PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gutsy Showboy Marco Morales bares it all in "Walang Kawala"

The model turned actor from Australia has no inhibitions about nudity.
by Archie de Calma
Published Nov 9, 2008
"Basically, ang naisip ko lang talaga, yung mga tao sa production. Professional talaga sila. Malaking bagay yun. Especially, si Direk Joel, and some of the producers, Manny Valera and Leo Dominguez, they're the best people. No doubt in my mind, na kahit ano ang gawin ko, hindi naman ako madedehado, and I'll be given justice," says ex-Showboys Marco Morales about his frontal-nudity scene in the movie Walang Kawala.



Wala raw pakundangan sa hubaran ang baguhang aktor na si Marco Morales na dating miyembro ng nabuwag na grupong Showboys na naipi-feature noon sa S.O.P. Sa pelikulang Walang Kawala ng DMV Entertainment, talagang tinalbugan ni Marco ang iba pang artista rito by showing all of his wares sa isang maiksi pero may matinding impact na frontal nudity.

"This is not some kind of a tripping," sabi pa ni Marco. "I considered the people I have worked with. Maganda ang reputasyon nila. We have a very good director [Joel Lamangan], so I didn't hesitate."

GUTSY SHOWBOY. Baka nga kinaiinggitan na rin si Marco ng ibang mga kasama niya noon sa Showboys. Matapang kasi ang baguhan kaya naman mas nabibigyan siya ng atensyon samantalang yung iba niyang kasama ay parang nawawala na lang.

"I'm sure may mga plano rin naman sila, and I'm here to support them also," sabi pa ni Marco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"They have been supportive. Kahit minsan, hindi ako nakarinig ng salita na they're against what I did in the movie.

"Kinonsulta ko rin naman sila sa naging decision ko. Sabi lang nila, kung nagagawa raw ng iba yun, bakit hindi ko kayang gawin," palabang dugtong pa ng baguhan.


Kapuna-puna lang na walang inhibitions si Marco. Nang kunan ang eksenang hubo't hubad siya sa Walang Kawala hindi closed doors ang set. Nakabuyangyang doon na kita talaga ang kahubaran niya.

"Basically, ang naisip ko lang talaga, yung mga tao sa production," sabi pa niya. "Professional talaga sila. Malaking bagay yun.

"Especially, si Direk Joel, and some of the producers-Manny Valera and Leo Dominguez, they're the best people. No doubt in my mind, na kahit ano ang gawin ko, hindi naman ako madedehado, and I'll be given justice."

FROM LAND DOWN UNDER. Nagmula sa Australia si Marco kaya mayroon siyang Australian English twang. Five years ago, he moved to the Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I came from Sydney, and worked there as an accountant," sabi pa niya. "Big change. I did a lot of modeling. Have done a few more commercials.

"I used to sing around bars, as well. It has always been me performing."

INDECENT PROPOSALS. How about indecent proposals? Especially after the showing of Walang Kawala, tiyak na dadagsain si Marco ng ganitong approaches.

"The funny thing is, maski wala pa yung movie, marami na akong natatanggap na ganyang proposals, pero hindi naman ako kumakagat.

"For some reasons, kahit may mga nakita sa akin, I was given some respect naman. Parang hindi naman ako nababoy, kaya ang nararamdaman ko, mas mataas ang respeto sa akin ng mga tao," pagwawakas ni Marco.

Read Next
Read More Stories About
Marco Morales, Walang Kawala
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Basically, ang naisip ko lang talaga, yung mga tao sa production. Professional talaga sila. Malaking bagay yun. Especially, si Direk Joel, and some of the producers, Manny Valera and Leo Dominguez, they're the best people. No doubt in my mind, na kahit ano ang gawin ko, hindi naman ako madedehado, and I'll be given justice," says ex-Showboys Marco Morales about his frontal-nudity scene in the movie Walang Kawala.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results