Jon Santos enjoys serenity and sense of purpose in his married life

Actor-comedian Jon Santos says that since he married his half-American, half-Italian partner West Stewart three years ago, his personal life has changed significantly. "So, aside from being more calm and serene, you are more sure of things. You are more focused on deciding on certain things."


Bagama't three years nang kasal ang actor-comedian na si Jon Santos ay ngayon lang naging bukas sa publiko ang kanyang domestic life.

Sa isang artikulo na lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ay inamin ni Jon na nagpakasal siya sa kanyang partner na si West Stewart sa Toronto, Canada, noong August 24, 2005, sa pamamagitan ng civil rites. Naganap ang pag-iisang dibdib ni Jon at West sa North York Family Court na matatagpuan sa Ontario. Kabilang ang Ontario sa walong probinsya sa Canada na nagpapahintulot ng same-sex marriage.

Sa press conference na inihanda ng ABS-CBN noong Huwebes, October 30, para sa upcoming spoof show na Da Spooftacular Showdown ay buong pagmamalaking sinagot ni Jon ang mga tanong tungkol sa kanyang married life.

"Napakasarap makakilala ng tao na sumusuporta sa trabaho mo," bungad nito nang makausap ng mga reporters pagkatapos ng official presscon.

"Let's say ‘yong mga puyatan, ‘yong lima sa pitong gabi ng isang linggo, e nasa trabaho ka, pero suportado ka niya 'tsaka tanggap ka niya kung sino ka, tanggap niya kung anong trabaho mo. Although nung umpisa hindi niya alam kung anong work ko."

BEING ACCEPTED. Dahil walang idea si West noong una kung ano ang trabaho niya, nag-research ito sa Internet para makakuha ng ilang personal information tungkol kay Jon.

Dagdag ni Jon: "Nakakatuwa na malamang nagkasundo kayo kahit na hindi pa niya alam na artista ka. Tapos yong nalaman niya na medyo ganito ka, unique ang buhay mo, at tanggap niya. It's the acceptance that really feels good. Minsan umuuwi ako ng bahay na naka-FVR, umuuwi ako ng bahay na naka-Madam Imeldific, okay lang. Alam niya ‘yan ang trabaho mo, e, and very supportive din ako sa trabaho niya kasi involved sa kapaligiran."

Umpisa pa lang daw ay naramdaman na agad niya na may special connection sila ni West. Kung iisipin nga ay hindi applicable sa kaso ni Jon ang popular saying na, "When in doubt, don't!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Jon, "Nagulat ako na ‘pag tama ang kutob mo na ito na ‘yong taong gusto mong maging bahagi ng buhay mo, e, wala kang duda. Hindi ka sasapian ng duda."

EXPERIENCING TRANQUILITY. Tinanong ng PEP si Jon kung ano ang mga pagbabago sa kanyang personal na buhay mula nang sila'y magpakasal ni West.

"Mas may focus at purpose ang lahat ng bagay ‘pag meron kang mga pinagpipiliang mga tatlong desisyon. Matitira ‘yong isang desisyon na binase sa pinaka-ikabubuti ng pamilya, ng buhay ninyo together. Kasi ang tawag ko sa amin is a family... we are a family," seryosong sagot ni John.

Paliwanag pa ni Jon, "So, aside from being more calm and serene, you are more sure of things. You are more focused on deciding on certain things, na kung work, na kung may kinalaman sa work mo, kung may kinalaman kahit nga ano, e, sa mga maliliit na bagay, sa mga lakad mo, sa mga bakasyon mo."

Manonood ba ang kanyang partner ng Da Spooftacular Showdown?

"Yes!" sagot ni Jon. "Through the years, in the last three years, naging bahagi na rin ng buhay niya ang mag-drop by sa backstage. Paminsan-minsan magpadala ng bulaklak or hintayin ka na lang umuwi ng naka-costume," dagdag ni Jon ng nakangiti.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN