PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jewel Mische says no romance blossomed between her and Richard Gutierrez during "Kamandag"

Jewel reveals the real reason she laid low after "Kamandag."
by Ruel J. Mendoza
Published Oct 20, 2008
"Yung pagiging sweet kasi ni Chard, iba ang nagiging interpretation ng maraming tao. He's just a sweet guy to everybody and I like to thank him for making me feel special during those days. Pero hanggang friends lang talaga kami and nothing more," says Jewel Mische of her Kamandag leading man Richard Gutierrez.

After nga ng telefantasya na Kamandag, biglang nawala sa showbiz scene pansamantala ang StarStruck Ultimate Sweetheart na si Jewel Mische. Pero bigla naman siyang napasama sa bagong top-rating comedy-fantasy primetime show ng GMA-7 na La Lola.

Ginagampanan ni Jewel ang papel bilang si Ada, ang babaylan na tinalikuran ang kanyang pamilya dahil sa pag-ibig nito kay Lalo (played by Wendell Ramos) pero nauwi ang lahat sa trahedya kaya pinaghigantihan si Lalo ng kapatid niyang si Sera (played by Iza Calzado) para maging isang babae ito named Lola (played by Rhian Ramos).

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jewel sa inauguration ng GMA Network Studios noong nakaraang Biyernes ng gabi (October 17). Isa si Jewel sa maraming Kapuso stars na dumalo at nagbigay ng kanilang suporta sa bagong bukas na GMA Network Studios.

HITTING THE BOOKS AFTER KAMANDAG. Kinuwento nga ni Jewel na kaya siya biglang nawala after Kamandag ay dahil binalikan niya ang kanyang pag-aaral sa University of the Philippines where she is taking up a music course.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam naman ng mga taga-GMA-7 that I have plans to go back to school after Kamandag. Pumayag naman sila because wala pa naman akong kasunod na show after that. May mga guestings naman ako paminsan-minsan like sa Bitoy's Funniest Videos, Kung Ako Ikaw and other GMA shows. But they know naman na naging priority ko ang studies ko," ngiti pa ni Jewel.

Noong ibigay daw sa kanya ang role sa La Lola, okey lang daw kay Jewel dahil hindi naman daw masyadong main character ang role na Ada.

"It's a semi-regular role in Lalola. Napanood naman na nila na na-comatose ako in the series. So most of the time, tulog lang ako. Kaya medyo magaan for me dahil halos wala pa naman akong nagagawang mabigat sa La Lola.

"Ang sinabi sa akin, kukunan nila ako ng mga flashback scenes with Wendell and with the babaylans. ‘Tapos magkakaroon ng twist sa story pero matagal pa iyon. So magaan for my schedule kasi I only tape like once or twice a week and only a few scenes lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Siguro when the time comes na dumarami na ang mga eksena ko sa La Lola, doon na ako mag-a-adjust. As of now, okey pa naman. I'm not having a hard time balancing both school and work."

HOW'S RICHARD? Tinanong nga namin si Jewel tungkol sa naging leading man niyang si Richard Gutierrez. Noong ginagawa nila ang Kamandag ay panay ang pakita ng pagiging sweet ni Richard kay Jewel. Pero after ng kanilang show ay tila nagkalimutan na raw silang dalawa.

"Hindi naman sa nagkalimutan. It's because nagkaroon ako ng ibang priorities kaya yung communication namin ni Chard ay naputol. It's okay for me kasi I have school and Chard is doing his job as an actor both on TV and film. Hindi naman ako yung tipo na mangungulit because I know na busy yung tao. Ako rin naman, ayoko rin na kinukulit ako," sey ni Jewel.

Sa nasabing inauguration event ng GMA Network Studios muling nagkita sina Richard at Jewel. Ayon kay Jewel ay nagpansinan naman sila ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ngayon ko lang siya ulit nakita and we made pansin naman. Gentleman naman si Chard kaya nga all his leading ladies like him a lot. Wala naman akong naging problema with him and if there's a chance to work with him again, okey lang sa akin."

FOR THE RECORD. Never ngang inamin ni Jewel na naging sila ni Richard noong time na ginagawa nila ang Kamandag. Aaminin na ba niya ngayon naging sila ni Richard noong mga panahon na iyon?

"For the record, hindi naging kami ni Chard," diin ni Jewel.

"I know that during those months that we were taping Kamandag, naging close kami ni Chard. But he never made ligaw to me naman, e. I know na people thought na naging kami because I was there during his birthday celebration, then we went to Japan for an event and all those scenes that we made for Kamandag. Chard was just being the nice guy that he is. He's a very sweet person talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung pagiging sweet kasi ni Chard, iba ang nagiging interpretation ng maraming tao. He's just a sweet guy to everybody and I like to thank him for making me feel special during those days. Pero hanggang friends lang talaga kami and nothing more."

Aside from La Lola, mapapanood din si Jewel sa bagong Generoso Brandy commercial ni Dennis Trillo at endorser din si Jewel ng isang bagong brand ng underarm whitening deodorant.

Read Next
Read More Stories About
Jewel Mische, Richard Gutierrez
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yung pagiging sweet kasi ni Chard, iba ang nagiging interpretation ng maraming tao. He's just a sweet guy to everybody and I like to thank him for making me feel special during those days. Pero hanggang friends lang talaga kami and nothing more," says Jewel Mische of her Kamandag leading man Richard Gutierrez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results