Joseph Bitangcol happy for audience applause during "Walang Kawala" screening

"Natutuwa akokasi kabado ako noong una. Hindi ko alam ang feeling kapag may ganito kangpelikula na ipapalabas. Siyempre hindi naman tayo sanay. Pero noong may mgapumupuri na, nakakatuwa. Ngiti lang ako nang ngiti. Parang nasa langit ako," ahappy Joseph Bitangcol says about praises for his performance in "Walang Kawala."


Hindi alam ni JosephBitangcol kung paano mag-react sa mgapapuri na nakuha niya sa kanyang pagganap bilang Waldo sa pelikulang Walang Kawala. Nagkaroon ng Director's Cut screening ang naturang pelikula sa UPFilm Institute last Wednesday, November 5.

Nabigyan ngmapaghamong role si Joseph at sinabi nga niyang kung hindi raw niya itogagawin, baka hindi na raw dumating ang pagkakataon na ito. Tama lang daw angdesisyon niya dahil nakatanggap siya ng mga palakpakan sa mga eksena nila ni PoloRavales.

"Natutuwa akokasi kabado ako noong una. Hindi ko alam ang feeling kapag may ganito kangpelikula na ipapalabas. Siyempre hindi naman tayo sanay. Pero noong may mgapumupuri na, nakakatuwa. Ngiti lang ako nang ngiti. Parang nasa langit ako," sabipa ni Joseph nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sabi nga niya, natatawapa raw sila ni Polo noong napapanood na nila ang mga eksena nilang naghahalikansila. Lalo na raw noong nakapatong na raw si Polo sa kanya.

"Tawa lang kaminang tawang dalawa. Kasi yun din ang ginawa namin noong sinu-shoot namin yungeksena. Naka-spread nga ang legs ko ‘tapos nakapatong si Polo. ‘Tapos matatawana lang kami pero dapat serious yung eksena kasi in love kami sa isa't isa.Pero nagkakatawanan kami kapag nagtititigan kami. Parang, ‘Ano ba?!'

"Kaya kungmapapansin ninyo, nakapikit na lang kami ni Polo. Hindi na kami nagtitiganmasyado kasi matatawa lang kami. E, nagagalit na si Direk Joel [Lamangan] saamin. Kaya nagawa namin yung eksena. Pero after no'n, nagtawanan ulit kami. ‘Taposnapanood namin sa big screen, parang, ‘Kami ba ‘yan?' mga gano'ng feeling."

Kung sakalingsila pa ngayon ni Sandara Park,okey lang kaya na gawin niya ang movie?


"Hindi ko alam. Puwedeng oo atpuwedeng hindi. Mga bata pa kasi kami ni Sandy noon kaya may mga selosan.Ngayon naman siguro, nag-mature na kami, if ever na kami pa, siguro papayagnaman siya. Kung sa ikagaganda ng career ko, why not, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa na ba siJoseph na magsunud-sunod ang mga sexy movies niya after Walang Kawala?

"Huwag namansunud-sunod. May pinag-usapan naman kami ni Direk Manny [Valera] kung paanotatakbo ang career ko. We're taking our time para makahanap ng magagandangproject. Maganda itong Walang Kawalakaya ginawa ko. Basta anything na makakatulong sa pagiging actor ko, gagawinko," pagtatapos ni Joseph Bitangcol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN