PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Aquino sacrifices movie career for husband James Yap

Kris Aquino refuses to comment on misunderstanding between husband James Yap and her friend Ai Ai delas Alas.
Published Oct 27, 2008
"I can never be perfect [wife] kasi hirap akong bumangon. Kasi, di ba, sila 'yong nagluluto ng breakfast? So, tina-try ko talaga pero antok na antok talaga ako. Nagsusungit lang naman ako sa table, so huwag na lang, di ba? Hassle lang, hindi ko talaga kaya. Ang hirap, di ba?" says Kris Aquino describing herself as a wife to basketball player James Yap. Kris (center) returned to The Buzz yesterday, October 27, with her sons Josh


Kasabay ng pagbabalik ng Queen of Talk na si Kris Aquino sa The Buzz kahapon, Oktubre 26, isang panibagong segment din ang ipinakilala ng programa na pinamagatang "Tough Ten." Sa segment na ito sampung matitinding tanong ang ibabato sa guest celebrity. Ang pinakaunang isinalang ay ang kontrobersyal na aktor na si Gabby Concepcion.

Sa tough question number five, tinanong ni Kris, "Kung ikaw ang papipiliin, sino ang gusto mong maging leading lady sa comeback movie mo?"

Nung una ay hindi makapagbigay ng pangalan si Gabby. "Mahirap na tanong 'yan. Open naman ako kahit sino," aniya.

Ngunit patuloy naman siyang kinulit ni Kris at sinabi, "This time I'm gonna be tough. Sino? Top three para mas madali lang."

Hindi pa rin makasagot si Gabby kung kaya pabiro na lamang nitong sinabi, "Maganda kung makakasama ko sa pelikula 'yong mala-Snow White ang dating, fantasy di ba?" Nakasuot ng Snow White na costume si Kris habang ini-interview si Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat nagbiro ang returning actor na gusto niyang makasama ang TV host-actress sa isang pelikula, agad na sinabi ni Kris na malabo na itong mangyari nang makapanayam siya ng entertainment media habang commercial break ang The Buzz.

"No I can't act kasi ayaw na ni James na umarte [ako]," sabi ni Kris. "Lahat okay na huwag lang mag-taping. Kasi ang late daw natatapos, e, 7:00 [in the morning], gumigising na siya ng maaga para sa practice, nasisira daw talaga ang tulog, nasisira daw talaga 'yong whatever. You know, you sacrifice. I turned down several [movies] na talaga. Nakakapanghinayang pero ganun talaga."

Dagdag pa niya, "Actually, si Deo [Endrinal, ABS-CBN business unit head] was saying mayroon siyang gustong gawin, pero siguro huwag na lang para peace, love, and harmony."

Ibig sabihin ba nito na maaring maipasa na sa ibang artista ang kanyang pagiging "Queen of Horror"? Nakailang successful horror movies na rin si Kris, tulad ng Feng Shui (2004) at Sukob (2006); at ang SineSerye na Patayin sa Sindak si Barbara (2008).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Anybody can have it," maikling sagot ni Kris.

KRIS OFFENDED BY GABBY? Isa pang tanong na pabirong sinagot ni Gabby ang pangalan ni Kris ay sa tough question number 8, "Sa mga artista na nakarelasyon mo, sino ang pinakainiyakan mo?"

Nakangising sinabi ni Gabby, "Ito, medyo madali na... Kris... Kris..."

Sumagot naman si Kris ng, "Alam mo, hindi na ako makakabalik dito. Pagbabawalan na ako ng asawa ko."

Nang makakuha ng pagkakataon ang entertainment media, tinanong ni Rey Pumaloy kung bakit parang na-off si Kris sa mga sinagot ni Gabby.


Tugon ni Kris, "You know kasi... Hindi, Tita Ethel [Ramos, talent manager and entertainment columnist], I should not be offended, di ba? Kaso lang, ilang time na niyang ginawa kasi, bawat guesting niya sa akin."

Agad naman nilinaw ni Kris na hindi siya na-offend sa naging asal ni Gabby sa panayam sa kanya sa The Buzz.

"It's not that? Pero parang feeling ko, I'm also a wife," rason ng showbiz talk show host. Nilalagay ko lang ang sarili ko sa lugar ng misis niya. Kasi parang ang pangit, e. It's bad. Kasi kung ako...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tita Ethel, ito I can be proud of, since the time I've been married, you've never heard me mention about my past. I've never made any mention of it, wala, wala talaga. Kasi, respeto 'yon sa asawa ko. So, parang ako, nao-off talaga ako sa mga ganyan. Kasi, alam lahat ng buong mundo, except for my staff sa Boy and Kris na bata sila, na parang ‘talaga po?!' So, parang hayaan na lang."

Hindi na rin niya ginawang pigilin pa si Gabby sa pagbibiro. Aniya, "No, I don't like, baka sabihin pa niya sa akin, ‘KJ [killjoy] ka.' Quiet na lang ako. 'yon lang, it's just that hindi ko ine-encourage kasi ayaw kong ma-offend ang misis niya at ayaw kong..."

Patuloy pa niya, "Kasi, iba ang sitwasyon ko, Tita Ethel, [basketball] player ang asawa ko. Ayaw ko na hinihiyawan siya ng mga kalaban na, ‘Gabby, Gabby.' Kasi, na-experience ko 'yan noon na paumpisa pa lang kami, may mga evil people na hinihiyawan siya ng ‘Joey, Joey.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, parang sabi ko talaga, I'll never do anything that will put my husband down in an awkward position. 'Yon lang, kasi parang unfair dahil hindi naman niya nakaraan, nakaraan ko. Kaya kung kaya kong i-control, i-control ko na."

"APPRECIATE EACH OTHER." Matapos magpaliwanag ni Kris, tinanong ng siya ng isang reporter, "So, you love James?"

Isang mahabang sagot naman ang ibinigay ni Kris. Aniya, "You know, love is an everyday decision. 'Yon ang natutunan ko talaga na in-agree-han ng mom ko. Kasi, may mga moments talaga na love na love mo, minsan nagkakabwisitan kayo, pero you learn to appreciate each other talaga.

"And I think 'yong tinuro din sa akin ni Boy [Abunda] talaga, sabi niya, ‘Nobody is perfect Krissy, even you. So, accept mo talaga kung ano kayo for what you are and just try your best.'

"All my sisters are still married and I think 'yon ang pananaw nila sa buhay. Matagalan sila kasi they've learned to accept each other for their quirks and parang hindi ka nananapak sa asawa mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON "FRIENDSHIP" AI AI DELAS ALAS. Sa nakaw na panayam ng entertainment media kay Kris habang umeere ang The Buzz, nahingan din siya ng update tungkol sa kanyang asawa at sa kanyang kaibigan na si Ai Ai delas Alas.

Matatandaan na nagkaroon ng di pagkakaunawan si Ai Ai at James nang kampihan at ipagtanggol ni Ai Ai si Kris sa kasagsagan ng kontrobersiyang nag-uugnay kay James sa isang empleyado ng isang cosmetic surgery center. Nag-comment si Ai Ai na isoli muna ni Kris ang asawa niya sa nanay nito.

Paiwas namang sumagot si Kris ng, "I don't like to comment kasi mag-aaway lang kami [ni James], so huwag na lang, di ba? It's best talaga to be quiet."

Patuloy pa niya, "Quiet na lang talaga. Halos ikahiwalay na namin, di ba? So, quiet na lang ako talaga. There are certain things that you understand because you're a wife and you just keep quiet na lang. And I hope na as a friend she [Ai Ai] will understand also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Di ba, favorite ko si Joyce Mayer, sinabi niya talaga, 'submission'. Submission talaga, e. Hindi naman submissive na parang wala ka nang opinyon. Pero there are things worth arguing about, there are things na dapat manahimik ka na lang. 'Yon talaga, 'yon talaga ang natutunan ko."

Sa palagay ba niya, hindi pa ngayon ang tamang panahon upang mag-usap ang dalawa?

"Alam mo, it's really up to James, kasi we're women, we'd look at things differently. Iba ang pananaw ng lalaki, so hindi ko talaga alam. And alam mo, ayaw kong talaga na parang there are certain things na dapat huwag mo nang i-bring up para hindi na lang kayo maging awkward pa and all, so hinahayaan mo. Those are the things na you learn with maturity."
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I can never be perfect [wife] kasi hirap akong bumangon. Kasi, di ba, sila 'yong nagluluto ng breakfast? So, tina-try ko talaga pero antok na antok talaga ako. Nagsusungit lang naman ako sa table, so huwag na lang, di ba? Hassle lang, hindi ko talaga kaya. Ang hirap, di ba?" says Kris Aquino describing herself as a wife to basketball player James Yap. Kris (center) returned to The Buzz yesterday, October 27, with her sons Josh
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results