Aiza Marquez back to showbiz via indie film "Sapi" and stage musicals

"Kasi I think, since nawala ako, siya yung medyo parang mas active ngayon on TV. Samantalang before, ako yung nasa posisyon niya. Parang feeling ko, may ganung isyu na parang kinukumpara kami. Bakit siya ngayon nasa TV, ako naman yung nawala," says Aiza Marquez about people making comparisons between her career then to ex-boyfriend Gian Magdangal's (inset) now.



Nag-guest noong Miyerkules sa TV5 showbiz talkshow na Juicy—seen Monday to Friday, 11:30 am to 12 noon—ang young actress na si Aiza Marquez. Ipinaliwanag niya sa hosts nito, sina IC Mendoza at Alex Gonzaga, kung bakit siya nawala sa showbiz at sa Pilipinas sa loob ng anim na buwan.

Ani Aiza, "Nagpunta kasi ako ng States. Tsinek ko yung petition ng mom ko saka ng sister ko. Actually, sila yung talagang naka-ready na ma-petition. Ako, since over-aged na ako, medyo ten years pa bago ako ma-petition."

Sa pagbabalik-bansa ni Aiza ay balik-showbiz na rin siya.

"More on theater plays ako ngayon, as in musical plays. Tapos may natapos akong gawing indie film with Mark Herras. Lalabas na ito ngayong November," kuwento pa ni Aiza. Ang tinutukoy ni Aiza ay ang Sapi.

Napansin nina IC at Alex na blooming ang aura ngayon ni Aiza. Tinanong tuloy ng mga ito kung meron bang nagpapa-blooming sa kanya at kung inspired ba ito ngayon.

"Single pa rin ako ngayon. Wala naman akong dini-date lately. Kung meron, ba't ko naman itatago? Kumbaga, [dapat] proud ako,"sagot ni Aiza.

Tinanong tuloy ni Alex ang petite na aktres, "What will make Aiza fall in love?"

"Kailangan kasi, ano, e...singer," tawa ni Aiza. "Or kailangan, ano, e...dancer!"

Natawa si Aiza sa sinagot niya dahil matatandaang naging boyfriend niya ang singer na si Gian Magdangal at ang Streetboys member and actor na si Danilo Barrios.

Patuloy niya, "Nagkakataon lang din na minsan pag may pumoporma-porma sa akin, kumakanta din. Parang plus factor yun. Pero mostly, mas gusto ng Nanay ko, non-showbiz. Kasi nga mas medyo pribado yun."

Tanong ulit ni Alex, bakit hindi maalis-alis at lagi pa ring nadidikit ang pangalan ni Aiza sa ex-boyfriend niyang si Gian, kahit matagal na silang hiwalay.

"Kasi I think, since nawala ako, siya yung medyo parang mas active ngayon on TV. Samantalang before, ako yung nasa posisyon niya. Parang feeling ko, may ganung isyu na parang kinukumpara kami. Bakit siya ngayon nasa TV, ako naman yung nawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tsaka siyempre since may baby na siya, parang sinasabi nila, anong reaction ko na may baby na siya."

Ang dating member ng Viva Hot Babes na si Sheree ang ipinalit ni Gian kay Aiza. Nagkataong kaibigan naman ni Aiza si Sheree. Hindi ba siya nagalit kay Sheree nung maging girlfriend ito ni Gian?

"Nung time pa lang na nagdi-date sila, mga once a month pa lang silang nagdi-date, tinanong ako ni Sheree, kung okey lang daw ba na lumalabas sila ni Gian."

Pagkaklaro ni Aiza na may ngiti, "Sa akin naman, it doesn't matter kasi na yung sa amin. It's over."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN