Luis Manzano accepts gay role in movie with his mom Vilma Santos

"Matagal din, kasi yung initial offer sa akin, wala pangscript. Kumbaga, napag-uusapan lang. Siyempre, kahit paano, it's differentkapag may nakikita ka nang script na binabasa. Noong nabasa ko ang script, sakana ako nag-oo," says Luis about accepting the gay role in a Star Cinema movie.



Masayang-masaya si Luis Manzano dahil isang successful yearna naman ang nagdaan para sa music channel na MYX, ang sister channel ng ABS-CBN.Kagabi, November 6, ay nagkaroon ng isang malaking concert na pinamagatang MYXMo! sa open field ng SM Mall of Asia sa Pasay City. Ang MYX Mo! ay tribute toOPM music with almost 50 local bands and solo artists performing.

"It's another year, a very successful year para sa buong MYXfamily!" sambit ni Luis. "So, what a better way to end the year through a MYXMo!, di ba? Na talaga namang nakikitang sinusuportahan kami ng napakaramingtao."

How does he feel na nakakasama niya ngayon ang mgabagong video jocks o VJ ng MYX na sina Robi Domingo, Chino Lui Pio, BiancaRoque, at Monica Yncierto? Ang apat na bagong VJs ang siyang nanalo sa VJsearch na ginawa ng MYX kamakailan.

"Nakakasama ko na rin sila sa studio," sagot ni Luis. "For them, it's a goodeye opener kung gaano kasuportado ang OPM ngayon sa Pilipinas. Sabi ko nga,kung dati, nasusuportahan puro ang foreign acts, bakit kailangang magdalang ibang artists para tauhin ang isang concert? Pero ngayon, nakakagulat! AllOPM VJ's, mga Pinoy singers, pero grabe ang suportang ibinibigay! That is why,it's very overwhelming at nakikita kung gaano karaming talents meron dito saPilipinas."

Four to five years na raw na VJ si Luis sa MYX. Nagbiro panga siyang kakapapirma lang sa kanya ng MYX ng "another 20 years contract."

"Sabi naman nila, they are very happy pa naman sanako-contribute ko sa MYX since ako na ang pinaka-senior. Actually, yung aalisna ako, ni ayokong isipin kasi ito na ang kauna-unahang pamilya ko saindustriya," sabi ni Luis.

Nararamdaman ba niyang tinitingala siya ngayon ng mga bagongVJs?

"I don't wanna say that they all look up to me. Pero siguro,I set a good example kung paano ko minahal ang MYX. Ayoko namang itaas angsarili ko sa pedestal, na iba ang nagawa ko. Siguro, iba lang ang nagawa kongexample."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw maitatanggi ni Luis na enjoy na enjoy pa rin siyabeing a VJ.

"Definitely! Sa schedule ko na nagte-taping ako ng 20 hours,kung ano na ang nangyari, yung Myx sa akin ang parang relaxing time. Yungmakasama ko ang MYX family, dahil bukod sa napakadaling trabaho naman, yungpamilyang nabuo namin, it's very relaxing sa mga busy naming schedules."

ANNE'S CONFIDANTE. Kinumusta naman ng PEP si Luis tungkol sa kinabibilangan niyang ABS-CBN primetime series, ang Dyosa. Balitang mai-extend pa ito until February of nextyear.

"Well, yun din ang balita namin," sabi ni Luis. "Pero walapa namang definite na nasasabi sa amin. Ang alam ko lang, we will be tapingtalaga until January. Yun ang alam ko. Pero in terms of until when, yun angwala pa talaga akong alam."

Kumusta naman sila sa set ngayong may balita na Anne Curtis is goingthrough a depression dahil sa breakup nila ni Sam Milby? Ito rin daw angdahilan kung bakit nagbakasyon muna si Anne ng isang linggo mula sa programa.

"You know, siguro sa amin sa Dyosa on the set... Hindi langdahil sa Dyosa, pero alam naman ng lahat na whatever project namin ni Anne,from Kampanerang Kuba, I have always been there for her.

"So, sa Dyosa set, kung may pinagdadaanan man siya inparticular, I was with her all throughout. Ganoon kami sa Dyosa set, suportahannaman kaming lahat dun. Walang ilangang factor talaga. At kapag magkasama kamisa standby area, itinatabi ko talaga ang upuan ko sa kama niya. At least,puwede kaming magkuwentuhan anytime, magkulitan, yung ganoong suportahan, orthrough text, Internet, yung ganoon," lahad ni Luis.

Pero nagsasabi ba sa kanya si Anne ng mga pinagdadaanannito?

"Oo naman!" bulalas ni Luis. "She's been very vocal abouteverything and anything, especially sa aming dalawa. More on sa akin. Perosiyempre, kung anuman ang sinasabi niya sa akin, it's between Manzano and her." ("Manzano" ang tawag ni Anne kay Luis.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano naman niya naipapakita ang suporta niya sa kaibigan?

"Well, palagi ko ngang sinasabi kay Anne na one of my dutiesin life is to make sure she's happy and to protect her. At palagi ko rinsinasabi sa mga interview na kapag may nanloko or nanakit talaga kay Anne, akoang unang-unang makakalaban.

"Pero yung nangyari naman sa kanila [Anne and Sam] is very, very personal. And I believe na, you know, usapan lang siguro ang kaya... Hindi sa...walanglokohan na nangyari, walang ganoon," paglilinaw niya.

Dugtong ni Luis, "Sabi ko nga kay Anne, ‘Kaming mga nasabuhay mo, antibiotics lang kami. Kami yung pampadagdag-galing. Pero yunghealing will only come from you.' So, kung anuman ang problema nila, sila angdapat na mag-ayos, sila lang ang may alam."

ANGEL IN AUSTRALIA. Sa ibang balita, naikuwento ni Luis na kakaalis lang ngrumored girlfriend niyang si Angel Locsin, kasama si Piolo Pascual para sashooting ng pelikulang Land Down Under sa Australia. Two and a half weeks daw mawawala angaktres sa bansa.

Mami-miss daw ni Luis si Angel. Pero naiintindahan naman ngbinata na kailangan ni Angel na magtrabaho.

Kumusta na nga ba sila ni Angel ngayon?

"Kung anuman kami dati, masasabi ko na ganoon pa rinhanggang ngayon," sagot ni Luis. "Napakaganda nga ng sinabi nung ma-featurekami sa TV Patrol, ni Mario Dumaual. Yung annotation na, hindi kaminapapakialaman, hindi kami nagagamit in any kind of publicity. Happy na ako nahindi kami napag-uusapan na ganoon. What you see is what you get sa aming dalawa."

Posible ba silang magkasama in a soap or movie ni Angel?

"Wala kaming planong magtrabaho together," diretsong sagotni Luis. "Pagpipiyestahan lang kung anuman ang meron sa aming dalawa. Masnalalagay sa spotlight kung anuman yun. So, I'm perfectly happy na may sariliakong ginagawa at may sarili siyang ginagawa. At very personal ang sa amin,outside all the showbiz cameras and lights."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Luis, puwede raw silang lumabas together sa isangepisode ng Maalaala Mo Kaya o simpleng guesting sa isang show. Pero hindi rawsila papayag na magtrabaho sa isang soap opera na matagal na panahong ginagawa.

Ikinuwento rin ni Luis na masayang-masaya ang mommy niya,Governor Vilma Santos, dahil nakapunta siya, kasama si Angel, sa birthday partyng actress-politician sa kapitolyo ng Batangas last November 3.

MOVIE WITH MOMMY VI. Ibinalita rin ni Luis sa PEP na tuloy na tuloy na ang pagsasamanilang mag-ina sa isang Star Cinema movie. Tinanggap na ni Luis ang role bilang gay lover ni John Lloyd Cruz sa pelikula,na magsisilbi ring directorial comback ni Olive Lamasan.

"Tuloy na tuloy na!" masayang sabi ni Luis. "It has a gaytheme to it, but beside the gay theme, nandoon na ang mother and son, which iskami ng mommy ko. But there is a very, very different love story, two differentstories on top of it."

May kissing scene ba sila ni John Lloyd?

"Meron sa script, pero inaayos pa namin," sabi ni Luis.

Pero matagal ba niyang pinag-isipan bago niya ito tinanggap?

"Matagal din, kasi yung initial offer sa akin, wala pangscript. Kumbaga, napag-uusapan lang. Siyempre, kahit paano, it's differentkapag may nakikita ka nang script na binabasa. Noong nabasa ko ang script, sakana ako nag-oo."

Ready na ba siya to play a gay role?

"I cannot say naman na I'm ready, pero there will come atime na kailangan kong maging ready."

Hanggang saan ang kaya niyang gawin?

"Pene!" natatawang biro ni Luis. "Wala akong idea honestly,abangan na lang nila. Pero for a company as big like Star Cinema to produce avery, very different, out-of-the-box movie, dapat talagang abangan."

Ano ang naging reaction ng mommy niya nang tanggapin niyaang movie?

"Very, very happy na tinanggap ko! Pero si Mommy ko kasi,never na nakialam. Never na sinabi niyang ‘Luis, tanggapin mo.' So, every timena magte-text siya, ‘Anak, no pressure ha. Just let me know.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, noong finally, tinanggap ko, sinabihan ko rin siyakaagad. Nang malaman niyang tinanggap ko, sabi nga niya, ‘Praise God!' Mayganoon!" natatawa niyang kuwento.

Magiging senyales na ba ito ng pagiging daring na ni Luis?

"I don't even want to call it daring, it's different," sabiniya. "Ang daring kasi, showing, let's say, nudity. It's daring like it'ssomething different that when people get to watch it, maiintindihan nila kungbakit it's different and it's not daring. It's just a very mature Luis and JohnLloyd."

Ayon kay Luis, wala pa raw definite title angmovie nila. Most probably, magsisimula na rin mag-shoot ang mommy niya this year. Perosila raw ni John Lloyd ay malamang na by next February pa, and most of theirlocations ay sa New York, U.S.A.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN