Enchong Dee defends Leni Robredo from Bongbong Marcos's cheating allegation

Apr 28, 2016
<p>Enchong Dee reacts to Senator Bongbong Marcos's (rightmost) insinuation that CamSur Third District Rep. Leni Robredo (leftmost) manipulated the recently-released SWS pre-election survey for vice-presidential candidates.</p>

Inalmahan ni Enchong Dee ang balita kung saan pinatutsadahan ni Senator Bongbong Marcos ng pandaraya ang vice-presidential bet ng aktor na si Camarines Sur Third District Representative Leni Robredo.

Maiksi ngunit palaban ang pahayag ni Enchong, “Mr. Marcos please respect my VP which is a woman. #Leni is my VP.”

Kalakip nito ang screen grab ng ulat sa Manila Bulletin, kung saan inalmahan ni Leni ang pagkuwestiyon ni Bongbong sa huling SWS pre-election survey para sa vice-presidential candidates.

Sabi ni Leni, “Ang pagtawag sa atin na mandaraya ay pambabastos sa lahat ng mga tumutulong at nagtitiwala sa atin.

“Now that I am number one, our rivals and their supporters are now hurling all kinds of propaganda against me.”

Narito ang isang bahagi ng pahayag ni Bongbong: “We are quite surprised by the new survey because all other surveys show otherwise. I hope this is not a pattern for cheating.”

Continue reading below ↓

Base sa huling SWS survey, makikitang stastically tied sina Leni at Bongbong.

Nakakuha ng 26 percent votes si Leni habang si Bongbong ay may 25 percent votes sa SWS survey na isinagawa mula April 18 hanggang April 20.

Sinagutan ito ng 4,000 respondents at may margin of error na ±2.

Samantala, noong Marso pormal na inendorso ni Enchong si Robredo bilang kanyang vice-presidential bet.

Ito ay sa kadahilanang subok na raw ang galing sa pamumuno at malasakit sa tao ni Robredo, base sa serbisyo nito sa lalawigan ng Naga, kung saan ipinanganak at lumaki ang aktor.

Read: Enchong Dee endorses VP candidate Leni Robredo for free

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Enchong Dee reacts to Senator Bongbong Marcos's (rightmost) insinuation that CamSur Third District Rep. Leni Robredo (leftmost) manipulated the recently-released SWS pre-election survey for vice-presidential candidates.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results