PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chynna Ortaleza vehemently denies involvement in Bubbles-Jewel "encounter"

Chynna surprised by being dragged into the issue.
by Rose Garcia
Published Oct 30, 2008
"I'm really surprised na nadamay na ako sa issue. Hindi ko naman kasalanan na nakisalamuha ako sa mga co-stars ko ng Codename: Asero [like Bubbles]. It's normal for an observer to piece together a false issue. I just had to clarify my name," says Chynna Ortaleza about being dragged into the issue involving Bubbles Paraiso and Jewel Mische.

Hangga't maaari, ayaw na sanang magsalita at ma-involve ng young actress na si Chynna Ortaleza sa diumano'y "pangbu-bully" ni Bubbles Paraiso sa isa ring Kapuso star na si Jewel Mische noong inauguration ng GMA Network Studios, October 17.

Katuwiran ni Chynna, wala naman siyang kinalaman sa isyung yun kaya't nagtataka siya kung bakit nadadawit ang pangalan niya. Siyempre pa, natural lang na hindi nagustuhan ni Chynna, lalo na nang mabasa raw niya ang pangalan niya na tila "accomplice" ang dating sa isang krimen, gayong wala naman siyang ginawa nang gabing yun.

Lumabas din kasi rito sa isang article ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na siniko diumano ni Bubbles si Jewel habang may inaabot itong bagay kay Chynna. (CLICK here for related story.)

Kung kaya't tinawagan ng PEP si Chynna kahapon, October 29, upang malaman ang side niya. Inamin ni Chynna na hindi niya nagustuhan ang lumabas dahil nadadamay raw siya sa isang isyu na wala siyang kinalaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "I initially did not want to comment on the issue because I am not a part of it. I just felt the need to speak out now because I want to set the record straight. Hindi ko naman hahayaan na masama ako sa bagay na hindi ko naman ginawa. I hope maayos nila ang issue soon at sana rin ma-clear, especially yung mga names na wala naman talagang kinalaman sa sinasabing incident na yun."

Ayon kay Chynna, "totally fabricated" yung part na may inabot sa kanya si Bubbles, may bag na itinago, at hinarang si Jewel. Wala raw talagang ganoong pangyayari.

"I really do not know what happened between Bubs and Jewel," sabi ni Chynna. "Kung meron man, I guess wala namang ibang puwedeng tanungin or magsalita about that but Jewel and Bubbles. Sila talaga ang nakakaalam what really happened there.

"As for me, ang masasabi ko lang, wala akong kinalaman sa isyu. Ang kasama ko talaga sa table that night ay sina LJ Reyes at Ryza Cenon. Lumapit ako sa table nila nang makita ko si Tita Dorothy [Laforteza, Sunshine's Dizon's mom]. Nakita ko na wala siyang kausap, so I approached her. I talked to her at nag-thank you ako sa kanya dahil siya ang isa sa nag-recommend sa akin na makasama ni Shine sa Obra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, yun lang yun. That's why I'm really surprised na nadamay na ako sa issue. Hindi ko naman kasalanan na nakisalamuha ako sa mga co-stars ko ng Codename: Asero [like Bubbles]. It's normal for an observer to piece together a false issue. I just had to clarify my name."

Dagdag pa ni Chynna, "Iwas ako sa mga away kasi parang ate na nila ako sa GMA Artist Center. If I was really angry at Jewel Mische, she would know because I'd tell her straight up and face to face. I'm that type of person."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I'm really surprised na nadamay na ako sa issue. Hindi ko naman kasalanan na nakisalamuha ako sa mga co-stars ko ng Codename: Asero [like Bubbles]. It's normal for an observer to piece together a false issue. I just had to clarify my name," says Chynna Ortaleza about being dragged into the issue involving Bubbles Paraiso and Jewel Mische.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results