Marian Rivera on negative publicity: "Ayoko naman sabihin na hindi ako naapektuhan"

Marian Rivera is not one to complain about her backbreaking schedule. "Kasi naniniwala ako na kahit anong i-offer sa akin, wala akong karapatang tumanggi. Lahat ng ibigay n'yo sa ‘kin, gagawin ko," Marian says in a recent interview.


Malayo na nga ang narating ng young actress na si Marian Rivera. Sa pakikipag-usap sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kasama ang ilan pang entertainment reporters noong Martes, October 28, sa set ng pelikulang One True Love, sinabi ni Marian na bagama't may mga pagbabago sa kanyang lifestyle ay nananatili pa rin siyang katulad ng dati.

"Ang tanging nagbago lang sa akin, e mas natuto akong maging presentable, na nag-aayos ako, natuto ako mag-dress," nakangiting sambit nito.

Looking back, hindi pa rin daw makapaniwala si Marian sa tagumpay na kanyang tinatamasa sa kasalukuyan. Subalit naniniwala din ang dalaga na kung ano mang suwerte niya ngayon ay dulot din naman ng pagsusumikap mula nang sumabak ito sa showbiz noong 2005.

Katuwiran ng Marimar at Dyesebel lead star: "Meron akong mga pangarap na ‘pag ginusto ko, gusto ko nakukuha ko at ginagawa ko ang lahat. Pero hindi ko ini-expect na ganito ibibigay ni Lord sa akin ang lahat."

Sa ngayon nga daw ay wala nang mahihiling pa si Marian. Ang tanging gusto niya na lang gawin ay "paligayahan ko na lang ang mga tao, maging totoo ako sa sarili ko. As long as wala akong sinasaktan, e di go! Tuloy lang ang buhay."

Pagdating naman sa mga negative publicity ay unti-unting nasasanay na rin daw si Marian, bagama't hindi pa rin maiiwasang masaktan siya paminsan-minsan sa mga nababasa at naririnig niya.

"Ayoko naman sabihin na hindi ako naapektuhan. Siguro may mga pagkakataon na naisip ko, bakit ganun? Pero after nun, dedma na lang. Ang importante, alam ko sa sarili ko kung anong totoo, mga taong nagmamahal sa akin, kilala nila kung sino talaga ako. ‘Yon ‘yung importante sa akin."

FULL LOAD. Fully booked ang schedule ni Marian hanggang sa katapusan ng 2008. Currently nga ay apat ang pelikulang tinatapos ng magandang aktres: One True Love, Desperadas 2, Shake, Rattle and Roll X, at guest appearance sa Scaregiver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman nagrereklamo si Marian kahit superbusy siya. "Kasi naniniwala ako na kahit anong i-offer sa akin, wala akong karapatang tumanggi. Lahat ng ibigay n'yo sa ‘kin, gagawin ko."

Pero excited si Marian dahil nabigyan siya ng dalawang araw na pahinga ngayong panahon ng Undas.

"Ah, uwi ako ng Cavite," masayang balita ni Marian. "Hindi na ko nakakauwi sa amin, parang tinatakwil na 'ko sa amin, hindi na 'ko kilala, so uwi ako sa amin. Doon lang ako sa bahay ng [October] 31 and [November] 1. Kasi sa [November] 2 may shoot na kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN