"Lipgloss" star Mikee Lee balances studies and showbiz career

"Ako, my stand has always been studies arepriority," says Lipgloss actor Mikee Lee about balancing his studiesand his showbiz career.


Bihira sa teenage celebrities na mapagsabay angkanilang pag-aaral at showbiz career. Kadalasan pa, ang iba ay napipilitang ipagpaliban muna ang kanilangpag-aaral upang ipagpatuloy ang kanilang kagustuhang maging artista.

Ngunit iba sa karamihan ang dating Pinoy Big Brother teenhousemate na si Mikee Lee. Kasabay ngpag-aaral niya ng Management Engineering sa Ateneo de Manila University ay angpagganap niya bilang Maui sa weekly teen-oriented show na Lipgloss saTV5. Bukod pa rito, nagho-host din siyasa weekly inspirational and gospel music program na Soul Mix at sa isa pang show na Take5.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sabinata noong Miyerkules, November 12, sa second launching at grand Cristmas party ng TV5, sinabi ni Mikee na hindi naman daw naging sagabal ang trabaho niyasa kanyang pag-aaral. Sa katunayan, sanakalipas na unang semester ngayong taon ay hinirang siya bilang First Honor sakanilang batch.

"Actually, it's a common thing, e. You know, there's a stigma na kapag artista nag-aaral, ‘Wow!' na,"komento ni Mikee.

Dagdag niya, dapat magingnormal lamang sa mga katulad niya na pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista.

"Medyo feeling ko, yun yung mali, yun 'yongmali lang sa showbiz industry. Whensomeone studies, akala nila diyos na, ganun. Pero I think someone has to studyat his own time, you know, when he's a teenager. You know, that's a studying age, e. So, I think the real challenge for artists like us is not just tostudy but to do well in it, because that's what we have to do at this time we'regiven, e," ani Mikee.

Bilang halimbawa, ang payo ni Mikee sa mga kabataang artistana tulad niya, "Ako, my stand has always been studies are priority. AlthoughI really love my job in show business, talagang I'm blessed to have, you know,to have work despite all the the work load kasi my course is really demanding,e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP kung ano ang maspipiliin niya kapag nagtapos na siya ng pag-aaral—showbiz career o gamitin angnapag-aralan niya?

"Actually, that's something I have to think about po," tugonni Mikee. "Mapapaisip po talaga ako, kasitalagang ang daming opportunies kahit outside showbiz. Ine-explain nga sa ‘kin ng kuya ko, we weretalking last night, ‘Just do well in your study. End up being the best in yourcourse.'

"So, I'm really plugging it out in school right now and evenin the showbiz, kasi it's something I love, e. Parang medyo weird nga, e, I'mstudying for business but then, the other thing that I'm doing is kindof...they're pulling themselves apart. So, challenge, challenge siya. E, parehokong mahal, so I'm gonna have to decide after graduation what to do."

Dagdag pa niya, sa ngayon, ine-enjoy muna niya pareho angpag-aaral at pag-aartista.

"Right now, enjoywhat I have and talagang make the most out of each ano, kunyari sa showbiz, I'mgonna try my best to, you know, have more projects, to become a betterhost [and] actor. At the same time, in school, I'm gonna try to be the best player."

NO GAY BENEFACTOR. Kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon na linawin ang mgabali-balitang may gay benefactor ang binatang artista. Nagsimula ang isyung ito kay Mikee sa mga blind item na later on ay pinangalanan na siya.

"First time I've heard about it. Pero gay benefactor, wala!"nagulat na sagot ni Mikee.

Sabay nagbigay siya ng opinyon tungkol sa mga blind items natulad nito sa mga artistang binata tulad niya.

"I don't know, I guess it's normal for us, you know, teenagers, yungimage namin, nagpapaguwapo... Although I think naman yung parang issue naman na gaybenefactor, parang ang layo naman sa image ko no'n," aniya.

Imposible raw talaga na mangyari ang ganitong balita para sakanya. Gayundin, hindi rin niya umanokailangan ng "benefactor" para lang magtagal sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's a matter of principles, you know," sabi ni Mikee. "Parang some people do it because they believe that it's gonnabring them to a better social or financial status. Pero, you know, when you dothings for the right reason and when you just focus, you just won't have toworry about those things anymore and hindi na papasok yung mga ganung bagay.I'm surprised may ganyang intrigue ako."

Patuloy ni Mikee, pinaghihirapan naman niya kung ano manang mayroon siya ngayon sa showbiz. "I've been working hard. You know, the time when I joined PBB, Ididn't really expect I'd enter showbiz. I only liked showbiz after entering itna talaga. And when parang dun lang nabuhay ulit yung passion ko to perform."

Sa kabila ng mga intrigang tulad nito, natutunan na diumanong binata kung paano tanggapin ang mga tsismis.

"It's part of it daw, e. Although sometimes,from where I came from, parang nakakagulat din yung mga tanong."

Sa halos dalawang taon na niya sa showbiz, ayon kayMikee, pinapaalala na lamang niya sa sarili na kapag may mga intriga, "Bastaright now, I guess it's okay kasi some people in showbiz, you know, youraudience, you have a lot of people watching you. I guess talagang mapapaisip din sila ng kung anu-anong bagay. So,I guess, naiisip ko rin, siguro na nai-invalid din yung mga iniisip nila. But then you just have to, you know, youjust have to know who you are, what you do. In the end, everything will bealright."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN