Tenth installment of "Shake, Rattle & Roll" is another casting coup

Some of the stars of Shake, Rattle & Roll X: (top row, from left) Roxanne Guinoo, Gerald Anderson and Kim Chiu; (bottom row, from left) Jean Garcia, JC de Vera and Diana Zubiri.



Thetenth edition of Shake, Rattle & Roll promises to be the best casting ever.

Isangmahirap mabuong pictorial set ang nagawa ng Regal Entertainment hapon ngMartes, October 21, sa Valencia residence ni Mother Lily Monteverde nangnagpasama-sama ang halos lahat ng cast ng pangsampung edition ng Shake, Rattle& Roll para sa 2008 Metro Manila Film Festival.

Dahilspecial para kay Mother Lily at sa anak nitong si Roselle Monteverde-Teo angSRR X, sinigurado ng mag-ina, pati na rin ng supervising producer na si MannyValera, na ito ang pinakamalaking cast na nabuo para sa isang SRR, kung saan mulingpagsasamahin ang mga artista ng ABS-CBN at GMA-7. Hindi lang basta stars,junior superstars, at big stars ang tinangka ng Regal Films na magkasama-samarito mula sa dalawang TV networks.

SaGMA-7, nandito sina Marian Rivera, JC de Vera, Jean Garcia, Diana Zubiri, atWendell Ramos. Sa ABS-CBN naman, nasa cast sina Kim Chiu, Gerald Anderson, atRoxanne Guinoo. Marami ring StarStruck graduates at Star Magic talents angkasama.

Kahapon lang in-announce ni Mother Lily na si Marian na ang bida sa "Nieves" kaya hindi pa siya nakasama sa pictorial.

Tatlongepisodes ulit ang SRR X at lahat may koneksiyon sa numerong 10.

Sa"Nieves" episode, na mula sa direction ni Mike Tuviera at panulat ni PennyTuviera, sampu ang main cast sa pangunguna ni Marian, na pumalit kay EugeneDomingo sa title role. Maghahanap pa ng makaka-partner ni Marian dahil hindi nabagay sa kanya ang original star na dapat sa character. Makakasama ni Mariandito sina Diana, Luis Alandy, Marco Alcaraz, Jennica Garcia, Iwa Moto, CharizSolomon, at BJ Forbes na pawang mga Kapuso stars. Si Desiree del Valle lang angnag-iisang Kapamilya.

Sa"Class Picture" episode, mula sa direction ni Topel Lee at panulat ni CherylNarvasa, sampung estudyante naman ang mumultuhin ng isang madre. Mangungunarito sina Kim at Gerald, pati na ang mga Kapamilya nilang sina Erich Gonzales,NiƱa Jose, Charles Christiansen, Eda Nolan, at Andrea Torres. Sasamahan sila ngmga Kapusong sina Jean, Stef Prescott, Prince Stefan, at IC Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa"Emergency" episode, mula sa direction din ni Michael at sa panulat ni EllenEstrada, isang ospital ang sinalakay ng isang aswang na gustong maghiganti sapagkamatay ng anak nito. Magbibida rito sina JC at Roxanne na galing samagkaibang networks. Sina Mylene Dizon at Wendell naman ang mga aswang. Kasamarin sa cast sina Kapusong John "Sweet" Lapus at ang mga Kapamilyang sina Janusdel Prado, Denise Laurel, at Eri Neeman.

Isa pang special sa SRR X, karamihan sa main cast ayfirst time na lalabas sa horror frnachise ng Regal, tulad nina Marian, Kim,Gerald, JC, Jean, at ang karamihan sa mga StarStruck at Star Magic teenagers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN