Iwa Moto hopes her current boyfriend is "the one"

"Mabait siya, hindi siya yung typical guy na sex lang anghabol. Siya, hindi," says Iwa Moto about her boyfriend, Michael Ablan.



Palaging napagkakamalan na ang tattoo sa batok ni Iwa Motoay ang pangalan ng kanyang boyfriend na si Michael Ablan dahil "Mickey" angnakatatak dito. Pero ilang beses na ring ipinaliwanag ng aktres na wala pa sabuhay niya ang boyfriend niya ngayon, naka-tattoo na yun sa kanya dahil ito angpangalan ng kanyang kapatid. Nagkataon lang daw talaga na Mickey rin angpalayaw ng boyfriend niya ngayon.

Hindi itinatanggi ni Iwa na mahal niyang talaga atnararamdaman din naman niyang mahal na mahal din siya ni Michael.

"Mabait siya, hindi siya yung typical guy na sex lang anghabol. Siya, hindi," sabi ni Iwa sa panayam sa kanya ng PEP kagabi, November11, sa Studio 5 (dating Studio 3) ng GMA Network Center.

Hindi pa naman daw nila napag-uusapan ang kasal at hindi parin naman daw siya inaalok ng kasal ni Michael.

"Hindi pa nga, e!" tawa ni Iwa. "Pero siyempre, kung sakaliman alukin niya ako, hindi pa rin. Magwa-one year pa lang kami at sakakailangan ko pang magtrabaho. Masaya naman ako sa trabaho ko, masaya rin namankami kahit ganito lang kami. At saka, I have to work for my family. Sabi ko ngasa kanya, kung magpapakasal ako, hihinto ako sa pagtatrabaho at kailanganbuhayin mo kami!"

Pero aniya, "Sana, siya na. I'm hoping na sana, kami na.Kung hindi man, gusto ko na maging magkaibigan kami."

IWA, THE VILLAINESS. Kasama si Iwa sa bagong fantaserye ng GMA-7, LunaMystika, kung saan gaganap siya bilang kontrabida ni Heart Evangelista. Mukhangdire-diretso na ang pagiging kontrabida ni Iwa.

"Opo nga, e, kasi in need daw ang GMA ng kontrabida!" birong StarStruck 3 First Princess.

Masaya ba siya na nalilinya na talaga siya sa mga kontrabidaroles?

"Yes!" bulalas niya. "Very happy, siyempre may trabaho.Mahirap kasi ngayon ang buhay kaya kahit na ano ang ibigay sa akin, tatanggapinko."

Ayon kay Iwa, nararanasan na raw niya ang galit sa kanya ngmga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dati pa talaga, Magdusa Ka pa lang, may kumukurot sa akin.Nasa mall ako noon, matanda siya. E, ang sama-sama ng tingin niya sa akin. Angginawa ko, nginitian ko. Tapos, biglang sinabi sa akin na ang sama-sama ko raw,inaaway ko raw si Katrina [Halili]. Parang ako, ‘Ho?' So, ako, ‘Peace! Aktinglang po yun.' Actually, hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya or seryoso!"natatawa niyang kuwento.

Hindi ba siya naaapektuhan kapag may mga ganoong reaction angmga tao sa ginagawa niya?

"Masaya nga ako, e. Masaya ako dahil ibig sabihin lang no'n,effective yun," ani Iwa.

IWA'S FATHER. Biglang nagseryoso si Iwa nang kumustahin ng PEP sa kanyaay ang kanyang amang maysakit.

"Masama," malungkot niyang sabi. "Tinaningan na po siyana mawawala na siya, baka hanggang December na lang daw po. Na-discover kasi,stage four na ang cancer niya. Tapos yung liver cancer niya, kumalat na, nagingbone cancer na rin."

Hanggang ngayon, wala pa rin daw ideya ang Japanese fatherni Iwa na may taning na ang buhay nito.

"Walang makapagsabi sa kanya. Hindi namin kaya. Alam niya lang na may sakit siya, alamniyang may cancer siya. Pero hindi niya alam na tinaningan na siya hanggangDecember.

"Sabi niya nga nang mag-usap kami—may nagta-translate langsa akin—sana raw, bigyan pa siya ng two years ni God. Kasi raw, nararamdamanniyang naghihirap na siya nang unti-unti. Nahihirapan na raw siya, pero sana raw bigyan man lang siya ng two yearspara man lang makasama pa raw niya kami," kuwento ni Iwa.

Sinabi rin ni Iwa na masakit talaga na alam mo na anumangoras ay puwedeng tuluyan nang mawala ang daddy niya, na kailan lang niya nahanappagkatapos ng mahabang panahon na hindi sila nagkita.

"Actually, hindi ko na lang po iniisip," sabi ni Iwa."Masakit, e. Masakit kapag palagi kong iniisip. Mas maganda pa yung, ‘Puwede bana kalimutan ko muna yung mga nangyayari?' Yung ganoon. Mahal na mahal ko angdad ko. Kahit sinong anak, hindi matatanggap na mawawala ang ama niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. That'swhy, ayokong isipin na binigyan siya ng taning. Para sa akin, mabubuhay siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN