FIRST READ ON PEP Aljur Abrenica on Richard Gutierrez: "Hindi po totoo ang lahat ng sinabi niya."

"Siguro sa mga nakabasa talaga [ng statement niRichard], kayo na po bahalang manghusga. Basahin n'yo lang po ng maigi,maiintindihan n'yo po. Hindi po totoo lahat ng sinabi niya," says Aljur Abrenica (in photo) about Richard Gutierrez's official statement about their reported confrontation.



"Hindi po totoo ang lahat ng sinabi niya."

Ito ang pahayag ni Aljur Abrenica hinggil sa official statement naipinalabas ni Richard Gutierrez kaugnay ng napabalitang kumprontasyon nila saisang high-end bar noong madaling-araw ng October 18. (CLICK here to readrelated story.)

Lagpas dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang lumabasang balita tungkol sa kumprontasyon dumano nina Richard at Aljur sa Fiamma Bar, Jupiter St., Makati City. Nagbigay na ng kanyang panig siRichard sa pamamagitan ng isang official statement, na unang lumabas dito saPEP noong October 27. Pinabulaanan ni Richard na may engkuwentrong naganap sa kanila niAljur. (CLICK here to read Richard's statement.)

ALJUR SPEAKS BUT HANGS BACK. Bagamat nakakuha ang PEP ng ilang impormasyon mula sa ilangsources tungkol sa insidente, nanatiling tahimik si Aljur. Hindi siyanagpaunlak ng interview sa kahit na sino mang gustong kunin ang kanyang panig.

Pero sa kauna-unahang pagkakataon ay nakausap ng entertainment press, kabilang na ang PEP, si Aljursa presscon ng kinabibilangan niyang fantaserye sa GMA-7, ang Luna Mystika.Ginanap ang presscon kagabi, November 11, sa Studio 5 (dating Studio 3) ng GMANetwork Center.

Naging maingat si Aljur sa pagbibitiw ng mga salita.Hangga't maaari sana ay ayaw na niyang pag-usapan ang kung anumang nangyari sakanila ni Richard, pero nagbigay pa rin siya ng ilang pahayag.

"Ayoko na po munang magsalita tungkol sa mga nangyari. Gustoko po muna ngayon, e, mag-concentrate sa pagtatrabaho," unang sagot ni Aljur nangsubukang alamin ng press sa kanya kung ano nga ba ang totoong nangyari noong October18 sa Fiamma Bar.

Pero nang tanungin kung nagkaayos na ba sila ni Richard, itoang naging sagot ni Aljur: "Ewan ko po. Kasi sa akin, hindi po siya okey, e."

May pinagsabihan ba siya ng tungkol sa nangyari sa kanila niRichard?

"Actually, wala pa akong pinagsasabihan, lumabas na," sabini Aljur. "Wala naman akong pinagsabihan na kahit sino man. Wala naman pongnanggaling sa akin na binatukan ako or something. Nung narinig ko na, ‘tsaka naako nagsalita kung ano ang talagang nangyari sa mga kaibigan ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagbawalan ba siya ng GMA-7 o ng Artist Center namagsalita tungkol sa isyu?

"Hindi naman po, pero ayoko po talagang pag-usapan," maingatna sabi ni Aljur.

Sa hindi niya pagsasalita, ibig bang sabihin nito ay may itinatagosiya o di kaya ay may kinatatakutan siya?

"Ay, hindi po talaga ako natatakot!" tanggi ni Aljur. "Bastawala po akong kinakatakutan. Malinis ang konsensiya ko. Ayoko lang pongmag-comment. Anong rason ko paramatakot?"

ON RICHARD'S OFFICIAL STATEMENT. Ano naman ang reaksiyon ni Aljur sa official statement ni Richard? Sinabi kasi ng top leading man ng GMA-7 na bigla na lang umupo sa kanilang table si Aljur kahit hindi naman nila ito iniimbitahan. Pinasaringan din ni Richard ang kakulangan diumano ng "socialgraces" ni Aljur.

"Basta't lahat ng mga sinabi niya, wala pong katotohanan,"mahinahong sabi ni Aljur. "Siguro sa mga nakabasa talaga [ng statement niRichard], kayo na po bahalang manghusga. Basahin n'yo lang po ng maigi,maiintindihan n'yo po. Hindi po totoo lahat ng sinabi niya."

Dagdag niya, "Basta't ayoko na pong mag-comment. Ayoko napong ikuwento yung totoong nangyari. 'Tsaka na lang po."

Pero invited ba siya talaga noon sa Fiamma Bar?

"Actually, sa Fiamma bar...it's a public place. Walang partytalaga," saad ni Aljur.

Marami bang nakakita ng insidente?

"Ayoko po munang magsalita," iwas ng batang aktor.

Pero sino ang nagsama sa kanya sa Fiamma Bar?

"Si Marco Alcaraz po," sagot ni Aljur. (Si Marco ay nagingco-star ni Aljur sa nagtapos nang fantaserye ng GMA-7 na Dyesebel.)

Nagkita na ba sila ni Richard pagkatapos ng insidente?

"Hindi pa po kami nagkikita," sabi ni Aljur. "Hindi naman potalaga maiiwasan kasi Kapuso din siya. ‘Pag nagkita po kami ni Mr. RichardGutierrez, natural lang po, nakangiti, naka-smile po ako. Babatiin ko po siya.Pero depende na lang po sa kanya kung ano ang reaksiyon niya."

Siya ba ang magpapakumbaba kung saka-sakali?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ganun akong tao, e. Hindi po ako nakikipag-away.Umiiwas po talaga ako sa gulo. Gusto ko lang po talaga magtrabaho lang nangmaayos," pahayag niya.

Paano kung siya ang na-provoke?

"Pag prinovoke po, iiwas pa rin po ako," aniya. "Pero kungsobra na... Depende po kasi, e. Pero sa akin kasi, kahit batuhin ako ng bato,binabato ko ng tinapay. Lalo lang lalaki ang gulo, e, pag pinatulan mo."

May sama ba siya ng loob kay Richard?

"Hindi ko po masabi, pero hindi po talaga ako okay,"makahulugan niyang sagot.

Nagbago ba ang pagtingin niya kay Richard pagkatapos ngnangyari sa kanila?

"Ayoko po munang mag-comment," iwas niya ulit.

Ano naman ang naging reaksiyon ng mga magulang ni Aljur nangmalaman nila ang insidente?

"Siyempre, unang-una, nagalit. Nagalit po talaga, peroinintindi na lang po nila," saad ni Aljur.

May gagawin ba silang aksiyon tungkol sa nangyari?

"Depende po, kung kinakailangan. Pero mapag-intindi po angparents ko," aniya.

JEWEL MISCHE. Dawit din sa isyu sa pagitan nina Aljur atRichard si Jewel Mische, na sinasabing dahilan ng kumprontasyong ng dalawangmale Kapuso stars. Nagselos daw kasi si Richard dahil si Aljur ang madalaskasama ni Jewel sa inauguration ng bagong GMA Network Studios noong October 17,o ilang oras bago naganap ang sinasabing kumprontasyon nina Aljur at Richard.

Tinanong ng PEP si Aljur kung may namamagitan ba sa kanilani Jewel.

"Ang masasabi ko lang po, e, wala pong namamagitan sa aminni Ms. Jewel Mische. Kasamahan ko po ‘yan sa StarStruck," sagot ni Aljur.

Magka-batch sina Aljur at Jewel sa StarStruck 4, kung saan pareho silang nanalo—siAljur bilang Ultimate Hunk at si Jewel naman bilang Ultimate Sweetheart.

Sa palagay ba ni Aljur ay nagselos sa kanya si Richard dahilkay Jewel?

"Hindi ko po alam. Ayoko po munang mag-comment," pag-iwasmuli ni Aljur.

"No comment" din ang isinagot ni Aljur sa mga sumunod na tanongtungkol sa nababalitang ugnayan nina Jewel at Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil hindi pa nagbibigay ng detalyadong pahayag si Aljur,ano ang nais niyang iparating sa mga tao?

"Unang-una, sa mga tumulong sa akin, sa mga nagde-defend saakin, maraming-maraming salamat po. Sa nakakakilala po talaga sa akin, sanagtitiwala sa akin, pasensiya na po kung hindi pa po ako makakagawa ngstatement. Pero kung kinakailangan po, gagawa po ako. Kasi ako po, hangga'tmakakaiwas ako sa gulo, iiwas at iiwas po ako. Hindi po ako ganung klase ng taona nakikipag-away. Ang gusto ko lang po talaga, e, magtrabaho nang maayos,"pahayag ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN