PEP sources say Richard Gutierrez-Aljur Abrenica confrontation really happened

According to several sources, the reported confrontation between Kapuso stars Richard Gutierrez (right) and Aljur Abrenica (left) at a high-end bar in Makati City was true. Young actress Jewel Mische (inset), say the PEP sources, is also involved.


Bago pa man magbigay ng official statement si RichardGutierrez kaugnay ng nabalitang confrontation nila ni Aljur Abrenica sa isanghigh-end bar ay nag-imbestiga muli ang PEP (Philippine Entertainment Portal) upang kumuha ng karagdagangimpormasyon mula sa iba pang sources. (CLICK here to read Richard's statement.)

Base sa mga impormasyong nakalap ng PEP, mas may malalim papalang kuwento sa likod ng balitang ito.

Pinaninindigan ng PEP ang unang nai-report dito na may kumprontasyongnaganap sa pagitan nina Richard at Aljur sa Fiamma bar sa Makati City. Itoay naganap noong madaling-araw ng October 18, Sabado, pagkatapos ng inauguration ng GMANetwork Studios noong gabi ng October 17, Biyernes.

Inamin ni Richard sa kanyang statement na pinaalis niya siAljur sa mesa na pinag-uumpukan nina Richard at mga kaibigan nito. Pag-amin itona may namagitang tensiyon sa dalawang talents ng GMA-7, sapagkat nag-uumpukanang maraming tiga-Siyete at Dos sa bar nang gabing iyon. Sa salita ng isangartistang naroon, "Parang one big instant party, ang saya, lahat kamituwang-tuwa sa pagdating ng kahit sino!"

Ganunpaman, inaamin ng PEP ang pagkakamali nito sa naisulatna kasama ni Aljur si Jewel Mische nang mangyari ang insidente. Wala si Jewelsa naturang bar sa Jupiter St., Makati City, at hindi siya kasama ni Aljur.

Ngunit naninindigan ang PEP na ang dahilan ng kumprontasyonnina Richard at Aljur ay may kaugnayan kay Jewel. Ito ay taliwas sa pahayag niRichard na walang kinalaman si Jewel sa nangyari sa kanila ni Aljur.

GMA NETWORK STUDIOS INAUGURATION. Bagamat wala siJewel sa Fiamma bar, si Aljur ang nagsilbing escort ng young actress sainauguration ng GMA Network Studios, na naganap ilang oras bago angkumprontasyon nina Richard at Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa ilang sources na naroon sa inauguration, nakitanilang sina Jewel at Aljur ang magkatabi sa iisang mesa bago magsimula angshow. Sa mismong parada ng GMA-7 stars during the show ay kapareha naman niJewel si Hero Angeles, samantalang ang kasamang maglakad ni Aljur ay si KrisBernal.

Sa inauguration, marami ang nakakitang magka-holding handssina Jewel at Aljur. Ayon sa dalawang GMA-7 insiders, sinadya raw ito ni Jewelpara pagselosin si Richard na naroon din sa naturang okasyon. Wala naman dawkasing kaugnayan talaga sina Jewel at Aljur, liban lang sa magka-batch sila sareality star search na StarStruck. Si Jewel ang itinanghal na UltimateSweetheart at si Aljur naman ang nanalong Ultimate Hunk.

(Ang pinakahuling exposure ng dalawang baguhan ay angsumusunod: Nagkaroon ng maikling papel si Jewel bilang babaeng niloko niWendell Ramos sa bagong primetime series ng GMA-7 na La Lola. Si Aljur naman ay napanood sa mga fantaseryeng Zaido, Dyesebel, at kasama rin sasisimulang soap na Luna Mystica.)

Pero sina Richard at Jewel ay matatandaang na-link nangmaging magkapareha sila sa Kamandag, isang fantaserye ng GMA-7. Bagamathindi umamin ang dalawa na naging sila, ilang network insiders ang nagpapatunayna may namagitan sa dalawa at, higit doon, na hanggang ngayon ay meron silang"on-and-off relationship." (CLICK here for related story.)

Ngunit may mga report din na walang boto kay Jewel para kayRichard sa mga kaibigan ng binata. Matapos ang inauguration ng bagong buildingng GMA-7, nagkaroon pa ng report na na-playtime daw si Jewel ng mga kaibigan niRichard, partikular na si Bubbles Paraiso.

Sinasabing "siniko" at "tinapakan" ni Bubbles si Jewel nangkunwari ay may iaabot siyang bagay kay Chynna Ortaleza. Itinago rin daw nggrupo ang bag ni Jewel bilang katuwaan, at halos harangin ang dadaanan niJewel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, sinabihan daw ni Bubbles si Jewel ng: "I am theworst bitch you will meet in your life!" Umiyak na lang daw si Jewel sa ginawasa kanya ng grupo nina Bubbles.

May natanggap na impormasyon ang PEP na dahil sa pangyayari,maghahain daw ng complaint sa GMA-7 ang ina ni Jewel laban kay Bubbles.

Samantala, sa panayam ni Bubbles kay Allan Diones, nalumabas kahapon, October 28, sa Abante Tonite, ay itinanggi ngmodel turned actress na pinagtulungan nila si Jewel sa inauguration. Wala rawinsidenteng ganun. Ngunit sinabi rin ni Bubbles na hindi siya magsasalita hangga'thindi magsasalita si Jewel, na nagpapahiwatig na may namagitan nga sa kanila.

THE FIAMMA INCIDENT. Pagkatapos ng inauguration ngGMA Network Studios, ayon sa kuwento ng isang Kapuso insider, tumuloy siRichard at ang grupo nito sa Fiamma bar, kung saan sila nag-after-partycelebration.

Sa paglalarawan ng aming source, sa open area ng secondfloor ng Fiamma bar pumuwesto sina Richard. Marami pang taga-showbiz, kabilangang ilang direktor at mga artista, ang nagsiratingan doon, at masayangnagkamustahan ang mga ito.

Matapos daw ang ilang sandali ay dumating din si Aljur, kasamaang co-star niya sa Dyesebel nasi Marco Alcaraz. Ayon sa network insider pa rin, galing daw sina Aljur atMarco sa Chili's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Nag-dinner sila roonkasama ng ilan pang Kapuso stars na nanggaling din sa inauguration rites.

May nakarinig kay Marco nang yayain niya si Aljur na pumuntasa Fiamma bar. Si Aljur naman daw ay nagsabing hindi pa siya nakakapunta saFiamma, na sinasabing "It place" ngayon. Di naglaon, nakita na nga ang dalawasa Fiamma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinabulaanan ng insider ang sinabi ni Richard na sa tableniya umupo si Aljur "uninvited." Si Aljur daw ay nakiumpok sa katabing tablenina Richard.

Sa puntong ito, isang source na naroon ang nagsabi sa PEP nanapakasikip daw ng lugar at dikit-dikit ang mga mesa at tao, na uupo, tatayo,iinom, lilipat. At dahil malaki ang grupo ni Richard, sinabi nitong bagamat hindiniya napansin talaga, maaaring sakop nga rin ng mga Gutierrez ang katabingtable na inupuan ni Aljur.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng insider, sinabi nito na habangnag-iinuman sa magkatabing mesa ay bigla raw tumayo si Richard. Lumapit ito kayAljur. ‘Tapos, walang warning daw ay kinutusan diumano ni Richard si Aljur.Dalawang beses daw itong ginawa ni Richard.

Nagulat daw si Aljur at napatayo. Sabi ng insider, tiningnandaw ni Aljur sa mata si Richard, pero bago ito makapagsalita, tinanong siyanang pagalit ni Richard: "Sino ka? Ano'ng gusto mo? Babae? Lalake?"

Ang tanging naisagot daw ng nawindang na si Aljur ay: "Walapo, sir."

Ayon naman sa isang source na customer din doon,nakapagtanong pa si Aljur ng, "Ano ang problema mo?" Na sinagot naman dawni Richard ng, "Ikaw, ano ang problema mo?"

Di naglaon, tumayo si Bubbles, na nasa table nina Richard,at niyakap si Richard. Kumbaga, sabi ng insider, maliksing inawat ng dalaga angbinata.

Nang mga sandaling iyon, nag-extend ng arm si Aljur athinawakan ang likod ni Richard. Kumbaga, sabi ng insider, parang conciliatorygesture.

Ngunit sa puntong iyon, ayon pa rin sa insider, nag-walkoutsi Richard.

Nang nangyari ang insidente, naroon daw sina RaymondGutierrez, JC de Vera, Michelle Madrigal, Rhian Ramos, at ilan pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADDITIONAL INFORMATION. Ayon sa isa pang source,habang nangyayari ang insidente ay biglang nawala si Marco Alcaraz, ang kasabayni Aljur dumating. Pero ang bali-balita ay nagkita na raw ang dalawa at mukhangmaayos naman sila.

Samantala, isang artistang nakakuwentuhan ng PEP angnagsabing naroon siya sa Fiamma ng gabing iyon. Ang ganda nga raw ng mgakaganapan doon, parang "paradise" ang atmosphere, dahil nagsama-sama ang mgamatagal nang hindi nagkikita. "Wala, nag-text-textan lang kami," sabi niya.

Nang tanungin siya kung totoong may "kutusan" at "sakalan"na nangyari, itinanggi niya ito. Sabi ng artista, "Wala, wala akong nakitangganyan. Nagpe-playfighting lang kami. Si Richard parang judo, ang iba boxing,kung ano-ano. Magkakaibigan kaming lahat."

Sinabi rin ng artista na nakita niyang dumating si Aljur na"may mga kasama pero di ko na maalala." Pero wala raw talaga siyang nakita sasinasabing pananakit ni Richard kay Aljur. Ang nakita niya ay maraming models,foreigners, at kapwa artista doon na nagkakaigihan lahat.

Dahil nagbigay na ng statement si Richard, kung saanpinabulaanan niya ang unang report ng PEP, sinubukan din naming kunan ngpahayag ang GMA Artist Center, na siyang namamahala sa careers nina Aljur atJewel. Pero ayon sa nakausap ng PEP, hindi muna raw sila magbibigay ng pahayag.

Nakatanggap din ng impormasyon ang PEP na isang meeting angginanap kagabi, October 28, sa tanggapan ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7na si Ms. Wilma Galvante. Humarap daw sina Aljur at Jewel kasama ang mga magulangnila kay Ms. Galvante upang ilahad ang kanilang panig. Ayon sa aming source,depende raw sa pag-uusap nila kung maglalabas ng official statement angdalawang StarStruck graduates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN