Polo Ravales will take a break from daring scenes after doing "Walang Kawala"

"Sa ngayon, hindi muna ako gagawa ng ganito. I can sayna parang nabigay ko na nang todo dito sa Walang Kawala. Huwag na silang humilingng sobra-sobra pang exposure. Tama na yung ilang beses nilang nakita ang buttko!" declares Polo Ravales.



Kung si Polo Ravales lang ang masusunod, magiging first and lastna niya ang mga ginawa niyangdaring scenes sa pelikulang Walang Kawala (No Exit). Hindi raw kasi biro ang ang mga ginawa niyang mga eksena sa pelikula,kung saan gumaganap silang gay lovers ni Joseph Bitangcol.

Bukod sa kissing scenes, may matindi rin silang love scene, kung saan magkapatong sila ni Joseph nang hubo't hubad. Ayon kay Polo, kunghindi lang daw maganda ang script at mahusay ang director—si Joel Lamangan—baka hindi niya tinanggap ang pelikula.

"Na-convince naman ako because of the good script at kayDirek Joel Lamangan," sabi ni Polo sa PEP. "Nakatrabaho ko na si Direk Joel saunang sexy movie ko sa Seiko Films, yung Silip with Diana Zubiri and FrancinePrieto. Maganda yung ginawa naming 'yon. Tapos, I've worked with him sa ilangteleserye at ilan pang movies. So, noong siya na ang maging director dito saWalang Kawala, hindi na ako nagdalawang-isip because I know na maaalagaan angmga eksena namin ni Joseph."

Pinalakpakan ang performances ni Polo at ng iba pang mga kasamasa cast ng Walang Kawala nang magkaroon ito ng Director's Cut screening sa UPFilm Institute kagabi, November 6. Natuwa naman si Polo dahil hindi raw niya alam kung ano ang magigingpagtanggap ng publiko sa kanilang pelikula.

"Kinakabahan ako pagpunta ko rito sa screening," pag-aminniya. "Hindi ko kasi alam ang magiging pakiramdam ko. Nagulat ako dahil angdaming tao. First time ko maranasan na ang isang movie ko, dinagsa ng maramingtao.

"Natuwa ako noong pumalakpak sila sa isang scene ko. Mabigatkasi ang eksenang 'yon at talagang umiiyak ako. Hindi lang dahil in characterako kundi talagang gusto kong umiyak sa hirap ng ginawa ko sa eksena.

"I can say na it was all worth it at natutuwa ako sapagtanggap ng mga tao sa pelikula namin. Hindi ito madaling gawin, pero we allmanaged to finish it at magustuhan sana ito ng mas marami pa," asam ni Polo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ilang butt exposures din si Polo sa Walang Kawala atpinalakpakan din ng mga tao ang pagiging daring niya. Pero ayon kay Polo, kungsiya lang ang masusunod, ayaw na raw niyang sundan ng kasing-daring na pelikulaito.

"Mahirap na kasing ma-typecast, e. Alam mo naman dito saatin, kapag nasimulan mo nang gumanap na bading, sunud-sunod ‘yan. Hindi naman‘yon ang career path na gusto namin ng manager kong si Manny Valera. Gusto kolang to be able to do different kinds of roles. Maging versatile actor ako.

"Ayoko namang magsalita ng patapos, e. Who knows na bakaanother movie na tulad ng ganito ang dumating, pero nasa mas mataas na levelnaman. Yung tipong pang-international film festival. I might consider yung mgagano'n.

"Pero sa ngayon, hindi muna ako gagawa ng ganito. I can sayna parang nabigay ko na ng todo dito sa Walang Kawala. Huwag na silang humilingng sobra-sobra pang exposure. Tama na yung ilang beses nilang nakita ang buttko!" tawa ni Polo.

WHERE IS JEAN? Marami ang nakapansin na wala si Jean Garcia sa specialscreening ng Walang Kawala kagabi. Kasama rin si Jean sa pelikula bilangbattered wife ng isang notorious na pulis played by Emilio Garcia, na siya ringnagpahirap kina Polo at Joseph sa ilang mga eksena.

"Hindi ko alam kung bakit wala siya rito," mabilis na sagotni Polo nang tanungin kung nasaan si Jean. "Siguro may trabaho siyang iba.Siguro siya na lang ang tanungin ninyo."

Halatang iniiwasan na ni Polo na pag-usapan si Jean. Perohindi pa rin siya makaiwas sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa dedmahan nilang dating itinuturing niyang malapit na kaibigan.

"Magkaibigan pa rin naman kami ni Jean, nothing has changed,"sabi ni Polo. "Yun nga lang, we decided na magkaroon ng distance sa isa't isa.Mahirap i-explain, pero yun ang naging desisyon namin.

"Alam ko na maraming mga speculations na may ibang babae,may kinalaman ang mga eksena ko with Joseph dito sa movie, at pati na siJennica [Garcia, Jean's daughter] nadadamay. Wala namang gano'n. Kung ano angnapag-usapan namin ni Jean, sa amin na lang 'yon. Personal na bagay kasi kayaibalato n'yo na lang iyon sa aming dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang inaamin ni Polo na matindi ang naging problema nilani Jean kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

"May problema nga, pero hindi ko na lang sasabihin. Gustonaming ma-solve 'yon na kaming dalawa lang ang mag-uusap. Mahirap nang may mganakikialam, kasi hindi naman nila alam ang nangyayari sa amin. Malalaman namanninyo kung maayos na ang lahat. For now, distansiya muna kami," pahayag niPolo.

Kahit nga raw may problema sila ni Jean, professional pa rinsilang nagtatrabaho sa GMA-7 telefantasya na Gagambino. Ayaw raw nilangmaapektuhan ang trabaho nila sa nagiging personal problems nila.

"Professional kami ni Jean at ayaw naming may masabiang mga katrabaho namin. Sa set naman, we're very civil to one another. Kapagmay eksena kami, ginagawa namin nang maayos. Gano'n lang naman 'yon. Kung papabayaannaming maapektuhan ang work namin, baka mawalan kami ng trabaho. Hindi namanmaganda yun, di ba? Kaya trabaho lang, walang personalan," saad ni Polo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN