Geoff Eigenmann willing to do everything on "Moon River"

"Siyempre, sobrang pressure kasi, so far, ito yung biggest project put on mylap. So I'm really giving my all on this one. Lahat ng gusto nilang makita, makikita nila, gagawin ko. I'm very willingto do that," says Geoff Eigenmann about getting the lead role in Moon River.



Susubukan ng ABS-CBN ang tambalan nina Geoff Eigenmann atMaja Salvador sa upcoming drama series na Moon River. Gaya ni Maja, aminado si Geoff na sobra ang pressure na nararamdamanniya sa bagong proyektong ipinagkatiwala sa kanila ng Kapamilya network.

Ayon kay Geoff,"Siyempre, sobrang pressure kasi, so far, ito yung biggest project put on mylap. So I'm really giving my all on this one. Lahat ng gusto nilang makita, makikita nila, gagawin ko. I'm very willingto do that.

"Sinabi nga sa aminni Maja na handpicked nga raw kami ng management, and sobrang privileged ako, morethan flattered. More privileged dahil management ang pumili, so they reallytrust us. Sa proyektong ito na ibinigay sa amin, we're so proud to be part ofit."

Nakapag-shoot na rawsina Geoff at Maja para sa Moon River.

"Okey naman, kasi ever since naman na nagkatrabaho kami ni Maja, lagikaming masaya. On the set, never kaming nagkatampuhan or anything, laging fun.She's lovely, masarap na katarabho talaga. Nothing really bad to say abouther," papuri ni Geoff sa kanyang leading lady.

Bago ang Moon River,huling napanood si Geoff sa primetime series na Lobo with Piolo Pascual andAngel Locsin.

ON NIKKI GIL. Dati ay naging open siGeoff sa special feelings niya para sa singer na si Nikki Gil. Pero dahil hindipa handang makipagrelasyon noon si Nikki, nagdesisyon si Geoff na humintona lang sa panliligaw. May balak pa ba siyang ituloy muli ang panliligaw kayNikki?

"Nag-uusap pa rinnaman kami, wala namang nabago sa amin," sabi ng binata. "Yung feelings ko forher, hindi na magbabago yun, I suppose. She's part of my life sa sobrang tagalna panahon. She's there na kahit hindi ko siya iniisip, alam ko nandiyan langsiya.

"Sa akin kasi, mabutina rin na huminto ako, it's for both of us. I think we're better off asfriends. Sa ngayon, I want time formyself, enjoy muna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balita namangnagkakamabutihan na si Nikki at ang international Pinoy singer na si BillyCrawford. Ano ang reaksiyon dito ni Geoff?

"Regarding Billy andNikki, good for them. Wala kayong makukuha sa akin because happy boy ako. I'mhappy for them. Kung sila na nga, or they're just dating, it's good," safe na sabi niGeoff.

ON DAD MICHAEL. Nagpahayag ang amani Geoff, ang aktor na si Michael de Mesa, na tatalikuran na niya ang pag-aartista. Susubukanna lang daw niya ang kanyang kapalaran sa ibang bansa para suportahan ang tatlonganak nila ng dating asawa na si Gina Alajar.

Pero ayon kay Geoff,hindi nila inobliga ang ama na magbigay ng financial support kahit kailan. Pero kung itoman ang desisyon ng ama ay irerespeto at susuportahan na lang daw nilangmagkakapatid. Bukod kay Geoff, pareho ring nasa showbiz ang mga kapatid niyangsina Ryan at AJ Eigenmann.

"Siyempre, sad becausehe's leaving. But if he thinks it's gonna be better para sa kanya, support langkami. My dad naman, never nawala talaga. Kahit naghiwalay sila ng mom ko,nandun pa rin siya. He never left our side, suporta pa rin siya all the time.

"I guess, kung gustoniyang makatulong some more, it will happen naman. Wala naman kaminghinihinging finances or whatever sa kanya. Tatay ko pa rin siya at hindimagbabago yun," sabi ni Geoff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN