Iwa Moto talks about her ailing Japanese father

"Mahal na mahal ko siya. Kahit ang tagal ng paghihintay, at anuman ang nangyari, siya pa rin ang tatay ko. Handa akong gawin ang lahat para mapahaba pa ang buhay niya. Sana nga po may miracle. Hindi naman kami nawawalan ng hope e," says Iwa Moto about her father.



Natuloy noong hapon ng October 31 ang biyahe ni Iwa Moto nang mag-isa papuntang Japan upang makapiling ang kanyang Japanese father sa mga nalalabing araw nito. Bagama't nasa ospital na ito mula sa kulungan ay malubha na raw ang sakit nitong liver cancer.

Bago sumakay ng eroplano si Iwa ay nakausap pa siya ng Startalk sa airport. Ipinalabas ang naturang interview kahapon, November 1.

"This is it, mag-isa lang ako," sabi ng young actress. "Tinaningan na talaga yung dad ko na anytime or next month. Ito na lang yung chance ko to be with him. Kahit na nagtatampo pa ako, siyempre tatay ko pa rin yun, e. Ayoko namang may mangyaring masama sa dad ko na hindi ko man lang siya nakakasama at hindi ko nasasabi sa kanya na mahal ko siya, ganun. So, tutuloy ako, para matapos na ang lahat. Para i-settle ko na lahat sa kanya. Para makita niya ako, bago pa man ano ang mangyari."

Nakausap pa nga raw ni Iwa ang ama sa telepono bago siya pumunta ng Japan.

"Nagda-drama nga siya," kuwento ni Iwa. "Sabi niya, ‘Punta ka na dito, mamamatay na ako.' Sabi ko pag-iisipan ko pa. Tapos yun ang ending, nanalo siya. Sabi ko sa kanya, tutuloy na ako. Nag-sorry siya kaya ako pupunta doon, e. Well, at least, nalaman niya na mali siya."

Bukas, November 3, ay balik Pilipinas na rin si Iwa upang harapin ang mga naiwang trabaho.

"Para lang akong nag-out-of-town. Pagabalik ko, taping na ako ng Luna Mystica, e. At least, ngayon pagpunta ko doon medyo may pera ako."

Sa pagdalaw ni Iwa sa ama, isa lang ang pangako niya.

"Susulitin ko. Bubugbugin ko sa yakap at halik ang tatay ko. One hundred percent sure. Na-miss ko yun, e."

FROM OSAKA. Matapos maipalabas ang interview ni Iwa ay nagkaroon pa ito ng live phone-patch interview mula sa Osaka, Japan, sa hosts ng Startalk na sina Butch Francisco at Lolit Solis kahapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang unang tanong ni Butch ay kung nagawa ba ni Iwa ang tungkol sa sinabi niyang bubugbugin niya sa yakap at halik ang kanyang ama?

"Oo nga po. Nasaktan ko na nga po, e. Actually, ako po yung nabugbog!" biro ni Iwa.

Kumusta na ba ang lagay ng daddy niya?

"Eto, nandito kami ngayon sa ospital. Medyo in pain siya ngayon. Kasi yung pain reliever, medyo nag-wear off na. Kaya nagrereklamo siya ngayon sa katawan niya. Kasi nagkaroon ng complications sa bones. Kaya sobrang sakit."

So, ang bonding moment nila ay sa ospital?

"Oo, sa ospital na kami nagkita. Actually, kahapon galing sa airport, diretso na ako dito. Nag-iyakan kami ng tatay ko."

Tinanong naman ni Lolit kung nag-sorry ba sa kanya ang tatay niya. Paano ito nag-sorry sa kanya?

"Opo, nag-sorry po siya," sagot ni Iwa. "Sayang daw. Gusto pa niya raw sana kaming magkasama nang matagal. Sana raw mabigyan pa siya ng chance na mabuhay ng matagal-tagal para magkakasama kaming buong family. Nagsisisi raw siya at nanghihinayang sa mga nasayang na time."

Uuwi agad sa Pilipinas si Iwa bukas, November 3. Paano ang nanay niya at saka kapatid?

"Sasabay na rin po sila sa akin. Kasi po yung visa po nila nag-expire na."

Halimbawang nakarating na sila sa Pilipinas at may mangyaring masama sa tatay niya, babalik ba sila ng Japan?

"Sila Mama po anytime naman po babalik sila, e. Pero ako po, kahit may trabaho, hahanapan ko talaga ng way na makabalik doon."

Tinanong ni Butch kung may progress ba ang health ng tatay ni Iwa at kung may hope pa na gaganda ang prognosis dito.

"Sabi po ng doktor, ngayon po kaya medyo okay siya, dahil sa mga gamot, sa mga antibiotics na ibinibigay sa kanya. Pero dapat po kasi kung may pagkakataon na operahan siya, nagawa na sana noon. Pero now, hindi po sure, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang may pagka-sensitive na sumunod na tanong ni Butch ay kung handa na si Iwa kung anuman ang mangyari sa tatay niya.

"Hindi naman po kadali maghanda, e," naiiyak na sabi ni Iwa. "Kahit na sabihin ko na yun ang gusto ni God, yun ang makakabuti sa kanya, masakit pa rin yun. Pero tanggapin ko na rin po kung anuman ang mangyari sa kanya kahit hindi ako ganun kahanda."

Ang tanong naman ni Lolit ay kung ano ang naging sagot ni Iwa nang humingi ng tawad ang daddy niya. Humingi rin ba siya ng tawad rito sa pagsasabing nagtampo siya?

Habang umiiyak, sumagot si Iwa: "Opo, nanghingi rin po ako ng tawad. Humihingi rin po ako ng tawad sa mga bagay na pagkukulang ko sa kanya. Kung siguro mas maaga ako nakapunta rito, mas naging okay siya at hindi na siya nahirapan. Pero sabi niya kung hindi nga kami nagpunta ng Japan baka hindi napadali ang paglabas niya sa kulungan at hindi siya nadala sa ospital. Suwerte nga raw niya na hinanap namin siya. Sabi ko sa kanya, lumaban siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN