Hanggang ngayon pala'y hindi pinatatahimik si Gwen Garci ng
kung anumang espiritung naka-encounter nila sa Baguio City ilang linggo na ang
nakararaan nang mag-taping sila roon ng Philippines' Scariest Challenge para
sa TV5.
Nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si
Gwen sa birthday party ni Direk Maryo J. delos Reyes na ginanap kamakailan sa
West Mansions Condominium sa West Avenue, Quezon City. Ayon kay Gwen, mabuti na lang daw at nakakasama na niya ang PA (personal assistant) niya na diumano'y nasasapian ng
espiritu.
"For quite a long time, okey naman siya. Noon lang,
ilang araw yung hindi basta umaalis ang spirit sa kanya at kung makatingin nga,
nanlilisik ang mga mata, na talagang tumatayo halos lahat ng balahibo ko sa
katawan," kuwento ni Gwen.
Patuloy niya, "May sinasabi yung spirit, na mayroong
member ng staff na kailangang bumalik sa Baguio para mag-sorry, and has to
undergo a ritual para masagip siya sa kung anumang masamang pupuwedeng
mangyari.
"Actually, the spirit questors are advising us to go
back to Baguio again. Para matapos na lang yung cycle, because when that
accident involving Joyce Jimenez happened, and I bumped into a kid sa highway,
na lahat ng ipinambayad sa akin sa taping na yun just went sa hospitalization
ng batang nadisgrasya ko, paulit-ulit nga na pumapasok yung spirit doon sa PA
ko, and telling us na may susunod pa nga raw," nakapangingilabot na sabi
ni Gwen.
Hindi raw nagpapaniwala ang parents ni Gwen dito. Kahit na
yung paggamit ng rosary or Catholic religious images, mas nakaka-aggravate pa
raw ng sitwasyon.
"Di ba, it has always been like that, kapag may
exorcism? The more na gumagamit daw ng cross at rosary, lalong nananadya ang
bad spirits. I don't know. Baka yung PA ko raw ay nagagamit din ng kung anumang
unforeseen force, at baka 'pag bumalik kami sa Baguio just for that, baka mas
lalo pang malala ang mangyari sa amin.
"So far naman, tahimik na. Kaya lang, may moments na
ayokong nag-iisa. Grabe! Feeling ko, may kung anong nasa paligid lang,"
napapailing na kuwento ni Gwen.
May nagsasabi pa nga raw sa parents ni Gwen na tigilan na
kasi ng aktres ang paghuhubad sa pelikula, lalo na yung pinakahuling digital
film na nilabasan nito, ang Room 213, na walang takot na nag-frontal nudity pa
si Gwen.
"Hindi ko naman alam kung ano ang koneksiyon doon,"
sabi ni Gwen. "Nanonood ba ng indie films ang bad spirit? Well, basta I
remember, one time, through my PA, nagsalita nga yung spirit na naliligaw raw
sila, and she really has to go back to where she has come from.
"Through the questor kasi, nalaman namin, masama ang nangyari doon sa anak niya na na-rape, and she was also killed, kaya parang naghihiganti sila. At parang nagkahiwalay sila ng anak niya, kaya parang yun ang pinapakiusap niya. It's really difficult to deal on things like this. Hindi mo na alam kung ano ang paniniwalaan mo. Nakakatakot talaga."
Sa mga nasasabi sa parents niya tungkol sa kanyang
paghuhubad, nagkaroon din ng isyu na very much against na ang mommy niya sa
ginagawa ni Gwen.
"Let's face it, lahat ng nanay, ayaw nilang napapanood
ang anak nilang naghuhubad sa harap ng maraming tao. Pero trabaho lang naman
ito, and I'm doing this as an actress. So, I just tell them pabayaan na lang
nila ako because I'm old enough to know what I'm doing. Nasa tamang age na ako
to decide what's good and what's not for myself.
"Kaya ang sinasabi ko na lang sa mommy ko, huwag na
lang niyang panoorin ang mga pelikula ko. Sa TV na lang niya ako panoorin at
imposibleng maghubad ako for TV, di ba?
"I really have to work. Yun ang dumarating na trabaho sa akin. In fact, I'm considering another indie film project na very daring na naman, and it's all up to my manager kung tatanggapin niya yun. Kung hindi niya tatanggapin, siyempre hindi ko gagawin," pagtatapos ni Gwen.