Tingnan mo na lang na nariyan si Jolo at isinama pa ang mommy niya, ewan lang kung kakayanin ng mommy ni Lovi ang makipagplastikan!" comment ng isang mahaderang close kay Lovi.

Kapansin-pansin din talaga ang pamumukadkad ni Lovi at kahit marami ang nagtatanong sa absence ng mommy niya, nakukuha pa rin nitong ngumiti at halatang masaya siya sa isa na naman niyang achievement.

"Kailangang maging masaya ako para sa mga taong sumuporta sa concert. Narito ako to entertain them, hindi para maapektuhan sila ng kung anumang problem. In the first place, I don't have any problem. Maganda ang takbo ng career ko. Alam ko na maraming nagmamahal sa akin, and I just hope, maging masaya na ang lahat for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala naman akong ginagawang masama para maging malungkot ang ibang tao, and I guess, I just owe it to myself. I have been a good girl. That I can really promise, na magpapatuloy akong professional sa trabaho ko at magpapasaya pa rin ako ng mga tao hangga't gusto nila ako," sabi ni Lovi nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Umiiwas pa rin si Lovi na mag-elaborate tungkol sa kanila ni Jolo. Nakikita naman kasi kung ano ang real score sa kanila, kahit hindi sila magsalita.

"Ganito lang kami, we support each other," sabi ni Lovi. "I'm very thankful, lalo na nang makita ko si Tita Lani. Sila ni Senator Bong [Revilla], they're really very supportive, at dapat lang na pakitaan ko sila ng paggalang dahil sa magandang ipinapakita nila sa akin."

Idiniin ni Lovi na walang problema sa kanila ng kanyang ina. Maaaring umiiwas na lang sa press at media si Tita Owen nang hindi na malagay pa sa negatibo ang posisyon ng anak, lalo na't first major solo concert nga yun ni Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Walang problema sa amin ng mommy ko, and we still live together," paniniguro ni Lovi. "Hindi ako umaalis sa bahay namin at doon pa rin ako umuuwi. Mas okey nga kami ng mommy ko ngayon kung tutuusin. Nasasabi niya ang gusto at ayaw niya, and she gives me the freedom also to voice out what I feel. Kaya, please lang, huwag na lang intrigahin ang mommy ko. Nananahimik naman kasi siya."

May nakapagsabi rin sa PEP na nasa loob lamang ng Music Museum ang ina ni Lovi, pero pinili raw nitong umupo sa balcony imbes na sa front row.

Lalong lumakas ang loob ni Lovi dahil napatunayan niyang kaya na niyang pumuno ng isang venue for a solo concert.

"Sana it will go on like this. At saka masuportahan pa ang new album ko, which is also titled Bloom. Marami ang nagagandahan sa cut na 'Sana,' and I have my own composition in the album titled 'Paulit-ulit'. I depend so much on the songs, kasi kapag nag-click 'yan, alam kong masusundan pa ang concert ko. I really love to perform."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON RHIAN RAMOS. Lovi has been taping La Lola for quite sometime now. Okey naman daw sila ni Rhian Ramos, contrary to rumors na mahirap daw itong pakibagayan.

"Rhian is nice to me," depensa ni Lovi sa bida ng nabanggit na bagong teleserye. "I know that I will never have a problem with her, and I love my role also. Kuntento ako at wala akong reklamo.

"Wala pa talaga akong na-experience na hindi maganda sa mga nakakatrabaho ko kasi basically, nagpapaka-professional naman ako. I'm also mabait at madaling kausap, so I don't think I will have a problem pagdating sa bagay na 'yan."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Walang problema sa amin ng mommy ko, and we still live together. Hindi ako umaalis sa bahay namin at doon pa rin ako umuuwi. Mas okey nga kami ng mommy ko ngayon kung tutuusin. Nasasabi niya ang gusto at ayaw niya, and she gives me the freedom also to voice out what I feel. Kaya, please lang, huwag na lang intrigahin ang mommy ko. Nananahimik naman kasi siya," says Lovi about her mother, former model-actress Rowena Moran.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results