Eddie Gutierrez grateful for "second life" after successful angioplasty

"Kapag may problema, huwag mong masyadongisipin. Try to enjoy life. Life is short, so, try to enjoy it," advises EddieGutierrez.


Nakalabas na ng St. Luke's Medical Center ang veteran actor na si EddieGutierrez noong Biyernes. Nakasakay man sa wheelchair ay hindi namanmaitatagong masaya ito sa panibagong buhay na ipinagkaloob sa kanya nangmakapanayam ng Startalk.

Sumailalimsi Eddie sa dalawang oras na angioplasty operation. Isinugod si Eddie noongLunes sa hospital dahil sa coronary artery problem nito at kaagad din ngasiyang naoperahan.

Ayon nga kay Eddie, "I feel great. Angsarap ng pakiramdam ko. Ang sarap ng hininga ko. At nagpapasalamat ako sa mgadoctors ko for taking good care of me. At sa lahat ng staff ng St. Luke's. I'dlike to thank also Annabelle [Rama] who stood beside me in this journey."

Nagpasalamat din si Eddie sa lahat daw ngmga taong sumuporta at nag-offer ng prayers for them.

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumuportasa amin, sa lahat ng nagdasal. Sa pamilya ko, who stood besides me all thistime. And I'd like to thanks also the media, for writing good things about mysituation.

"Parang second life ko na ‘to, siyempre,nobody is perfect. Nobody is perfectly healthy. Kung sakaling anuman angmangyari kay Annabelle, I'll be there besides her."


Bagamat sinabi naman ni Annabelle na tapos na raw siyang umiyak bago pa manipasok ang asawa sa operating room, hindi pa rin nito naiwasang magingemosyunal nang magpasalamat sa anak na si Richard Gutierrez.

"Nagpapasalamat ako kay Chard...Chard,malaking tulong ang ibinigay mong pera sa amin ng daddy mo," pahayag nga niAnnabelle na hindi mapigilan ang pag-iyak at halos hindi nito madiretso anggustong sabihin dahil sa pag-iyak at pagiging emosyunal sa bagay na ito.

"Si Chard, financially, siya na ang sumagotsa amin. Kaya ako naiyak kasi, hindi kami humingi kay Richard ng pera kusasiyang nagbigay sa akin ng pera para sa daddy niya. Kaya maraming-maramingsalamat, Chard. Sana, tuluy-tuloy ang pagsikat mo, sana, tuluy-tuloy ang incomemo."

Ayon naman kay Eddie, "Ako aynagpapasalamat na lahat ng mga anak, may mga trabaho, everybody is healthy. Mayawa ang Diyos sa amin. God has been kind to us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "Kapag may problema, huwagmong masyadong isipin. Try to enjoy life. Life is short, so, try to enjoy it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN