Rudy Fernandez's family still feels his presence

Lorna Tolentino says, "Meron akong nabasa sa libro na kapag ang magulang mo ang nawala sa iyo, parang ang nawawala sa iyo ay yung past mo. Pag asawa mo ang nawawala, yung present mo. Pag ang anak mo ang nawala, ang future mo ang nawawala. Right now, yung present ang nawala sa akin."


Sa video na kuha ng Startalk bago mag-Undas at ipinalabas kahapon, November 1, ipinakita ni Lorna Tolentino ang hitsura ng ginagawang museleo sa Heritage Park para sa kanyang yumaong asawang si Rudy "Daboy" Fernandez.

Kuwento ni Lorna, maraming drafts muna raw ang inabot bago nila napagdesisyunan ang final layout ng museleo. Noong una kasi ay dapat sarado ang walls. Pero naisip nilang isang side na lang ng wall ang isara at nakabukas na ang iba para kapag may Mass ay may pupuwestuhan ang mga taong dadalo.

Higit pa sa normal na museleo ang laki nito, na maaari ngang maging pangalawang tahanan ng pamilyang naiwan ni Daboy.

"Mahal siya kasi malaki siya," paglalahad ni Lornal. "Talagang ang plano nga namin before, mag-stay kami ng three days, ganyan. E, si Renz ang gusto niya, one month daw, pag nag-aaral na siya. Sabi ko, sige, kung ano yung kakayanin namin. Parang gagawin naming vacation house itong musoleo," lahad ni Lorna.

STILL NOT OKAY. Speaking of pag-aaral, matatapos na ba si Renz?

"Malapit na, malapit na," sagot ni Renz. "Tuwang-tuwa ako nakuha ko yung mga grades ko kanina. Matataas. Sana makita niya. Nakita niya yun sigurado."

Pero kumusta na nga ba ang mga anak na sina Ralph at Renz ilang buwan matapos pumanaw ni Daboy?

Sagot ni Ralph, "Ine-expect ng mga tao na okay na after a certain amount of time, hindi e. Para sa akin, hindi. Baka para sa iba mas mabilis. Pero sa akin hindi."

Ayon naman kay Renz, "Kung ako natatandaan ko siya, parang gusto kong maging mabait lagi. Parang lumalakas ako, ganun. Pero nami-miss ko siya lagi."

LOSING THE PRESENT. Nai-share naman ni Lorna ang tungkol sa nabasa niya sa isang libro na iniugnay niya sa pagpanaw ni Daboy.

"Meron akong nabasa sa libro na kapag ang magulang mo ang nawala sa iyo, parang ang nawawala sa iyo ay yung past mo. Pag asawa mo ang nawawala, yung present mo. Pag ang anak mo ang nawala, ang future mo ang nawawala. Right now, yung present ang nawala sa akin," sabi ni LT.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala ang mag-iina na patuloy na ipinararamdam ni Daboy ang kanyang presensiya.

"Pero usually panaginip. Paglapit. Pero usally hindi nagsasalita e. Parang tahimik. Usually ganun naman daw, e, walang dialogue. Pero eventually, marami pa naman siguro akong mapapanaginipan," sabi ni Ralph.

Sabi naman ni Renz, "Ako isang panaginip pa lang. Pero kung paramdam, lagi kong nararamdaman, kahit saan."

At ayon kay LT, "Noong Lunes, pumunta ako sa closet niya. Tapos hinawak-hawakan ko yung mga damit niya. Totoo pala yun, na pagka naharap mo na yung moment na yun, gagawin mo pala talaga yun na hahawakan mo ang mga damit. Yung ganun na papakiramdaman mo, na parang magkakaroon kayo ulit ng panibagong tie o paglalapit sa isa't isa, physically."

SONGS FOR DABOY. Sa HOPE CD na ginawa ni Lorna, dalawang kanta ang inalay niya sa kanyang asawa.

"Yung 'Far From Home,' more of ano yun, e, in denial. Yung parang iniisip mo na makabalik ulit. Mahawakan mo ulit. Pareho kayong nakangiti. Yun ang message doon, more of in denial. Yung 'Kalooban Mo,' na original na composed ni Jungee Marcelo, ang message naman noon is that kahit na ano pang dumating sa buhay mo, kahit anong bagyo, kung talagang iyon ang kagustuhan at kalooban ng Diyos, iyon ang susundin mo."

Sa ngayon, LT cannot say she has truly moved on.

"First birthday ko na wala siya. First Christmas, first New Year na wala siya. So, wala, ayokong mag-celebrate ng kahit na ano. Paano mo ise-celebrate na Pasko maligaya ka, o birthday mo maligaya ka, e, alam mo namang hindi. Bakit pa, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN