Iza Calzado regrets missing final cut of International Emmy Awards nominations

"Sabi ko, maybe it's not yet time. Alam mo siGod naman, alam Niya kung kailan at kung ano ang ibibigay Niya sa 'yo," says Iza Calzado about missing the opportunity to be nominated in the International Emmy Awards.



Huminto pala angmundo ni Iza Clazado noong una niyang nalaman na muntik na siyang makasali safinal list ng nominees for Best Actress ng International Emmy Awards para sa pagganap niya sa Joaquin Bordado. Pero itinuturing pa rin niyang isangmalaking achievement iyon na kahit papaano ay napansin siya ng mga hurado.

Kaya hindi namansiya nalungkot nang hindi siya maging nominado sa prestihiyosong internationalaward-giving body. More on panghihinayang ang naramdaman niya nang hindinatupad ang muntik na sana niyang pagkakapasok sa International Emmy Awards.

"Sabi ko, maybe it's not yet time. Alam mo siGod naman, alam Niya kung kailan at kung ano ang ibibigay Niya sa 'yo,"nakangiting saad ng aktres nang makausap siya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal).

ON ROBIN PADILLA. Speaking of JoaquinBordado, ang leading man dati ni Iza sa naturang show na si Robin Padilla ay siRegine Velasquez naman ang makakapareha sa upcoming GMA-7 primetime seriesna Totoy Bato. Para kay Iza, walang ibang nababagay sa role kundi ang Asia'sSongbird. Papel kasi ng isang sikat na female singer ang gagampanan ng bidangbabae sa Totoy Bato.

"So I think shereally fits the role perfectly," saad ni Iza.

Kahit nag-click naman sila noon ni Binoe as onscreenpartners sa Joaquin Bordado, hindi hinangad ni Iza na sa Totoy Bato ay siya rinang kapareha ni Binoe.

"Kahit namanmag-voice lessons ako nang todo... I mean I can probably learn to sing, but notenough para maging convincing na ako yung pinakamagaling kumanta na puwedengmaging diva talaga," sabi ni Iza.

Kung si Iza ang tatanungin,ang gusto niya na maging next project nila ni Binoe ay isang pelikula naman.Nakagawa na sila dati ng isang indie movie, ang Blackout,pero hindi sila magkapareha.

Bagamat kasama rinsi Iza sa horror film ni Robin sa GMA Films na Sundo, cameo role lang anggagampanan ng aktres dito. Ang talagang kasama ni Robin sa Sundo ay sina SunshineDizon, Katrina Halili, at Rhian Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IZA IN OBRA. Ang latest project ni Iza sa GMA-7 ay ang kayang month-long stint sa ObraPresents Iza Calzado. For the whole month of November, si Iza ang mapapanood sanaturang drama show na nagtampok na sa mga nakaraang buwan kina Katrina Halili,JC de Vera, at Sunshine Dizon.

Happy si Iza nanabigyan siya ng pagkakataon to star in Obra at excited ang aktres dahil maymga magagawa siya sa show na hindi pa niya nagawa before bilang artista. Isa narito ay ang paglabas sa isang comedy episode at ang paglabas bilang isangboksingera sa isang may pagka-Million Dollar Baby na istorya.

Ang unang episode niIza ay horror, ang "Sanib." Makakasama niya rito sina Ian de Leon at RommelPadilla. Guest din si Isabel Granada, na kasama rin ni Iza sa La Lola, kung saan gumaganap sila bilang magkapatid na babaylan.

Hindina mangangapa si Iza rito dahil ginawa na niya ang "manakot" sa telebisyon viaher show dati na E.S.P. Maging sa pelikula, sanay na si Iza sa katatakutan withmovies like Sigaw, The Echo, and Ouija.

Sa episode naman naboxer siya, physically ay pinaghandaan ito ni Iza dahil nag-train talaga siyasa boxing in preparation for the role. Three years ago ay nag-boxing nasiya, pero nahinto ito at ngayon nga ay muli niyang binalikan.

Hindi maikubli ni Iza ang excitement niya sa Obradahil sa iba't ibang katauhan or persona na gagampanan niya.

WEDDING RUMOR. Nilinaw naman ni Izaang bulung-bulungan na ikakasal na sila ng long-time boyfriend niyang si JerryGarcia. Ni hindi pa nga raw nila pinag-uusapan ang tungkol sa kasal.

Ayon kay Iza, kungilang taon na siyang natsitsismis na ikakasal na, pero hindi naman nangyayari.Simply because pareho sila ni Jerry na hindi pa handang lumagay sa tahimik.Kaya naman hindi sila nagkakaroon ng argumento tungkol dito. Mutualdecision naman nilang magkasintahan na paghandaan munang mabuti ang kanilangfuture together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Although nasamarrying age na sila, ayon kay Iza, marahil after three more years palang siguro sila mag-uusap tungkol sa kasal.

"Pag-uusap lang,ha?" diin niya. "Hindi ko sinasabing in three years ay ikakasal na kami, hindiganun."

Priority kasi ngayonni Iza ang kanyang showbiz career. Ayon sa aktres, alam niyang once isa nasiyang maybahay at ina, marami na siyang mga bagay na hindi magagawa bilang aktres.

Ibang level na nganaman ang pag-aasawa kaya sa ngayon at sa mga ilan pang mga taon na darating,maybe in the next five years, lulubus-lubusin niya muna ang pag-aartista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN