Joross Gamboa wants to study film directing

"Hindi ko po naman inisip na mag-showbiz forever. Hindiko nga po inisip na papasukin ko ito, pero dumating po ang opportunity,nag-enjoy naman ako at hanggang nandito pa kami, tuluy-tuloy lang po angtrabaho ko, ipon na lang muna ako nang ipon," says Joross Gamboa about his showbiz career.



Thankful si Joross Gamboa na after ng Sine Serye na Ligawna Bulaklak ng ABS-CBN ay kasama rin siya sa bagong afternoon soap na papalit dito simula saMonday, October 27—ang Pieta.

Isa si Joross sa cast na bumubuo ng Pieta na pinagbibidahan ni Ryan Agoncillo. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Joross before the actualpresscon of the new ABS-CBN series sa Dolphy Theater ng Kapamilya network kahapon,October 21.

Naitanong ng PEP kay Joross kung full-length ba ang participationniya sa Pieta.

"Hindi po, I will be playing the role of the youngDelfin, na gagampanan po ni Jestoni Alarcon," sagot ni Joross."Kaya hindi po ako nagkaroon ng chance na makasama sina Ryan Agoncillo,Ms. Cherie Gil, at iba pang members of the cast. Ang naging asawa ko po ay siAlessandra de Rossi, the young Amanda, si Ms. Cherie. But I'm grateful andhonored na nakasama ako sa isang malaking teleseryeng ito."

Si Joross ang huling character na pumasok sa Ligaw Na Bulaklak nang mawalasi Sid Lucero, at hintayin daw sa Friday kung sila ba ni Roxanne Guinoo angmagkakatuluyan.

Kumusta naman ang muling pagsasama nila ng dating girlfriendna si Roxanne?

"Mas okey na po kami ngayon, although kahit po breakna kami noon, nagkasama pa rin kami sa Natutulog Ba Ang Diyos. Nagkasama kami uli sa Maalaala Mo Kaya doon sa episode na dancer siCristine Reyes. Ngayon, nakakapagkuwentuhan kami, nakapag-aasaran narin, nagbibiruan," lahad ni Joross.

STAYING OFF ROXANNE-JAKE ISSUE. Alam ba niya angintrigang may away raw na nangyari kina Roxanne at Jake Cuenca nang mag-showang ASAP '08 sa Guam two weeks ago?

"May nakarating nga po sa aking kuwentong ganyan, perohindi ko po siya tinanong kahit 'yong last taping day namin ng Ligaw naBulaklak ay nangyari after nilang manggaling sa Guam. Dedma na po lang ako, labas na ako doon. It's none of mybusiness anymore, dahil wala naman ako roon at saka bilang respeto ko na rin pokay Roxanne," seryosong sagotni Joross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FEELING SORRY FOR JEN. From Star Magic ay nasapangangalaga na ngayon ni Becky Aguila si Joross. Recently ay nabalitangnanakawan si Becky ng assistant nito at kasama sa mga natangay ang mga kinitang mga alaga nito. Kasama ba si Joross sa mga alaga ni Becky na nanakawan?

"Hindi ko na po masyadong pinansin 'yon, dahil iyong mgaraket ko lang 'yon. Pero kay Jennylyn [Mercado] po ako naaawa kasi nagamit siyatalaga. Nalaman na lang namin na marami pala siyang [assistant ni Becky]hiningan ng pera na sinabi niya para raw kay Jen 'yon, pero wala naman palangnakarating sa kanya [Jennylyn].

"Ang masakit pa po, 'yong nakuha niyang perani Jen, hindi po biro 'yon, dahil milyon din daw, plus marami po yatang checkssi Jen na tumalbog nang ibayad niya dahil wala na ngang laman ang deposit niyasa bangko. Sana isinaalang-alang na lang niya na breadwinner si Jen atmay anak itong palalakihing mag-isa. I heard magdedemanda po si Jen at si TitaBecky."

Sina Joross at Jennylyn ang magkatambal sa One Night Onlyna Metro Manila Film Festival entry ng Canary Films sa direksiyon ni Joey Reyes. First time ba siyang maididirek ni DirekJoey?

"Hindi po, parang reunion po namin dahil siya angdirektor namin noon ng Can This Be Love? nina Sandara Park at HeroAngeles," sagot ni Joross.

BACK TO SCHOOL. Sa November 25, Joross willturn 24 years old, may party ba siya tulad noong mga nakaraang birthdays niya?

"Wala na po, kasi binili ko 'yong lote sa tabi ng bahaynamin sa BF Homes sa Parañaque. Hindiko po patatayuan ng bahay, ginawa po naming garden at gazebo. Saka itinuloy kopo ang studies ko ng Mass Communications. Gusto kong mag-major ng filmdirection sa Southville International School sa Parañaque. Sayang nga po dahilmaraming hindi na-credit doon sa mga subjects ko ng nursing.

"Nursing po kasi ang kinuha ko noon dahil may petitionnga kami na mag-migrate sa States. Saka nang pumasok po ako ng showbiz, hindiko na itinuloy ang Nursing course ko. Kailangan po kasi doon na full time. Mahirap po namang habang nag-a-assist ako sa pagpapaanak, iiwanan ko 'yong babydahil may shooting o taping ako!" biro ni Joross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig bang sabihin, kaya ba niyangiwanan ang showbiz?

"Hindi ko naman po inisip na mag-showbiz forever. Hindiko nga po inisip na papasukin ko ito, pero dumating po ang opportunity,nag-enjoy naman ako at hanggang nandito pa kami, tuluy-tuloy lang po angtrabaho ko, ipon na lang muna ako nang ipon, para just in case matuloy kamingmag-migrate, may pera kami."

Hindi ba nanghinayang si Joross sa pagkakataon na nawala sakanya noon, na kung tutuusin mas bigger star na sana siya ngayon?

"Hindi naman po dapat madaliin 'yon. Madali lang posumikat, pero 'yong kung paano ka mag-stay sa itaas, iyon po ang mahirap," saad ni Joross.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN