Gretchen Barretto to host new TV5 game show, "You and Me Against the World"

"I try my best to be positive. I'm notperfect, but you know, things happen. I get hurt, I cry, but after a while,kailangan iniri-release mo rin yun. Hindi puwedeng tagu-taguin," says Gretchen Barretto.



Si Gretchen Barretto ang naging finale at highlight nglaunching ng second season ng TV5, at advance Christmas party na rin ng TVnetwork para sa entertainment press, kagabi, November 12, sa A-VenueHall sa Makati Avenue. Nagsilbi na rin itong presscon para sa bagong game show niGretchen sa TV5, ang You And Me Against The World, na magsisimula nang mapanoodsa November 23, Sunday, at 7 p.m.

Hindi itinanggi ni Gretchen na ang partner niyang si TonyboyCojuangco, na siyang may-ari ng TV5, ang unang nag-convince sa kanya to host agame show. When asked how much it cost TV5 to convince her to host You And Me Against The World,nagbiro si Gretchen na, "TV5 can't afford me. But definitely, Tony can."

Pero ayon kay Gretchen, "It took him three years bago niya kona-convince, three years na niyang ino-offfer. Ayoko sanang magtrabaho saChannel 5 kasi ang gusto ko, I want to make it on my own. Parang iba yung saamin, iba yung akin. But, this is a very good show."

It only goes to show na siya talaga ang reyna ng TV5, birosa kanya ng entertainment press.

"Reyna ako ng buhay ni Tonyboy, you know!" natatawa niyangsabi.

You And Me Against The World wasconceptualized by Mr. Bobby Barreiro and his team especially for Gretchen.

"Yes, they designed it for me and then they presented it tome, and I fell in love with the concept," saad ni Gretchen.

During the raffle, ay nakantiyawan si Gretchen na ipamigayang kahit alinman sa kanyang suot kagabi. After giving it much thought aywalang nagawa si Gretchen kundi ipa-raffle ang kanyang Oscar de la Renta shoes,na sabi-sabi ay nagkakahalaga ng forty to seventy thousand pesos.

Pero sa game show ni Gretchen, mas malaki pa ang premyongipamimigay ni Gretchen dahil guaranteed daw na every Sunday ay mamimigay sila ngisang milyong piso sa isang contestant. Bukod-tanging ang You And Me AgainstThe World lang daw ang makakagawa nito na, definitely, napakalaking pera namailalabas nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, sinabi ni Gretchen na meron din siyangpersonal gifts na ipinamimigay sa mga celebrity contestant na close sa kanya,gaya nina Lucy Torres-Gomez, Arnell Ignacio, at Ai-Ai delas Alas na binigyan niya ng branded bags.

The question is, maging consistent kaya ang game show niGretchen sa pamimigay ng isang milyon linggo-linggo?

"Well, I signed up for one season lang. And then, we'llsee. Hindi ko kasi alam kung mag-e-enjoy ako or hindi, di ba? Untilna mag-tape ako na nag-e-enjoy ako. So, we'll see. Alam n'yo naman ako,bugnutin, di ba? Minsan nag-e-enjoy ako, tapos biglang, ‘Ay naku, I'm tiredna!'" natatawang pag-amin ni Gretchen.

JOHN AS CELEBRITY CONTESTANT. Sa first episode ng You And Me Against The World, isa sa celebrity guests ay si John Estrada, na minsan na ring naintriga kay Gretchen dahil sakanilang "kisscandal." Kumusta naman ang pagge-guest ni John sa kanyang show?

"Very nice naman because hindi pa kami nakikita in publictogether. Hindi alam ng tao kung talagang friends kami or kung magkaaway. Thetruth is talaga namang we were okay all this time. Alam naman namin kung ano talaga ang nangyari. It'sgood because I have his support and I always support him naman in anything thathe does.And Lucy Torres-Gomez is also my very good friend, so lahat ngnag-guest sa amin, talagang mga friends ko," paliwanag ni Gretchen.

Nang malaman niyang magiging guest niya si John, ano angnaging reaction niya?

"Natawa lang ako. Sabi ko, ‘It's okay. Kaya ba niya angtension?" tawa niGretchen.

May blessing ba ni Tonyboy ang pagge-guest ni John?

"Hindi naman ako nagpapaalam. Alam naman niyang stationnaman niya yun. More or less, alam niya."

May say ba siya sa mga guest?

"No," mabilis niyang sagot. "Lahat ginawa nila. Ayokongmakialam sa production. Ayokong masabihan nila na mahadera ako. So, parang youdo what you want."

Magge-guest ba si Tonyboy sa show niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung siya ang magge-guest, kailangan five million ang prizena ipamimigay ko that episode!" natatawang sabi ni Gretchen.

Ba't hindi niya i-dare si Tonyboy na mag-guest?

"I dare him with other things. There are better things todare him with!" tawa ni Gretchen. Pero bigla siyang bumawi at sinabing, "That'sjust my joke. Take my humor na lang. Sorry yung humor ko, may pagka-offtalaga."

GOLDEN WEDDING ANNIVERSARY. Nabalita rin at hindi rin naman itinanggi ni ClaudineBarretto na may offer para mag-guest din siya sa show ng kanyang Ate Gretchen.Tinanong si Gretchen kung bakit hindi nakarating ang kanyang bunsong kapatid.

Paliwanag ni Gretchen, "Channel 2 kasi, di ba, some of thestars, hindi pinapayagan? And at that time, sabi niya nga, may sakit siya. So,hindi ko rin alam kung paano. You know, it's really sad na yung ibang station,ayaw nilang magpahiram talaga."

Kinorek naman ni Gretchen ang nagtanong sa kanya na sinabiraw ng kapatid niyang si Claudine na hindi siya darating sa 50thwedding anniversary ng kanilang mga magulang. Lahat daw ng magkakapatid na Barretto,except for Gretchen, ay aligaga sa pag-aasikaso ng golden wedding anniversaryng kanilang parents.

"You know what, I try to really avoid what people say," sabini Greta. "I already mentioned that I want to be positive in my ways, in my thoughts.So kung ano ang amin, hindi naman trabaho yun, di ba? Hindi naman yun kasali sashow, di ba? Hindi ko naman kailangang i-promote. Huwag na nating i-touch.Huwag na nating guluhin.

"You know, it's their 50th anniversary, let'skeep it private. Sana naman, there's something in our life that we can keepprivate. At saka, pamilya ‘to, e. Puwede naman nating sabihin, ito pamilya, itotrabaho. Lay off naman tayo. You know, life is so short."

But will she be there?

"I will not tell you because that's my private life," sagotniya. "Ayokong pagpiyestahan at pag-usapan ang anniversary dahil sa pagsipot koor dahil sa hindi pagsipot. Gusto kong maging Gretchen na Gretchen na ordinaryo, at hindi Gretchen na Gretchen."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang may gusto pang mag-follow-up tungkol dito ay sinabiagad ni Gretchen na, "Huwag na nating gatungan. Kasi pamilya ‘yan, e. Walanaman tayong... Yun lang naman yun, e. Iba na lang ang gatungan n'yo."

May message ba siya para sa 50th wedding anniversaryng parents niya?

"I don't wanna talk about it," may diin niyang sabi. "I saidit already once, and this is the second time."

When asked about her wishes for her family, Gretchen hasonly this to say: "You know, I don't wish. I make things happen."

LET'S BE POSITIVE. Sinabi ni Gretchen na ang maging "positive in life" ang goalniya ngayon.

"Well, because it's good to be positive," rason niya. "Angdaming nagkakasakit. Ang daming namamatay. Si Joyce [Jimenez, her friend]naaksidente, muntik na siyang mamatay. I'm thinking, ‘Oh my God, kung ganitolang ang buhay, why be negative?' I mean, what if one day, you'll wake upknowing that you'll only have four months to live, or a month or a year to live?Kailan ako maghahabol? Kailan ako magso-sorry? Kailan ako magpi-peace satao?"

Dagdag ni Gretchen, "I try my best to be positive. I'm notperfect, but you know, things happen. I get hurt, I cry, but after a while,kailangan iniri-release mo rin yun. Hindi puwedeng tagu-taguin."

Naging mainit na isyu rin ang sa pagitan ng kaibigan dati niGretchen na si Nadia Montenegro at ni Mrs. Rose Flaminiano. Sa kabila nito aynanatiling tahimik at hindi sumawsaw sa isyu si Gretchen. Is this because she'sreally really trying to be positive?

"Hindi ba... I read, yung mga self-help books, I chance uponyung ‘always look the positive upon the negative situation.' Akala mo negativeang situation. But if you try to quiet down, hindi ka magsasalita at iisipin moyung positive about the person, kung ano ang dahilan kung bakit ka napamahal saakin, I'm sure may dahilan. Kapag inalala mo yun, and if you remember it,mawawala ang galit mo, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And you know, kanina lang, sinasabi ko kay PatrickRosas [Gretchen's stylist], I will not say nasty things about Nadia. Minahal kosiya, minamahal ko siya. Meron siyang maraming nagawang mabuti sa buhay ko.When I was not Gretchen Barretto na maraming pera, generous siyang tao,generous siyang friend.

"Nilibre niya ako sa magagandang parlor, samga restaurant na mamahalin. Nireregaluhan niya ako ng magagandang damit atsapatos. Paano ko sisiraan ang taong nagbigay sa akin ng...gumawa ng kabutihan saakin noong hindi naman niya talaga kailangang gawin sa akin yun? You know,kahit na anong sabihin ni Nadia, ayokong magsalita We had good times."

So, possible na ang reconciliation sa pagitan nila?

"You know in this world, anything is possible, di ba? So,hindi ko pipilitin. Pero alam ko that one day, it will happen kasi yung bondnamin, malalim," saad ni Gretchen.

When asked about her lovelife, very game namang sumagot siGretchen at natawa pa nang sabihin: "Hindi ako nasisiraan ng lovelife. Ewan kosa inyo! Ako, nadadagdagan ang lovelife ko!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN