Ai-Ai delas Alas wants to make peace with James Yap

"Gusto ko na ngang magbati na kami. Gusto ko wala na akongkaaway. Maganda yung happy. Ayaw ni Pope sa Vatican ng may kaaway!Nag-cleansing-cleansing pa ako ‘tapos may kaaway ako! At saka mas magandangbatiin ko na si James ngayon bago mag-Pasko, bago rin mag-showing yung pelikulako. Ayoko namang maakusahan na ginagamit ko siya sa promo ng movie ko," says Ai-Ai delas Alas about James Yap.



Last Sunday, October 19, inabangan ng mga manonood kung sinoang makakasama nina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez sa The Buzz noong hapon na‘yon bilang kapalit ng nasuspindeng si Cristy Fermin. At napanood nga ng lahatna si Ai-Ai delas Alas ang naging guest co-host.

"Marami naman yata kaming pinagpilian," ito ang reaksiyon niAi-Ai nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set mismong The Buzz habang break. "Kanina nabasa ko, ako, si Angel Locsin,si Gretchen Barretto, si... mayroon pang isa... si Charlene Gonzalez."

Pero siya ang napili.

"Oo nga. Ako ang nanalo, beauty queen!" biro ni Ai-Ai.

Noong kinausap ba siya ng The Buzz para maging guestco-host, hindi ba siya na-tense na baka maintriga siya?

"Hindi naman. Kasi sanay naman ako na nagpi-pinch-hit sa TheBuzz, e, every time na may nag-a-absent. Ako, panggulo lang naman ako dito saThe Buzz!" pabirong sabi ng comedienne.

Ayaw ring mag-comment ni Ai-Ai tungkol sa suspension niCristy Fermin dahil, aniya, hindi naman niya alam ang mga detalye at wala namandaw siyang kinalaman doon. Kaya maluwag sa loob niyang tanggapin angpagiging guest co-host sa The Buzz. At in fairness kay Ai Ai, sa tuwingnagge-guest co-host siya ay mataas ang rating ng show.

"Oo naman, di ba? Sorry, mataas ang rating ng The Buzz!"pagsang-ayon naman niya.

So, next week ay makikita pa rin ba siya sa The Buzz?

"Sana, sana," sambit niya. "Gusto ko, kasi gusto kongmag-outfit. Gusto kong magtalbugan kami ni Ruffa. Di ba, change outfit ako?Siya nag-change outfit din. ‘Tapos ang taas-taas ng takong! Nahihilo ako sakanya!"

ON KRIS AQUINO ANDJAMES YAP. Kinumusta rin ng PEP kay Ai-Ai ang relationship nila ngayon ngkaibigang si Kris Aquino.

Matatandaang tila nagkaroon ng gap sina Ai-Ai at Krisdahil na rin sa asawa ni Kris na si James Yap. Nagalit si James kay Ai-Ainang kampihan ng komedyante si Kris sa nangyaring James-Hope Centenocontroversy noon. Naintindihan naman daw ni Ai-Ai kung piliin ni Kris nadumistansiya muna sa kaibigan dahil na nga rin sa asawa nito. Pero maycommunication pa rin ba sila ni Kris?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa rin. Pero wala na yun sa akin. Ewan ko lang kayJames. Hindi na ako galit. Okay na ako," saad niya.

So, hindi pa rin talaga sila nagkikita ni Kris?

"Hindi pa," pagkumpirma ni Ai-Ai. "Hindi naman kasi ako saABS nagte-taping ng Betty La Fea. Sa Quiapo ako nagte-taping. Kaya walatalagang chance."

Hindi ba nag-effort si Boy Abunda, na parehong malapit sakanila ni Kris, na pagbatiin sila?

"Hindi naman. At saka hindi naman kami magkaaway ni Kris. SiJames ang nakaaway ko. Pero bati na kami ngayon kasi binabati ko na siya. Kasi gusto ko na kaming magbati."

So, kailan sila magbabati ni James Yap?

"Gusto ko na ngang magbati na kami. Gusto ko wala na akongkaaway. Maganda yung happy. Ayaw ni Pope sa Vatican ng may kaaway!Nag-cleansing-cleansing pa ako ‘tapos may kaaway ako! At saka mas magandangbatiin ko na si James ngayon bago mag-Pasko, bago rin mag-showing yung pelikulako. Ayoko namang maakusahan na ginagamit ko siya sa promo ng movie ko."

Ano ang message niya kay James?

"Bati na tayo, James. I love you, James!" bulalas ni Ai-Ai.

MMFF MOVIE.Naikuwento rin ni Ai-Ai sa PEP na malapit nang matapos ang 2008 Metro ManilaFilm Festival entry niyang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat mula sa Star Cinema.

"Three days na lang ang shooting. Kasi November na angdeadline ng submission. Siyempre may post-prod pa ‘yan."

Inamin ni Ai-Ai na ngayon pa lang siya nagkaroon ng entrysa MMFF na siya talaga ang bida.

"Nagkaroon na ako ng entry before, yung Shake, Rattle &Roll. Pero marami kaming bida doon, e. ‘Eto, first time ako yung bida, titlerole. Ngayon lang ako masasali sa filmfest ng December na bida ako. Kasi datimay June [Manila Film Festival, e. Volta ang entry ko dun."

May nagsasabing pang-award na naman ang akting niyarito. Ano ang masasabi ni Ai-Ai rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga, e. Sabi nga ni Direk Wenn [Deramas], Italianactress daw ako. Ewan ko sa kanya. Sabi niya, ‘Bakit ganyan na ang akting mo?Para kang Italian actress. Nag-iiba ka na.' Gusto ko naman yung ganun, yungnag-i-innovate ako!" natatawa niyangsabi.

Nanalo siya ng awards sa Ang Tanging Ina, pati na rin sa AngCute ng Ina Mo. Kapansin-pansin na kapag may kakabit na Ina sa title ng movieniya ay nananalo siya ng award.

"Oo, at saka suwerte talaga sa akin yun. Parang franchise na‘yan, e, palago nang palago. And sabi nga it comes in three. One, two, three,let's go!"

LOVE LIFE. Kumusta naman ang lovelife niya ngayon?

"Wala, ano ba 'yan? Wala, textmate lang. ‘Tapos wala na rin.Ihanap n'yo nga akong lovelife!"

Pero gusto niya ba talaga ng bagong lovelife?

"Oo nga, isipin ko muna. Kasi kung problema lang, huwag nalang!" tawa niya.

BACK TO BETTY. Pansamantalang nawala si Ai-Ai sa I LoveBetty La Fea, kung saan gumaganap siya bilang nanay ni Betty [Bea Alonzo].Pinalabas na nag-abroad siya. Pero actually in real life ay nag-abroad talagasiya dahil nagkaroon siya ng shows sa ibang bansa. Babalik pa ba ang karakterniya sa I Love Betty La Fea?

"Bumalik na ako, nag-taping na ako ulit," sagot niya.

May kasunod na bang project ang I Love Betty La Fea?

"Wala pa, kasi hanggang March yata ang Betty. Maynire-ready na for second season, e. Kaya masaya, yahoo!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN