Matapos ang tatlong taon ng hindi pag-uusap, sa wakas ay natuldukan na rin ang samaan ng loob ng mag-ex na sina Janus del Prado at Carla Humpries.
Hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay at naging bukas nga noon si Janus sa pagsasabing sobra siyang nasaktan sa pakikipag-break sa kanya ni Carla, lalo't wala itong maibigay na malalim na rason sa kanya.
Both have moved on with their lives, with Janus having a three-month relationship with Cool Chyx member Michelle, habang balita naman ang magandang tinatakbo ng relasyon ni Carla with Kapamilya hunk John James Uy.
TALKING TO CARLA AGAIN. Nung nakaraang Star Magic Catalogue for 2009 launching, tila natuldukan na ang di magandang paghihiwalay nina Carla at Janus nung marami ang nakasaksi sa masayang pag-uusap ng dalawa.
PEP (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Janus, at inamin nito na kusa nang ginamot ng panahon ang sugat ng breakup nila ng ex. Mismong siya nga raw ay napagod na rin sa isyu sa kanila ni Carla.
"Kung may mga tao na di pa [nagsasawa]ootungkol sa isyu sa amin, ako
sawa na. Nakaraang yugto na yun ng buhay ko, para maka-move on ka,
kailangan mo nang kalimutan at patawarin ang mga taong nakasakit sa iyo at
nasaktan mo. Masasabi ko na sarado na yung yugto ng libro na yun ng buhay ko."
Naikuwento sa amin ni Janus na kahit pala nung Star Magic Ball pa lang ay binati na niya si Carla, pero nagkausap nga lang talaga silang dalawa at nakapag-bonding uli bilang magkaibigan, noong September sa Star Magic Catalogue launching sa Edsa Shangri-La.
"Binati ko na siya sa Star Magic Ball pa lang, I said, ‘Hi!'
Nagulat siya, ang nasabi niya lang, "O!" Pero pagkatapos nun, di na kami
nagkita uli. ‘Tapos nga nung Star Magic Catalogue launching in Edsa Shang,
ikaw pa saksi nun," banggit niya pa sa reporter na ito, "yun ang unang
pag-uusap namin after three years. Yun ang unang kuwentuhan namin uli."
JOHN JAMES IS OK. To prove that Janus has really moved on, nagpahayag siya na kung totoo ngang may relationship na sina Carla at John James, gaya ng nababalita ay boto naman daw siya sa binata para sa kanyang ex.
"Oo naman, boto naman ako. Kahit sila o hindi. Bilang tao, bilang artista, bilang co-worker, wala akong masasabi kay John James.
"Alam ko naman na di ko naman right para sabihin na boto ako
o hindi, pero kung bibigyan ako ng right, kung tatanungin ang opinion ko,
there's no better guy for Carla than John James.
After Carla ay nauwi rin sa breakup ang three month old relationship ni Janus sa Cool Chyx na si Michelle. Just like Carla, si Michelle ang nakipaghiwalay kay Janus at isa itong desisyon na nirespeto naman ng aktor.
WHAT'S THE PROBLEM? Dahil dalawang beses nang may nakipag-break sa kanya, agad na tinanong ng PEP si Janus kung ano nga kaya sa palagay niya ang rason kung bakit di naging successful ang kanyang past relationships?
"Actually di kami umabot ng three months," banggit niya about his relationship with Michelle. "She broke up with me and I don't know the exact reason. Pero she has her own reason why, and I respect that.
"Siguro nga sa akin ang problema, but I don't blame myself
on anything. One thing na nakaka-attract nga sa mga naging girlfriends ko
ay yung pagiging bad boy ng image ko at yun din ang nagiging problema pag
tagal-tagal. Pinaka-common issue nila ay yung pagiging babaero o pagiging mabisyo
pag may bad boy image ka. Yung pagiging babaero, never akong naging ganun, kaya
lang yung mabisyo, oo, pero di na ngayon kasi bawal na."
SINGLE BY CHOICE. Sa ngayon ay choice na mismo ni Janus na huwag munang pumasok sa panibagong relasyon, lalo't maganda ang tinatakbo ng kanyang career at di siya nawawalan ng mga ginagawang trabaho.
"Single ako now by choice. There are things bigger than mga bagay that I obsessed about. Mayroon pang mga importanteng issue na dapat pagtuunan ng pansin than relationship.
"Right now I'm happy with my career. Kasama ako sa Pieta, I play the role of Boyong, isa ako sa tatlong magkakaibigan—si Ryan Agoncillo, si Jason Abalos, ‘tsaka ako. Bale ako yung sidekick nila. Kasama din ako sa My Only U with Vhong Navarro, Toni Gonzaga, Arlene Muhlach, Benjie Paras and a lot more under Star Cinema and under the direction of Direk Cathy Garcia-Molina. Showing na ito this coming October 29."
