Ricky Davao on his gay roles: "Iba-iba pa rin ang challenge niyan."

"Sinasabi kasing iba, baka ma-typecast na ako. Pero hindi pa rin naman. Takot din akong umabot doon. Baka hindi na ako makaganap ng straight guyroles, di ba? So far, okey pa naman," says Ricky Davao about playing gay roles.



Nagsimula na siRicky Davao ng shooting para sa bagong proyekto ng MLR Films ni Atty. JojiAlonso. Ito ay may pamagat na Parangal, kung saan sila ni Julio Diaz ang mgapangunahing bida, directed by Jeffrey Jeturian. Ang MLR Films din angnag-produce ng award-winning film na Kubrador, na idinirek din ni Jeffrey.

Hindi pa mannaipapalabas ang Parangal ay pinag-uusapan na ito dahil nga sa mgakontrobersiyal na eksena rito. Ang pelikula ay intended for globalaudiences.

"Parang FromHere to Eternity nga yung eksena sa may beach, na ang feeling ko, ako siDeborah Kerr!" aliw na aliw si Ricky sa pagkukuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nagulatnga ako kasi we're supposed to just have fun on the beach at walang kissing.Tapos bigla na lang sinabi ni Direk Jeffrey, 'Mas okey siguro kung you end upkissing!'

"Sinabi niDirek na he will talk to the boy [Kazuo Nawa], yung newcomer na kaeksena ko.Baka willing daw na gawin yun. Natawa ako at sinabi ko kay Direk, 'Natanongn'yo na ba sa akin kung okey na gawin ko?'

"Kasi, biglangnag-isip ako. Yung tatay na Japanese, nasa set, at kailangang ipaliwanag na'okama' [bading] ang role ko, and we have to frolic on the beach, kaming dalawang anak niya. Eighteen years old lang ang bagets. Naisip ko lang, paano kungako yung tatay ng bata? Yun lang naman. Kaya sa eksenang yun, pagulong-gulongkami sa beach, pero may impact pa rin!" natatawang sabi ni Ricky.

Medyo nailang pa nangbahagya si Ricky dahil around eight nuns daw ang nasa set at nanonood ngshooting.

Kuwento pa ni Ricky, "Nasabiko kay Direk, baka hindi naman kailangan. Pero sabi kasi ni Direk, kailangandaw kasi talaga dahil yun ang pagmumulan ng pagseselos ni Julio [Diaz], whoportrays the role of my lover.

"Nag-suggest nalang ako na panggigigilan ko na lang yung bata. Yung ending ng eksena bagonag-cut, nag-lean na yung bata sa may chest ko. Kasi yung chest ko, may tattoo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala na ngang takotang impresyong naikakapit kay Ricky pagdating sa pagpo-portray ng gay roles sabig screen. Hindi na mabilang ang gay roles na ginampanan niya—kabilang na ang Ang Lalake Sa Buhay Ni Selya at Mga Pusang Gala—at wala namansiyang hang-ups sa sexuality niya para gawing isyu pa ito.

"Sinasabi kasing iba, baka ma-typecast na ako. Pero hindi pa rin naman," sabi ni Ricky."Takot din akong umabot doon. Baka hindi na ako makaganap ng straight guyroles, di ba? So far, okey pa naman.

"Katuwiran kokasi, okey na yung may ginagawa ako kesa wala. Role pa rin 'yan, e. As anactor, kahit sabihing gay 'yan, iba-iba pa rin ang challenge niyan. Ganoon langang attitude ko riyan kaya walang nagiging problema sa akin. Yun nga lang,kapag maselan ang eksena, kailangang ipaliwanag na mabuti sa akin kung ano anggagawin ko."

NON-STOP RUMORS. Madalas na nagiginglaman pa rin ng blind items sina Ricky at ng asawa nitong si Jackielou Blanco.Ayon sa blind item, sila raw ang mag-asawa na nagsasama na lang for the sake oftheir children, at ang totoong set-up ay hiwalay na rin naman sila.

"Hindi naminkailangan ni Jackie na magpaka-defensive sa bagay na 'yan dahil, ever since,walang katotohanan 'yan," diin ni Ricky. "Katulad din kami ng ibang mag-asawangnagkakaproblema, pero sinu-solve namin yun ng kami-kami na lang at hindi naumaabot pa sa ibang tao.

"If there arestill incessant rumors, hayaan na lang natin. Kasi kami naman ang nakakaalam ngtotoo. Magtatagal ba kaming magkasama kung ganoon ang set-up? Para ano pa?Nakakatawa naman yung mga interpretation na ganyan," napapailing na sabi ngaktor.

So far, sa mga anak niRicky, kahit daw magkahilig ang mga ito sa pag-arte o sa showbiz, hindi raw itobasta papasok sa showbiz.

"Mahirap kasidahil sa Poveda sila nag-aaral, mahigpit doon. Hindi sila puwedeng nakikita inpublic, at kilala sila bilang mga artista. Noon nga, okey pa ang pagtanggap ngcommercials. Ngayon, maski yun, hindi na puwede.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya mag-aralna muna sila. If the right time comes na pag-aartista talaga ang gusto nila atnasa dugo naman nila yun, they can go on with that. Pero sa ngayon, mukhangmalabo," saad ni Ricky.

HALL OF FAMER. Elevated na sa Hallof Fame si Ricky sa nakaraang Aliw Awards sa kategoryang Best Stage Actor. Isana naman itong achievement para sa mahusay na aktor.

"Una akongnanalo sa Bongbong at Kris, that was 1988. Nawala ng ten years ang Aliw. Whenit came back, nanalo uli ako for the stage play entitled Sawi, which waswritten by Wilfrido Ma. Guerrero. Then, I won again in Insiang.

"Because of that,na-elevate nga ako sa Hall of Fame. Siyempre, very happy ako. Kasi hindi namanlahat ng artista, nare-recognize ang acting sa theater. Pagdating sa teatro,sobrang passion at hard work talaga ang kailangan, kaya talagang ina-appreciateko nang husto ang recognition na ito sa Aliw," pagwawakas ni Ricky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN