The surprising transformation of comedienne Jinky Oda

"Sino ang makakapagsabi namakukuha pa pala akong endorser ng isang pampaganda? Wala, di ba? Kaya ibatalaga ang naging epekto ng magandang relasyon sa Panginoon," says comedienne Jinky Oda.



Masasabing isang milagro ang paputiin mo ang isang taongipinanganak na maitim. Sa isang tulad ng comedienne na si Jinky Oda, hindina raw siya umasa noon na mag-iiba pa ang kulay ng kanyang balat. Pero nabigyan ngbagong pag-asa si Jinky at siya ang kinuhang endorser ng GlutaMAX, ang bagongprodukto ng YSA Skin Care Corporation.

Noong i-launch si Jinky kagabi, November 12, sa C3 EventsPlace sa Greenhills, San Juan, ang daming nagulat dahil ibang-iba na anghitsura niya mula sa nakilala nating si Bale sa sitcom na Okay Ka, Fairy Ko. Ipinakitarin ang before and after photos ni Jinky at kitang-kita ang malaking pagkakaibasa kulay ng komedyana.

Hindi rin makapaniwala si Jinky sa mga nangyari sa kanya.Never daw niyang naisip na may pagbabago pa na mangyayari sa kulay ng kanyangbalat.

"Actually, nagulat ako kung bakit ako ang pinili nila,"pagtataka pa noong una ni Jinky. "Kakauwi ko lang from Australia noon at angtaba-taba ko. As usual, negra pa rin naman ako. Noong nilapitan ako para saproduct na ito, hindi muna ako na-convince kasi hindi naman ako naniniwala namag-iiba pa ang kulay ng balat ko. Pero sa naging paliwanag nila sa akin,sinubukan ko na rin."

Tatlong buwan daw ginamitan si Jinky ng mga produktongGlutaMAX at paunti-unti niyang nakita ang resulta. Nag-lighten ang dating darkskin tone niya hanggang sa pumantay na ito. Pinag-diet din siya kaya nabawasanang kanyang timbang.

Gusto ni Jinky na maging inspirasyon siya ng maramingdark-skinned girls na tulad niya noon. Na may pag-asa pa na maiba ang kulay ngkanilang balat sa paraang mabisa, epektibo, at safe.

THE FATHER OF JINKY'S SON. Kasama ni Jinky na umuwi from Australia ang kanyang anak nasi Rickland. Katorse anyos na pala ang guwapong bata. Pero sabi ni Jinky,wala raw hilig sa showbiz ang kanyang anak kahit na may mga gustong kumuharito. Mas type daw nitong mag-aral na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Jinky kung nakilala na ba ni Rickland angkanyang ama na si Ricky Recto, kapatid ni dating Senator Ralph Recto. Ayon sacomedienne, hindi raw siya nag-attempt na gawin ‘yon dahil alam niyang walangmangyayari.

"Bata pa lang naman ang anak ko, sinabi ko na kung sino angdaddy niya," sabi ni Jinky. "Ayokong itago ‘yon sa kanya. Pero okey naman anganak ko dahil hindi ‘yon nakasira sa pagkatao niya. Lumaki naman siyang maayosat kahit kaming dalawa lang, maganda ang naging buhay namin."

Nagtatanong ba si Rickland tungkol sa kanyang ama?

"Dati, noong bata siya pero hanggang, ‘Where's my daddy'?lang. Ang sagot ko palagi ay ‘Nandiyan lang'. Noong lumalaki na siya, hindi naniya ito tinatanong. Okey lang kasi choice naman niya kung gusto niyangmakilala ang father niya or hindi."

Dinarasal ba ni Jinky na sana isang araw ay kilalanin namanng ama ni Rickland ang kanyang anak?

"Sino ba namang magulang ang ayaw ng gano'n, di ba? Noongbaby pa lang naman ang anak ko, yun na ang dasal ko. Pero may time para diyan,e. May tamang oras for all of that. Ngayon, tanggapin man o hindi ang anak ko,he's still my son at maganda ang pagpapalaki ko sa kanya," pahayag ni Jinky.

Sinabi rin ni Jinky na single at wala siyang lalake ngayonsa kanyang buhay. Naging very active si Jinky sa kanyang spiritual life kaya tama naraw ang kanyang direktang relasyon sa Panginoon Diyos.

"Lahat ng mga katanungan ko sa buhay, Siya ang nagbigay ngsagot. Noong mga panahon na nasa mali akong pamumuhay, Siya pa rin ang nag-leadsa akin sa tama. Kaya malaki ang pagkukulang ko sa Kanya dahil lalapit lang akokung kelan ako may problema. Ngayon, Siya na lang ang karelasyon ko. Masmaganda ang naging buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Tulad na lang ngayon, sino ang makakapagsabi namakukuha pa pala akong endorser ng isang pampaganda? Wala, di ba? Kaya ibatalaga ang naging epekto ng magandang relasyon sa Panginoon," pagtatapos ni Jinky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN