"Survivor Philippines" castoff Kiko Rustia feels betrayed by two in his former alliance

"I'm just open sa anumang ibigay sa akin ng GMA-7. The experience itself na makasama sa Survivor Philippines isalready enough for me. Ang dami kong natutunan sa days na nandun ako. I maylook physically weak, but my spirit is still fighting," says Survivor Philippines castoff Kiko Rustia.



Natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang latest Survivor Philippines castoffna si Kiko Rustia kahapon, November 11, sa lobby ng GMA Network Center.

Naghihintay noon si Kiko na ma-interview sa primetime newscast ng GMA-7 na 24Oras, kung saan tinanong siya tungkol sa pagkakatanggal niya sa reality show ng Kapuso network.

Nanibago kami sa itsura ni Kiko dahil maayos ang kanyang bihis, patina ang kanyang buhok. Malinis din siyang tingnan at mabango pa.Kakaiba sa Kiko na napapanood ng mga tao sa Survivor Philippines.

Agad naming inalam kay Kiko kung sino ang bet niya sanatitirang walong castaways ng Survivor Philippines.

Sina Zita Ortega at JCTiuseco ang mga binanggit niya. Paliwanag ni Kiko, si Nanay Zita ang parang mother dawniya at ng tribo. Si JC naman , parang kapatid na niya.

Ipinaliwanag din ni Kiko kung bakit sa dati niyang tribematena si Rob Sy niya ibinigay ang black pearl. Ang perlas ay magsisilbing sumpasa sinumang may hawak nito dahil awtomatikong may isa siyang boto sa susunod naTribal Council.

Inulit ni Kiko ang sinabi niya sa kanyang exit interview nahindi siya ipokrito. Hindi rin daw niya pinagsisisihan ang kanyang ginawa.

"Napanood namang pagdating sa performance, he's [Rob] notgiving his all. Kami lang ni JC ang nagtatrabaho. Ako, nangakong dadalhin kosila hanggang kaya ko, pero dapat tulong-tulong din," paliwanag ni Kiko.

Bakit hindi sa kalaban nila at sa kinaiinisang siMarlon Carmen ibinigay ni Kiko ang black pearl?

"Unang-una, kung gusto nilang tanggalin si Marlon, noon pa.Okey lang yun," sabi ng Survivor Philippines castoff.

Feeling ba niya na-betray siya ng dati niyang ka-alliance nasina Kaye Alipio at Cris Cartagenas?

"Oo!" mabilis na sagot ni Kiko. "Ang sa akin lang,panindigan nila. Hindi sila umamin na ibinoto ako at ginamit pa nila ang galitni Rob, binuyo pa. Sabagay, ganun ang pagiging Survivor."

KIKO'S "BLING-BLINGS." Habang kausap namin si Kiko, panay ang tunog ng cellphonenito at dumami ang tao sa aming paligid. Naghihintay pala sila na matapos anginterview kay Kiko para makapagpakuha sila ng litrato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napansin din namin ang suot na sari-saring bracelets ni Kikoat ang iba pang burloloy sa kanyang katawan. May dalawa rin siyang necklace.

Ilan ba lahat ng bracelets niya?

"Sa last count ko, 38 sa right arm ko at 12 sa left arm ko.Meron din ako sa paa, basta marami sila," sabi ni Kiko. Nabawasan ng isang bracelet ang kanyang kaliwang braso dahil hiningi ito sa kanya ng GMA-7 reporter na si Lhar Santiago.

Bakit marami siyang suot na bracelets?

"It's how I express myself, this is my artistic side," sagotniya. "Bigay lahat ito sa akin ng mga kaibigan ko at mga taong nakikilala ko,wala akong binili. Itong coral bracelet [sabay turo sa kulay black niyang bracelet], ‘pag naiinitan,nabi-bend siya. Tatlo dati ang necklace ko, nasira at inayos ko na lang atginawa ko na lang isa. I really value gifts given to me."

JUST FRIENDS. Open ang dati niyang kasama sa Survivor Philippines na siCharisse Yacapin sa admiration sa kanya. Ano ang masasabi niyarito?

"I'm flattered kung crush niya ako. Pero sa akin, we're justfriends at gaya ng lagi kong sinabi sa island, walang malisya yun," diin niKiko.

ENTERING SHOWBIZ. Karamihan sa mga naunang na-vote out na castaways ay gustongmag-showbiz, gaya nina Patani Daño at Jace Flores. Si Kiko ba ay may plano ringpumasok sa showbiz?

"I'm just open sa anumang ibigay sa akin ng GMA-7," sabiniya. "The experience itself na makasama sa Survivor Philippines isalready enough for me. Ang dami kong natutunan sa days na nandun ako. I maylook physically weak, but my spirit is still fighting."

FIRST FOOD AFTER SURVIVOR. Ano ang una niyang kinain after niyang ma-vote out?

"Sa Jury Camp pa lang, kumain na ako ng fried chicken.Buffalo chicken siya at medyo hinanap ko talaga," sabi niya.

Pag-uwi niya ng Pilipinas, ano naman ang mga kinain niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Burger, triple patty!" una nitong sagot. Pero paramakasigurado, kinuha ni Kiko ang kanyang journal, kung saan niya isinusulat lahat ng mga experience niya.

"Sa McDonald's pala ako pumunta," pagtatama ni Kiko.

Ang mga kinain daw niya ay quarter pounder burger withoutmayonnaise and ketchup, chicken nuggets, fillet o' fish, McChicken sandwich,spaghetti at apple pie.

"At least, hindi ako nag-soft drink. Tinakaw-takaw akong mga ito!" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN