PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dion Ignacio reveals he and Yasmien Kurdi once had "M.U."

Dion is Yasmien's new leading man in the new GMA Sine Novela "Saan Darating Ang Umaga?."
by Ruel J. Mendoza
Published Oct 25, 2008
"Masyado pa kaming mga bata noon, e. I think si Yas mga 13 or 14 years old lang siya. Ako naman 16 years old lang noon. Kaya parang puppy love lang kami. Madalas din kasi kaming mag-away noon kaya hindi kami serious. Mga isip-bata pa kami noon talaga," reveals Dion Ignacio about his "mutual understanding" (M.U.) with Saan Darating Ang Umaga? leading lady Yasmien Kurdi once upon a time.

Nag-pictorial na last Wednesday, October 22, ang buong cast ng bagong GMA Sine Novela na Saan Darating Ang Umaga?.

Ginawa ito noong 1983 ng Viva Films—unang pelikula ni Maricel Soriano sa Viva Films—at nanalo siya ng Best Supporting Actress award mula sa FAMAS sa pagganap niya bilang si Shayne.

Sa TV remake na ididirek din ng original director nito na si Maryo J. delos Reyes, si Yasmien Kurdi ang gaganap na Shayne. Kasama rin sa cast sina Lani Mercado as Lorie, originally portrayed by the late Nida Blanca; Joel Torre as Ruben, originally played by the late Nestor de Villa; Jacob Tingson as Joel na ginampanan noon ni Jaypee de Guzman; at Dion Ignacio as Raul, playing Raymond Launchengco's role in the 1983 movie.

Masuwerte nga ang StarStruck 1 Avenger na si Dion dahil nabigyan na siya ng pagkakataon na maging leading man sa isang soap drama. Lalo pa siyang natuwa nang malaman niyang ang ka-batch niya sa Starstruck na si Yasmien ang makakapareha niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal nga raw hinintay ni Dion ang big break na ito. Madalas daw kasi ay kontrabida ang labas niya sa mga soap drama ng GMA-7.

"Ang last soap drama na ginawa ko was Babangon Ako't Dudurugin Kita at kontrabida ako roon ni JC de Vera. Namatay ako agad sa show. Bago ‘yon ay nasa Zaido: Pulis Pangkalawakan ako at kontrabida ako roon ni Marky Cielo," pahayag niya nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa bago niyang show.

"Noong sinabi sa akin na partner ako ni Yasmien sa Saan Darating Ang Umaga, tuwang-tuwa ako kasi hindi na ako bad boy ngayon. Good boy na ang gagampanan ko para maiba naman."

First time ngang makaka-partner niya si Yasmien sa isang drama show. Before daw ay mas madalas niyang makapareha ang ka-batch din nilang si Nadine Samonte.

"Mas marami kaming nagawa ni Nadine kasi sabay kaming natanggal noon bago mag-Final Four sa StarStruck batch namin. Si Yasmien kasi napunta na siya kay Rainier Castillo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Noong nasa StarStruck pa kami, madalas na kaming ipagpareha sa mga acting challenges namin. Yun nga lang, natanggal ako bago mag-Final Four at si Rainier at Mark [Herras] ang naiwan. Kaya mas naging love team sina Yas at Rainier."

Noong panahon ngang nasa StarStruck pa sina Dion at Yasmien, nabalita noon na naging mag-on sila. Nag-deny sila noon pero ngayon ay inamin na rin nila na nagkaroon sila ng pagkakaunawaan.

"M.U. [mutual understanding] lang kami ni Yas noon," pag-amin ni Dion.

"Masyado pa kaming mga bata noon, e. I think si Yas mga 13 or 14 years old lang siya. Ako naman 16 years old lang noon. Kaya parang puppy love lang kami. Madalas din kasi kaming mag-away noon kaya hindi kami serious. Mga isip-bata pa kami noon talaga."

Handa na ba niyang seryosohin si Yasmien? Wala naman daw boyfriend si Yasmien at wala naman siyang girlfriend.

"Bakit naman hindi, di ba?" ngiti pa rin ni Dion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero depende ‘yon kay Yas. Baka kasi may manliligaw siya, nakakahiya namang pumasok. Hindi ko ugali ang sumabay sa ibang manliligaw. Kapag sinabi ni Yas na wala naman siyang manliligaw ngayon, e, di mas maganda. Magpapaalam muna ako kay Yas kung okey bang ligawan ko siya.

"Kami naman ni Yas, good friends kami niyan hanggang ngayon. Kung noon napipikon sa akin 'yan at napapaiyak ko, ngayon hindi na. Malaki na ang improvement ni Yas sa sarili niya. Mas lalo siyang gumanda at magaling pang umarte."

Ang iba pang kasama sa cast ng Saan Darating Ang Umaga ay sina Pinky Amador, Charlie Davao, Luz Valdez, Arci Munoz, Sugar Mercado, at Joseph Bitangcol. Papalitan nito ang malapit nang matapoos na Gaano Kadalas Ang Minsan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Masyado pa kaming mga bata noon, e. I think si Yas mga 13 or 14 years old lang siya. Ako naman 16 years old lang noon. Kaya parang puppy love lang kami. Madalas din kasi kaming mag-away noon kaya hindi kami serious. Mga isip-bata pa kami noon talaga," reveals Dion Ignacio about his "mutual understanding" (M.U.) with Saan Darating Ang Umaga? leading lady Yasmien Kurdi once upon a time.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results