Aiza Marquez buries past issues with ex-boyfriends Danilo Barrios and Gian Magdangal

"Nakakatawa nga dahil yung end ngrelationship with both Danilo and Gian, negative talaga, may samaan ng loob.Pero eventually, lumilipas din naman. Nare-realize ko rin naman na hindiforever na ganoon ang dapat maging feelings namin sa bawat isa. We all have tomove on," says Aiza Marquez.



Pagkatapos ng Sapi, nakatakda pang gumawa si Aiza Marquez ngibang indie film projects. Ang isa ay tumatalakay sa isang grupo ng Payatasdwellers na natulungan ng designer na si Rajo Laurel. Isang organisasyon ng mgakabataan ang magpo-produce nito. Yung isa pang nakatakdang gawin ni Aiza ayisang science-fiction project na hindi pa kumpleto ang detalye. Wala pangworking titles ang mga proyektong ito.

Masaya naman si Aiza na tumanggap ng indie film projects.

"Okey na ito kesa wala akong ginagawa," sabi niAiza sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Yun ang importante.Kailangan kong bumawi dahil anim na buwan akong nawala sa sirkulasyon. Nagpuntaako sa States, di ba? I spent time with my dad there.

"Mahirap mag-catch up kapag medyo matagal kang nawala.Since wala akong manager ngayon, mahirap na basta ipasok ang sarili ko sa isangnetwork. Galing na ako ng ABS-CBN, but it was okay. Wala lang kasing tao ngayonna maglalapit sa akin doon para sa possible assignments."

So far, maganda ang takbo ng career ni Aiza sa pagbabalikniya. In a way, gusto na niyang iangat ang level niya bilang aktres.

"Kasama na yun," sambit niya. "At the same time,nagkakataon na ito rin ang dumarating sa akin. Kung may mas malakingopportunties naman na maibibigay sa akin, why not? Kung ano ang maibibigay saakin, go na lang nang go! For as long as natutulungan ako financially. More onindies and stage plays ako ngayon, e. After Sleeping Beauty na ginagawa kongayon, by December hanggang February, baka mayroon pa kaming shows.

"Mayroon pa akong another stage play with Tata Nanding[Josef]. Mas nahahasa ako. In case may malaking offer, mas napapaghandaan kopa, at mas marami akong pupuwede pang ipakita sa mga tao."

HOME ALONE. Mukhang todo na ito dahil ang mommy ni Aiza ay susunod na saama niya sa States after two years. Naka-pending ang petition ni Aiza namag-migrate na rin sa States to be with her family, pero after 10 years paraw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, hindi na ako minor," paliwanag ni Aiza."I will be left here, at nandoon sa parents ko ang trust na kakayanin koang pagsubok kahit dito lang muna ako sa Pilipinas, habang nauna na sila roonsa Amerika.

"Siyempre, habang naririto pa ako, make the most out ofthe opportunities. Gusto ko pa rin kasing mag-artista. Ito ang makapagpapasayasa akin. Na-miss kong umarte talaga. Naipapakita ko yung worth ko as aperformer, mapa-teatro, TV man o pelikula. Pero kung hindi man maibigay yungpara talaga sa akin, may ibang options, at gumagawa rin ako ng ibang paraan."

FRIENDS WITH EX-BOYFRIENDS. Nasabi rin ni Aiza sa presscon ng Sapi na ginanap saDulcinea restaurant sa Tomas Morato, kaninang hapon, November 11, na textmatesna sila ng ex-boyfriend niyang si Danilo Barrios at ang dating girlfriend nitona si Jaycee Parker. Civil naman daw ang pagkikita nila ng isa pa niyangex-boyfriend na si Gian Magdangal at ang girlfriend ng singer ngayon na si Sheree.

Ayon kay Aiza, "Nakakatawa nga dahil yung end ngrelationship with both Danilo and Gian, negative talaga, may samaan ng loob.Pero eventually, lumilipas din naman. Nare-realize ko rin naman na hindiforever na ganoon ang dapat maging feelings namin sa bawat isa. We all have tomove on.

"Between the two, mas malalim kasi yung pinagdaanan namin niDanilo. Yung ang mas hurting nang maghiwalay kami. Pero wala na rin nga,tapos na yun. Happy na ako sa sitwasyon namin.

"With Gian," patuloy niya, ganoon din naman. Pero hindiko na masyadong ininda pa yun. Hindi yung kasing tindi ng pinagsamahan namin niDanilo. But, all in the past na yun.

"Bahala na rin lang kung may nakalaan para talaga saakin, ke taga-showbiz pa o hindi. I'm not closing the doors for anotherrelationship. Pero okey na muna ako sa ganito. Trabaho na lang muna,"pagwawakas ni Aiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN