Vice Ganda posts photo of presidentiables' sons Sebastian Duterte and Brian Poe-Llamanzares

Apr 27, 2016
<p>In a rare moment, the sons of presidential candidates Mayor Rodrigo Duterte and Sen. Grace Poe were photographed together. <em>It's Showtime</em> host Vice Ganda posted this photo of Sebastian Duterte and Brian Poe-Llamanzares taken during the last pre

Marami ang natuwa sa ipinost na larawan ni Vice Ganda sa kanyang Instagram account kung saan magkasama sina Sebastian Duterte at Brian Poe-Llamanzares, mga anak ng dalawa sa kumakandidatong presidente ngayong May 9 elections.

Si Sebastian ay anak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, habang si Brian naman ay anak ni Sen. Grace Poe.

Sa caption ni Vice Ganda, sinabi ng It’s Showtime host na bukod sa parehong guwapo sina Sebastian at Brian, inilarawan din niyang positibo ang photo dahil magkasama at magkaakbay ang anak ng dalawang magkatunggali sa eleksyon.

Tila kuha ang nasabing larawan noong Linggo, April 24, nang ganapin ang pinakahuling presidential debate na naganap sa Pangasinan at inere sa ABS-CBN.

Read: How did the presidentiables' family members handle the Dagupan debate?

Dumalo sina Sebastian at Brian sa nasabing debate upang suportahan ang kani-kanilang mga magulang.

Sa comment section, marami ang sumang-ayon kay Vice at hiniling pa ng ilan na i-guest ang dalawa sa kanyang programa na Gandang Gabi Vice; gayundin ang mga anak ng iba pang presidentiables.

Continue reading below ↓

Namataan din sa huling presidential debate ang kapamilya ng iba pang presidential candidates; gaya nina Korina Sanchez at Paolo Roxas, misis at anak ni Mar Roxas.

Nakita rin sa event si dating Makati City Mayor Junjun Binay para suportahan ang ama na si Vice President Jejomar Binay.

Para suportahan naman si Sen. Miriam Defensor-Santiago, naroon ang kabiyak nitong si Narciso “Jun” Santiago.

Nito ring Linggo, nag-post si Sebastian Duterte ng larawan kasama ang isa pang presidential candidate na si Sen. Miriam Defensor-Santiago at inilahad sa kanyang Facebook account na na-starstruck siya sa senadora.

Read: Mayor Rodrigo Duterte's son ecstatic over chance encounter with Sen. Miriam Defensor-Santiago

Read Next
Read More Stories About
Vice Ganda Instagram
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>In a rare moment, the sons of presidential candidates Mayor Rodrigo Duterte and Sen. Grace Poe were photographed together. <em>It's Showtime</em> host Vice Ganda posted this photo of Sebastian Duterte and Brian Poe-Llamanzares taken during the last pre
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results