Kung dati ay kinikilala lang siya bilang apo ng Queen of Intrigues na si Inday Badiday at anak ng kilalang koluminsta na si Dolly Ann Carvajal, ngayon ay gumagawa na ng sarili niyang pangalan sa showbiz si IC Mendoza.
Co-host ni Alex Gonzaga sa programang Juicy ng TV5 at kilala na rin bilang isang komedyante, hindi tuloy maiiwasang pukulin na rin ng mga intriga si IC. Kamakailan nga ay kumalat ang balita na nirereklamo raw ng kapwa komedyanteng si Ate Gay si IC dahil hindi raw sinipot ng huli ang birthday show niya gayong tumanggap na raw si IC ng down payment galing sa kanya.
FOR THE LOVE OF Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan kay IC ay agad na nagbigay ng pahayag si IC sa hindi magandang akusasyon sa kanya ni Ate Gay, at kung ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit hindi niya nasipot ang nasabing commitment.
"Ganito yung nangyari: birthday show niya, ‘tapos guest ako. E, nung mismong show niya, sobrang nilalagnat ako, as in hindi ko kayang tumayo. Kasi kung kaya ko naman, why not, di ba? Nilagay na pala ako sa posters, nung nag-usap kami, sabi ni Ate Gay sa akin, okey lang daw, so, akala ko, okey na.
"'Tapos ngayon, only to find out na sinasabi niya na itinakas ko raw yung down payment. Paano magkakaroon ng down payment, e, for the love of yung show na yun? Sincerely kong gagawin sana ‘tapos nagkaroon pa ng ganitong issue?"
Ayon kay IC ay hinintay niyang i-text o tawagan siya ni Ate Gay para mapag-usapan ang sama ng loob nito sa di niya pagdating sa birthday show nito, pero di na nakipag-communicate sa kanya uli ang stand-up comedian. Nang tanungin namin kung magkaibigan ba sila, sinabi ni IC na hindi sila close ni Ate Gay pero nandun ang pakikisama niya dito bilang kapwa komedyante.
"Hindi niya na ako tinext o tinawagan ‘tapos pinagkakalat niya ngayon na tinakas ko yung down payment, ang chaka naman ng balita na ‘yan.
"We're not that close pero friends kami kasi siyempre pareho kaming komedyante. Ang pangit lang pakinggan at nakakasama ng loob na gagawin ko sana yun for the love of, ‘tapos biglang sisiraan ka ng ganun?"
"To be honest hindi ako galit sa kanya, kung gusto niya
akong kausapin. Pero di ako ang mag-a-approach sa kanya, siya ang kumausap sa
akin."
Sa mensahe niya para kay Ate Gay, heto ang gustong iparating ni IC para sa komedyante.
"Ate Gay, alam naman natin parehas na walang down payment. Kung gusto mong naging maingay ang show mo, puwede kong ipasulat sa aking nanay or i-promote sa Juicy at di yung umabot pa sa ganito."
Kasama si IC sa "Class Picture" episode ng Shake, Rattle and Roll 10.
