PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PART I: Gabby Concepcion lives each day unplanned: "I live life day by day."

Gabby talks about GMA Films, Nadia Montenegro, Daddy Rollie, Sharon Cuneta and his "Four Marias."
by Mell T. Navarro
Published Oct 27, 2008
"Ang buhay ko nga, di nakaplano, e! Di ko pinaplano ang buhay ko, nangyayari na lang lahat ng ito," says Gabby Concepcion about his showbiz comeback.

Maagang dumating si Gabby Concepcion sa office ng Philippine Movie Press Club (PMPC), Inc. sa Quezon City, upang paunlakan ang birthday invitation sa kanya ng PMPC officer at kolumnistang si Boy Romero, na nagpa-dinner party nung Biyernes, October 24.

Pinakamaagang bisitang dumating ang aktor. Meron pa raw kasi itong pupuntahang dinner with his mom kaya hindi rin siya magtatagal. Hindi naman nag-atubili ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang pagkakataon para makumusta at makapanayam si Gabby.

Sa gitna ng maraming intrigang ibinabato sa kanya ngayon, nagsisisi ba siya na bumalik pa siya sa mundo na iniwan niya 13 years ago?

"Wala, hindi ako nagsisisi... Kasi, nakita ko ang Dad ko, e. Yun ang pinakamalaking fulfillment ko. Kahit na ano pa mang mangyari, nagkita na kami ni Dad, e. Yun talaga ang reason ng pag-uwi ko, para makita siya. That's my main goal.

"Kahit na ano pa'ng sabihin nila, yun talaga...Wala, e, wala na akong choice. Hindi na talaga ako uuwi pero siya talaga ang dahilan, e. Gusto talaga ng mom ko, magkakasama kaming magkakapatid dun. Siyempre, family comes first, di ba? I have to abide [by] the request of my mother dear."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman daw talaga niya planong bumalik ng Pilipinas but for his dad, kinailangan niya talagang bumalik. And besides, hindi naman talaga daw talaga niya ugaling magplano.

"Ang buhay ko nga, di nakaplano, e! Di ko pinaplano ang buhay ko, nangyayari na lang lahat ng ito," sabi pa ni Gabo.

MOVIE WITH GMA FILMS. Kumusta na nga ba ang latest sa isyu niya with GMA Films? Matatandaang naging masalimuot ang usaping ito dahil supposedly, ang GMA Films, through Mr. Jun Magdangal, ang magiging daan para masimulan ang pag-uusap tungkol sa posibleng pagbabalik ni Gabby.

Ang kaso'y naiba nga ang ihip ng kuwento dahil hindi raw nagustuhan ni Gabby ang script para sa kanyang comeback film. Ang ending, sa ABS-CBN siya pumirma pero ang kanyang first movie ay under GMA Films dahil valid ang naunang contract na pinirmahan niya.

"Ongoing pa rin yun," ang kuwento ni Gabby. "In fact, mag-uusap pa nga kami ni Joey [Abacan, GMA Films executive] at ni Annette [Abrogar, GMA Films president] by the end of this month, pero nasa out of town pa ‘ata sila, e. So, magmi-meeting-meeting pa kami."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gabby pointed out na gusto niyang makapamili ng magandang project para sa kanyang comeback movie. More than ever, seryoso siya sa craft niya at malaking bagay ang pagkakaroon ng magandang script.

"At least, may freedom o liberty ka to choose kung ano ang gusto mong gawin. Pero okey din naman, kahit naman ano ang ibigay sa akin basta okey, ginagawa ko, e. Pero sana lang, sabi ko, this time, makakapamili na ako sa mga roles, di ba? Para maiba naman, di ba? Hindi yung, ‘Ah, nakita na namin ‘yan!' Or, ‘nagawa ko na 'to, ah?'"

Ibig bang sabihin nito ay hindi siya puwedeng gumawa ng movie—kahit sa Star Cinema—hangga't hindi niya nagagawa ang movie with GMA Films?

"Oo, correct, dahil nung una pa lang, yun na talaga ang usapan, e. ‘Tsaka, yun, sinusundan ko naman yun... Never ko naman sinabing never akong gagawa sa GMA Films, so, yun ang patuloy na pinag-uusapan, kung tuloy kaming gagawa ng pelikula—when, where can we amicably settle this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero sa TV, it's ABS-CBN talaga dahil wala akong contract sa Seven sa TV. In fact, ang naka-stipulate sa contract ko sa Seven [GMA Films] is to shoot the film abroad."

HIS FRIEND NADIA. Hindi maiiwasang matanong si Gabby about his friend Nadia Montenegro. Sa ngayon kasi ay may issue na rin ito with his manager Mrs. Rose Flaminiano. Humantong pa nga sa name calling at personalan ang naging issue ni Nadia with Mrs. Flaminiano.

To this, sinabi ni Gabby na hindi niya intensyon na mapasali si Nadia sa problema niya with his manager. Aniya pa, kung anuman ang problema ni Nadia with Mrs. Flaminiano, sariling laban na ito ni Nadia. May kani-kanya naman daw kasing laban ang bawat tao.

"Nagkakataon lang na nung dumating ako, ako, nagkaroon na rin ng issue. Kasi, ako, pinapanindigan ko lang naman yung kung ano ang akala kong tama at mali. Di ba? Yun lang naman ang sa akin, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ina-appreciate naman daw niya ang friendship ni Nadia. In fact, matagal na raw niya itong kilala dahil friends nito ang mga nakababatang kapatid niya. Naging close na rin daw siya kay Nadia.

"So, nung nagkita kami uli [ni Nadia nung pagkabalik niya from the States], parang bumalik yung gano'ng closeness. Wala naman kaming alitan o away, wala kaming tampuhan. Na-miss namin ang isa't isa as friends lang... Friendship lang talaga with her ang focus ko. Walang showbiz agenda!" tawa pa ni Gabby.

RECONCILING WITH SHARON. Meanwhile, ang isa sa mga bagong usap-usapan ngayon kay Gabby ay, finally, in good terms na raw sila ng ex-wife niyang si Sharon Cuneta. Public knowledge ang naging gap ng mga magulang ni KC Concepcion, at tumakbo ito ng mahabang panahon.

In fact ay nagkaka-text-an na raw sila ni Sharon. Paano nga ba nagsimula ang pakikipagbati niya with the Megastar?

"Well, nag-umpisa ‘yan nung namatay ang Dad. Tinext ko si Sharon, tinext ko rin si KC, to inform them, instead na mabalitaan nila kung saan-saan pa, di ba? E, di personally, sa akin na dapat manggaling ang balita. Kasi, they're family, hindi ba? That's how I felt. We're family. So, that's how it all happened, that's how it all started.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, sumagot naman siya [Sharon], and I'm glad dahil binigyan niya ng halaga yun. So, ayun, nag-usap na kami. Nag-text back siya, and then, ako na rin ang tumawag sa kanya... It was great!"

Pero bago pa ang pag-uusap nilang ito, nagkausap na rin naman sina Sharon at Gabby noon pa sa cellphone after so many years of not talking to each other.

"Sa States, nag-usap na rin kami nun. Of course, wala pa ako uli sa showbiz noon, I think that was 2005... Kasi, that was the year na dumalaw sa akin si KC!"

Actually, it was in August 2006 that KC visited him for the first time in 10 years. Sa October 2006 issue ng YES! magazine, nag-share si KC ng photos and account of their meeting.

Si KC rin ang dahilan kaya nakapag-usap sina Gabby and Sharon for the first time din after not talking to each other for many years. Ibinigay kasi ni KC ang cellphone nito kay Gabby, with Sharon not knowing who she was talking to. Pinasalamatan ni Gabby si Sharon sa pagpayag nito na bisitahin siya ni KC at kinongratulate na rin sa maayos na pagpapalaki sa kanilang dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang ganda nga, e," says Gabby about KC's visit in 2006. "Kasi, si KC, 10 years kaming hindi nagkita, ‘tapos, 10 days siyang nasa bahay! So, ang ganda, di ba? It's one day for every year! O, di ba? 10 years, 10 days! Ha-ha-ha!

"You know what's funny, ‘eto pa, 13 years ako sa showbiz, at 13 years din akong nawala sa Pilipinas! Ang tagal nun, ‘no? Yun yung mga tugma," tawa pa ni Gabby.

So, happy na nga ba si Gabby sa ngayon dahil makalipas ang mahabang panahon, open na rin ang communication nila ng Megastar?

"Yeah, oo, oo! Ito nga yung chapter ngayon sa buhay ko na magbati-bati na lahat ng mga tao. Wala na yung mga tampuhan sa buhay. Para yung pagbalik ko dito, di naman ano, kasi... Ewan ko ba kung bakit nadidikit lagi ang intriga sa akin? Di ko alam.

"Pero ngayon, inaayos na natin yung sa personal ko, tinutuwid na natin... Masaya ako ngayon na open na ang communication namin ni Sharon, and my other ex's... Si Janice [de Belen], nagpunta sa wake ng Dad ko, and baka mag-guest ako sa Spoon cooking show niya [sa Net 25].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi mo kasi masasabi ang buhay, e, di ba? Diretso lang," makahulugang wika pa ni Gabby.

DADDY ROLLIE MADE IT ALL HAPPEN. Pero kung susuriin, para bang ang namayapa niyang ama na si Daddy Rolly Concepcion ang nag-ayos ng lahat, bago pa man siya nakauwi muli sa bansa?

"Si Daddy talaga," pag-sang-ayon ni Gabo. "Lahat, siya! Mula nung pumasok ako sa showbiz... Siya nga ang una kong manager, di ba? Ang Daddy ko ang una kong manager, hanggang sa kinasal na ako kay Sharon.

"Hanggang sa sabi niya, ‘Bakit pa ako magma-manage sa ‘yo, e, lumalabas nang meron kang stage father?' So, kumalas na siya. That was when tinurn-over niya ako kay Lolit [Solis]. Pero before Lolit, a few months, na kay German Moreno ako.

"Months lang yun dahil hindi pa namin alam kung kanino magpapahawak. E, si Daddy, di ba, may ginawa kaming pelikula, yung Miracle of Love [1981, with the late Roxanne Abad Santos] under GC Films? Yung pangarap niya is to build up Roxanne as an actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Now, yung istorya nun was based not from her life, but on incidences or situations. ‘Tapos, namatay siya nung dubbing pa lang ng movie, di pa napapalabas. So, ang ginawa ni Daddy, dinoneyt niya yung [kinita sa] premiere night sa pamilya ni Roxanne.

"So, magmula noon, hanggang sa pelikulang I'll Wait For You If It Takes Forever kung saan kasama ko si Janice [de Belen], yung Menudo't Pandesal, Prince Charming at kung anu-ano pa...

"Anyway, nagpakasal na kami ni Sharon nung 1984. ‘Tapos, si Lolit, sumasama sa amin, siya ang PRO ko, di ba? Ang sabi ni Dad, ‘O, since ikaw naman ang PRO, ikaw na ang mag-manage kay Gab.' So, inintrega niya ang buhay ko, ang management ko, kay Lolit."

"FOUR MARIAS." May balak ba siyang pagsama-samahin ang kanyang apat na babaeng anak?

"Ah, yun! ‘Yon ang plano ko talaga one day, oo! Sa ngayon, kumbaga sa zipper, e. Unti-unti ko nang pinagdidikit-dikit sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"They are four girls—si KC... Kristina kasi kay Sharon yun, e, yung Cassandra sa akin, my youngest sister kasi si Cassandra, so, parang pinangalan ko na rin after her... ‘Tapos, si Gabrielle [with Grace Ibuna], and then si Cloie [with Jenny Syquia] yung third, and ‘tapos, si Samantha [with current wife Genevieve "Ginbee" Yatco Gonzales], four months old."

Puro girls, kumbaga, e, ‘Apat na Maria.' Gagawa pa ba siya ng lalaking anak na susunod sa kaguwapuhan niya?

"Naku! di ko alam! Siguro, di na muna! Ha-ha-ha!" tawa ni Gabo. "Hindi na muna... Pero depende... Gusto pa rin ng misis ko, e."

Natutuwa ang aktor na ang nangyaring pagbabati nila ni Sharon ay hindi naging circus o may mga nakaharap na kamera. Masayang ibinalita rin ni Gabby na pati ang misis niya ngayon at si Sharon ay magkasundo.

"Ang ganda nga, e. Kasi, nagkasundo na rin si Sharon at ang misis ko... klik sila! Si KC, klik din sila. Maganda... May mga instances na, parang... ‘andun yung magnet, na okey? Kasi, yung mga iba, nagre-repel, di ba? May mga taong gano'n. Hindi sila gano'n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi pa sila nagkikita, pero mismong si Sharon na mismo ang nagsasabi sa akin na okey siya for her... Alam ko na may maganda silang ano... di tulad ng iba na parang, ‘Silent Night,' na parang, ‘wag na lang babanggitin para ahhmmm... di masira ang araw. Yung gano'n?"

UNPLANNED. Pero bakit nga kaya nung bagong dating sa bansa si Gabby, e, parang aloof si Sharon at ayaw nitong makipagbati sa dating asawa?

"Well, siguro... Sabi nga nila, siguro... hindi pa panahon. Timing kasi dapat din, e. Ako kasi, naniniwala, importante yung timing. Sabi nila, mangyayari at mangyayari kung kelan, di ba? So, ako, naniniwala sa timing.

"Di ko plinano ito, e [pagbabati with Sharon]! Maski na ano'ng nangyayari sa buhay ko, di ko talaga plinano. Lahat! Kaya ako, I live life day by day, e. Kumbaga, day per day. Ang plinano ko lang talaga nung nasa Amerika ako ay makapag-aral ako, matapos ko yung pag-aaral ko, kunin ko yung real estate exam ko... Yun yung mga pinaplano ko dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero pagdating ko dito sa Pilipinas... Yung buhay ko, parang may sariling buhay, e! Ha-ha-ha! di ba? Parang may sariling buhay ang buhay ko dito na hawak ng ibang tao. Kaya ang fans, sila ang may hawak ng buhay mo, e. Kaya ako, naa-appreciate ko yun. Ngayon ko lang naa-appreciate lahat yun. Noong araw, siyempre, hindi mo naman naiintindihan ‘yon.

"Pero totoo yung sinasabi ng Daddy ko, ngayon ko lang naiisip yun, sabi niya, ‘Binigay sa iyo ng Diyos ‘yan dahil meron siyang dahilan. Hindi ‘yan binigay sa ‘yo dahil espesyal ka, hindi! Diyos ang nagbigay niyan, kaya merong dahilan ‘yan."

CLICK HERE FOR PART II

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang buhay ko nga, di nakaplano, e! Di ko pinaplano ang buhay ko, nangyayari na lang lahat ng ito," says Gabby Concepcion about his showbiz comeback.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results