May kumakalat na balitang mag-aasawa na raw ang sexy TV host ng Startalk na si Alyssa Alano. May nakakakita raw kasi sa kanya na may constant date at magandang buhay raw ang pinapangako nito sa kanya basta iwan lang daw nito ang showbiz.
Pero pinabulaanan lahat iyan ni Alyssa at natatawa na lang ito sa mga nagsasabing mag-aasawa na siya. Paano raw siya mag-aasawa kung wala naman daw siyang boyfriend. May mga nanliligaw sa kanya pero hindi raw niya ito pinapansin dahil mas nakatutok siya sa kanyang trabaho.
"Natawa na lang ako sa tsismis na ‘yan," paglilinaw ni Alyssa nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Para namang ang dali mag-asawa at iwan ang showbiz. Siyempre, ito ang ikinabubuhay ko at ng pamilya ko. Hindi ako aasa sa isang tao para lang buhayin ako. Kaya nga kayod-marino ako sa trabaho kahit na parati akong napupuyat. Mahal ko ang showbiz kaya hindi pa ako handa na iwan ito."
Dahil nga sa sobrang sipag ni Alyssa, kinuha siyang endorser ng ERASE Solution mula sa UK Derma Pharma, Inc. Kinuhang endorser si Alyssa dahil sa kanyang flawless na kutis.
"Baka yung nasusulat na sinasabing constant date ko ay ang boss at may-ari ng ini-endorse ko na pampaganda. Parati kaming nagmi-meeting kasama ang staff niya. Siyempre para ma-promote namin nang husto ang produkto na pinagkatiwala nila sa akin.
"Sabi nga nila, makinis na raw ako at di na kailangan ng pampakinis pa. Pero siyempre, kailangan maintained ang pagka-flawless natin para hindi tayo mawalan ng trabaho. Ang maganda sa ERASE ay nakakatanggal ito ng mga scars, pimple marks, stretch marks, at kung anu-ano pang hindi maganda sa balat. Kaya bonggang-bongga ang pagka-flawless mo."
Sa nalalapit na Pasko, may promo ang ERASE na "Maganda Ka Ba This Christmas? Real Stories, Real Women." Open ito sa mga kababaihang 18 years old and above. Kailangang mag-submit ng application form na magda-download sa website na www.erasesolution.tripod.com ang mga sasali sa promo. Mag-attach ng isang 2 x 2 recent photo with proof of purchase ng any product mula sa UK Derma Pharma. Ipadala via snail mail, email or fax. Submission of applications started last November 4 and will last until December 4, 2008.
Ang sampung mapipiling finalists ay ipakikilala sa press on December 16. Ang premyo ay isang 30-day trial products of ERASE, free wardrobe, hair and makeup, at magkaroon ng chance na makasama si Alyssa sa promotion ng ERASE.
For inquiries on ERASE Solution, you can call Customer Hotline at 410-1824 or 363-6813; or you can send your email at erase_solution@yahoo.com or visit http://erasesolution.tripod.com.
