Snooky Serna defends mom Mila Ocampo against malicious rumors

"Napapa-look na lang ako sa sky sa tsismis sa mommy ko. Walang katotohanantalaga at all. I can tell everyone straight in the eyes, wala pong katotohananna nagpa-rehab po ang aking mommy. Kung meron mang isang tao na against naagainst sa illegal drugs, it's my mom," says Snooky Serna.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktresna si Snooky Serna kagabi, November 14, nangmag-guest siya sa Celebrity Night: All Star Cast, fundraising project ngPhilippine Movie Press Club (PMPC). Ginanap ang fundraising project ng grupo ngentertainment press sa Metro Bar, West Avenue, Quezon City.

Kinumusta namin kay Snooky ang kanyang inang si Mila Ocampo,na na-confine sa Makati Medical Center.

"Si Mommy, thank God she's okay now after three weeks ofobservation sa hospital. Gusto ko nga palang magpasalamat sa lahat ng staff, salahat ng mga doctors na tumingin sa mommy ko. Talagang they really did agreat job for taking good care of my mom.

"So far so good, I'm so thankful that she's on the peak ofhealth now. Talagang okey na okey na ngayon si Mommy, wala nang problema sa kanya," lahad ni Snooky.

Ano ba ang naging sakit ng kanyang ina?

"Actually, nag-umpisa ‘yan nang madulas siya sa banyo," kuwento ng dating child star. "What happened was, nung sumakit masyado ang likod niya,kasi ang tumama yung lower back niya, nahirapan siyang huminga tuloy. Kumbaga,parang nagkasunud-sunod na yung reaction, nag-chain reaction.

"Nung sumakit yung muscles niya, nahirapan siyang huminga,sinumpong siya ng COPD [Chronic Obstructive Pulmonary Disease] niya, orotherwise known as yung emphysema. Tapos nung nag-emphysema siya,nagkaroon siya ng konting problema sa heart. But now, everything's okay, thankGod!"

Pero may mga nagsasabi na sa isang rehabilitationcenter diumano dinala ang mommy ni Snooky, at hindi sa hospital. Na-hook daw kasi ito saipinagbabawal na gamot. Ano ang masasabi ni Snooky rito?

"No, hindi totoo yun! Walang ganoon!" mariing tanggi niSnooky.

"Alam ninyo," sabi niya, "natatawa na lang ako.Napapa-look na lang ako sa sky sa tsismis sa mommy ko. Walang katotohanantalaga at all. I can tell everyone straight in the eyes, wala pong katotohananna nagpa-rehab po ang aking mommy. Kung meron mang isang tao na against naagainst sa illegal drugs, it's my mom."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa balitang na-rehab si Mila, may mga nagsasabing"sugarol" na nga ang ina ni Snooky ay "addict" pa. Hindi pa rin kasi matapos-tapos ang tsismis na laman pa rin ng casino si Mila at inuubos daw nito ang pera ni Snooky.

"Dyusko naman, maawa naman po kayo sa mommy ko. Dun saibang mga nagre-react...hindi ko naman nilalahat. She's already 68. Kumbaga,golden years niya na ngayon, marami na rin siyang napagdaanan na intriga, sakitng ulo sa pagma-manage sa akin nung araw. Sana ibigay na natin, huwag na natingdagdagan yung mga dilemma na nararamdaman niya sa katawan ngayon.

"Before, aminado naman ang mom ko na nagsusugal siya.But now, I'm really so thankful and proud of my mom that she has strongwill to be able to stop it noong na-realize niya na naapektuhan ang buhaynamin," pahayag ni Snooky.

HER EX-HUSBAND IS A GOOD CATCH. Balita rin na hanggang ngayon ay mahal pa rin daw ni Snookyang dati niyang mister na si Ricardo Cepeda kaya naghahabol ang aktresdito. Gumagawa rin daw ng paraan si Snooky para magkabalikan sila niRicardo.

"Hindi na kasi, as a matter of fact, he's very, veryhappy now with Annie," sabi ni Snooky. "He has someone already. Thoughwe haven't met in person, but I heard a lot of good things about herfrom Richard. And I know that sometimes my children, si Annie [Richard's girlfriend] and Richardthey bond together, okey lang sa akin.

"You know, kasi dumating na ako sa point na parangeverything is cool na, parang nagkaroon na rin ako ng acceptance of things.That there are things talaga that are not meant to be, like ourmarriage. And we're better off as friends. I'm sure Richard would notmind if I say that mas naging close pa nga kami bilang magkaibigan ngayon kesanung mag-asawa pa kami. And I like it better this way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And our children," patuloy niya, "happy naman sila dun sa relationshipng dad nila. Happy in the sense that mabait naman si Annie sa kanila. So Idon't see any problems. Richard deserves to be happy too. I alsolooked for happiness before. Unfortunately, it was not the rightmarriage.

"Ganoon naman talaga, that's life, you know. I justlearn to accept things as they come, tutal wala rin naman akong puwedengsisihin kundi ang sarili ko. Because ultimately, you make your ownchoice," ani Snooky.

Wala ba siyang any regrets kay Ricardo?

"Ako, I have no regets having been married to RicardoCepeda. Kasi Richard naman basically is a good person. Ihave to be honest in saying that he's a good catch, kahitpa sabihin nating hindi kami nagkatuluyan. It just so happened that hindilang kami ang para sa isa't isa. But it doesn't mean to say that he is abad person. Somebody like Annie, honestly I would say she's veryfortunate to have Richard as part of her life."

Kung may special someone na si Ricardo, ganundin naman siSnooky. Buong pagmamalaki niyang sinabi sa PEP na in love ulit siya ngayon.

"I really have a special person in my life," pag-aminniya. "And I'm really so thankful that I've finally found the man of my dreams.He's such a wonderful person kasi inside and out."

Pero ayaw banggitin ni Snooky ang pangalan nglalaking nagpapatibok ng kanyang puso ngayon.

"Sana kung puwede, if you don't mind, huwag na lang.Kasi parang this time, I want to try to make my private life private. Nooffense meant," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN