DJ Durano explains decision to pull out from "Baler"

"Dito sa ABS, inaalagaan ako. ABS is giving me good movies. Hindi naman sa nagmamalaki ako, sana ibigay lang sa akin kung ano yung dineserve ko, kung ano yung karapat-dapat sa akin. Di naman ako humihingi ng leading man o magbida, yung sakto lang," says actor DJ Durano.



Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang unang lumabas ang balita sa tabloids na nag-walkout sa shooting ng pelikulang Baler ang character actor na si DJ Durano.

Ang Baler ang entry ng Viva Films sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF) na inilulunsad tuwing Disyembre 25. Ito ay mula sa direksiyon ni Mark Meily, at pinagbibidahan ng bagong tambalang Jericho Rosales at Anne Curtis.

Noong una ay hindi malinaw ang dahilan ng pagwo-walkout ng character actor. Wala ring record si DJ na hindi tinatapos nang maayos ang trabahong ibinibigay sa kanya, kung kaya't palaisipan para sa iba ang naging aksiyong ito ng aktor.

Sa pictorial ng pelikulang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ng Star Cinema sa Studio 10 ng ABS-CBN, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahagay si DJ.

"Actually, nagkapatong-patong na lang yung mga nangyari," simula ni DJ. "It's between the production staff at kung paano ang pamamalakad nila. I was advised by my manager. I even asked Tita June's permission, na I'll leave na lang para wala nang gulo." (DJ's manager is Wenn Deramas, a director working with ABS-CBN and Star Cinema. June Rufino is a veteran talent manager working under Vic del Rosario of Viva Films.)

Inisa-isa ni DJ ang mga dahilan kung bakit siya nag-walkout sa shooting ng Baler.

"Sa work condition at sa call time na ibinibigay nila," pauna ni DJ. "I'm going there sa effort ko to be on time always. Seven a.m. ako darating, alas-singko ng hapon or gabi na ako makukuhanan. Okey lang kung dalawa o tatlong beses lang. Pero kung ginagawa naman every day sa iyo, sino ang di mapupuno, di ba?"

Dagdag niya, "Tapos sa role ko, I was promised by Viva that I would get a good role, markado raw. I just felt deceived. Di naman sa nagmamalaki o lumalaki ang ulo ko... Ang point kasi, sinabi nila sa akin before na maganda raw yung role ko for this movie. So, sabi ko, okey lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakailang days na ako, napi-feel ko na mali yung expectations ko. There was an incident na pinatawag ako ng seven ng umaga, pinapunta ako ng Tanay, nakunan ako mga 5:30 ng hapon. Patatakbuhin ka lang dala-dala mo yung rifle mo, nakasumbrero ka, ‘tapos pasasabugan ka lang ng effects, ‘tapos sasabihin sa iyo, 'Pack-up na DJ kasi day effect lang.' Matagal pa yung paghihintay at pagbibihis ko kesa sa kinunan sa akin, na di naman ako makikita. Pinapunta nila ako sa Tanay just to shoot that scene?" reklamo niya.

Patuloy ni DJ, "Sa akin, okey lang yun. Kaya lang, kaunting kunsiderasyon naman. Dito sa ABS, inaalagaan ako. ABS is giving me good movies. Hindi naman sa nagmamalaki ako, sana ibigay lang sa akin kung ano yung dineserve ko, kung ano yung karapat-dapat sa akin. Di naman ako humihingi ng leading man o magbida, yung sakto lang."

BETTER ROLES. Bukod sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat, na entry ng Star Cinema sa MMFF this year, ay kasama rin si DJ sa ABS-CBN afternoon soap na Pieta. Dahil sa pagtanggap niya sa Baler, kinailangan daw i-adjust nang i-adjust ang schedule ng aktor.

Himutok ni DJ, "Ginagawa ko yung Tanging Ina Ninyong Lahat, I'm doing Pieta, and I'm doing out of town shows. Itinabi ko yun para lang maghintay ng buong araw na walang ginagawa. Naghihintay ako para makunan lang yung scene na nagbubuhat ako ng sako, tapos dadaan ako na hindi ka makikita dahil 100 kayo sa eksena at pasasabugan ka lang."

Pero ayon kay DJ ay nakausap na raw niya ang Viva Films tungkol sa nangyari.

"Actually, nagtanong ako sa Viva," sabi niya. "Nagpaalam na ako sa kanila. I don't have anything against kay Direk Mark Meily or sa mga staff. Sana lang maging maayos ang pagtrato nila sa artist nila because, feeling ko lang, kailangan ko rin naman ng respeto as an actor because di na rin naman ako baguhan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kasabihan na lagi namang may kapalit ang mga bagay na nawawala sa isang tao. Sa ngayon ay abala si DJ sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat, na idinidirek ni Wenn Deramas, at sa Pieta, na idinidirek ni Toto Natividad. Parehong magaganda raw ang roles na ginagampanan ni DJ sa mga ito.

"I got a good role in Tanging Ina Ninyong Lahat," sabi niya. "I play the role of Vice President Bill Billones. Ako yung magiging nemesis ni Ai-Ai [de las Alas] kasi gusto kong maging presidente. Maganda rin yung role ko sa Pieta, kaya nga I'm so thankful sa ABS."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN