Jay-R Siaboc thanks Kris Aquino for revealing his relationship with Irish Fullerton

"Parang blessing in disguise that we told thetruth publicly nang magaan ang loob ko. Pakiramdam ko nga noon, malaki angpasasalamat ko dahil kundi pa kami ibinuking ni Kris Aquino, baka ngayon,nagtatago pa rin kaming dalawa," says Jay-R Siaboc.


Wala nang itinatagosina Jay-R Siaboc at ang girlfriend niyang si Irish Fullerton. Matagal din kasing itinago ng dalawang dating scholars ng Pinoy Dream Academy (PDA)ang kanilang relasyon hanggang sa magdesisyon nga silang lumantad na.

Nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Jay-R at idinetalye niya ang ilang bagayna may kinalaman sa kanilang relasyon nila ni Irish.

Mahal na mahal dawniya si Irish, ito raw talaga ang nag-iisang babae sa buhay niya sa ngayon. SiIrish din daw ang dahilan ngayon ng lahat ng mga pagpupursigi niya sa kanyangcareer bilang singer at aktor.

"She is the sourceof my inspiration, siya ang natatangi sa puso ko at lahat ng mga pangarap nagusto ko pang tuparin ay sa kanya ko iniaalay," saad ni Jay-R.

Matagal din dawsilang naghirap ni Irish. Yun bang matindi ang kanilang pinagdaanan dahil bawalpang isiwalat noon ang tungkol sa katotohanan ng kanilang relasyon.

"Mahina ako sa math,hindi ko na makuwenta kung gaano na kami katagal," biro ng singer-actor. "Angimportante, in all the years na kami, nagsalo kami sa hirap at kaligayahandahil nga medyo mahirap yung pinagdaanan naming dalawa.

"Mahal na mahal naminang isa't isa, pero hindi kami puwedeng lumantad. Ako naman kasi, naiintindihanko noon na maraming plans sa amin ang management ko, so okey lang talaga nanagtatago kami. But you know, it's not easy. Nali-link ako sa iba, pero siyatalaga ang love ko. Siya naman, nililigawan nang hayagan ng iba pero wala akongmagawa," lahad ni Jay-R.

THANKS TO KRIS. Mayhalong pagpapasalamat si Jay-R sa pambubuking sa kanila ni Kris Aquino sa isangepisode ng ABS-CBN morning show na Boy & Kris, kung saan pareho raw silang nag-guest ni Irish. Thattime daw, alam naman ni Kris ang katotohanan sa kanilang relasyon, so Krisbeing the "tactless host," sinabi nito ang totoo on air.

"Actually, I likedwhat happened," sabi ni Jay-R. "Parang blessing in disguise that we told thetruth publicly nang magaan ang loob ko. Pakiramdam ko nga noon, malaki angpasasalamat ko dahil kundi pa kami ibinuking ni Kris Aquino, baka ngayon,nagtatago pa rin kaming dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero inaamin niJay-R na talagang open secret naman ang relasyon nila ni Irish. Yun ngangmarami ang nakaaalam sa mga taong nakapaligid, pero hindi nga nila maaminpublicly ang lahat. At noong ibinuking na sila ni Kris, naging magaan na anglahat.

"Kami kasi,particularly ako, I was consulting my friends, my management, kung ano anggagawin namin ni Irish. Tingin ko naman, that time, okey lang na lumantad nakami at yun na, si Kris Aquino ang naging dahilan."

Kung totoo mangmahirap ang pinagdaanan nila ni Irish sa panahong nakatago silang dalawa salihim nilang pagmamahalan, may magandang sukli naman daw yun sa buhay ni Jay-R. Yundin kasi ang panahong malaki ang suporta sa kanya ng ABS-CBN.

From a mere contestrunner-up ng PDA, ginawa nilang taga-mainstream showbiz si Jay-R bilang isa samga principal actors ng naturang network. Hindi naman talaga biro yungpagbibigay nila ng malaking break sa kanya.

JAY-R ANSWERS ISSUES. Sinagot din ni Jay-Rang ilan pang mga intriga na ikinabit sa kanya sa simula pa lang ng pagsabakniya sa mainstream.

Nandiyan angakusahan siyang kabit ng isang maimpluwensiyang bading sa showbiz. Na kabilangdaw siya sa mga lalaking tinatakan ng sinasabing maimpluwensyang bading. Dahildin daw sa sobrang pagmamahal niya kay Irish Fullerton, nagawa niyang talikuranang sarili niyang pamilya sa Cebu.

Although medyo may pakiusap si Jay-R na huwag nangpag-usapan yung ilang intriga sa kanya, still, game pa rin siyang sumagot samga tanong ng PEP.

"Sanay na po ako saintriga," sabi ni Jay-R. "Inaamin ko naming lahat ng mga intrigang ikinabit saakin, talagang nagdusa ako. But I learned to ward off nang unti-unti. Sabi ko,kung sasagutin kong isa-isa ang mga sinasabi nila laban sa akin, baka lalo langnila akong idiin.

"Ako naman kasitalaga, sensitive sa ganyan, madaling maapektuhan. But I also learned how toignore, hindi ko na lang talaga pinapansin. Nalamlapasan ko naman. Una, hindinaman talaga totoo kaya walang dahilan para idepensa ko ang aking sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko naman, fromthe start, merong ilang taong galit sa akin, for reasons I could notunderstand. Hindi ko talaga alam kung bakit sinisiraan nila ako. Pati pamilyako nadamay pa sa mga walang kuwentang intriga na talaga naming hindi totoo," pahayag niya.

Ano ang masasabiniya sa analysis ng ilan na siya ay nalaos na dahil nga masyado siyangnag-focus sa relasyon niya kay Irish, na umabot pa raw sa paglili-live in nilangdalawa?

"Hindi po kaminagli-live in ni Irish," diin ni Jay-R. "While we are intensely in love witheach other, pareho kaming may priority ngayon. We both want to pursue ourcareers. Minsan lang kasi dumating ang pagkakataong ganito kaya gusto namingsamantalahin.

"Laos na raw ako,parang hindi ko naman nararamdaman!" nakangiting sabi ni Jay-R. "Hanggang ngayon kasi, nandiyan ang suporta ngABS-CBN sa akin. Wala pa akong ginagawa ngayon, pero ang alam ko, malapit nanaming simulan yung Sanlakas. Ito yung action series na pagsasama-samahin anglahat ng mga character ng superheroes sa ABS-CBN, at yung karakter kong KapitanBoom ang magiging leader nila. With that, puwede bang sabihing nalaos na ako?

"Ang maganda talaga,nakapagpahinga ako, nawala ang stress sa lovelife at trabaho, I feelrejuvenated. I am ready for bigger things now. And most of all, I am inspired tobounce back. Ready na talaga ako formore things to come my way."

Sila na ba ni Irishang pakakasal sa pagdating ng takdang panahon?

"We both hope for that, nagmamahalan kami, at maymga plano kami talaga that would certainly lead to marriage. But the time isnot yet now. Like I said, we set our priority at hindi pa po kasama angpagpapakasal sa mga plano namin niIrish sa ngayon," pagtatapos ni Jay-R.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN