Dingdong Dantes avoids all questions about breakup with Karylle

"Pag ang puso ang nagmahal, hindi ibig sabihinmay hinahanap kang kapalit. Ang pagmamahal mo sa kanya, hindi mawawala ‘yan.Maaaring nag-iba ng posisyon sa puso, pero hinding-hindi mawawala ‘yan," says Dingdong Dantes.



Nag-enjoy nang hustosi Dingdong Dantes sa fund-raising show ng Philippine Movie Press Club (PMPC) naCelebrity Night: All Star Cast, naginanap sa Metro Bar, West Avenue, Quezon City kagabi, November 14. Naaliw rinnaman ang mga fans na nag-abang sa aktor, lalo na nang umawit ito ng medley ngmga kanta ng Eraserheads.

Panay ang sabi niDingdong na gustung-gusto niyang kumanta, kaya naman para siyang maymini-concert kagabi. Nang kausapin na siya ni Aaron Domingo, ang host ng show, matapos ang kanyang performance, tila ayaw pa niyang mapag-usapan ang anumang project. Paulit-ulit na sinasabi ni Dingdong na gusto niya lang kumanta noong mga oras na ‘yon dahil hindi niya raw madalas na gawin ‘yon.

Halata ringiniiwasan ng isa sa prized talents ng GMA Network na mabanggit ang titulo ngmovie nila ni Marian Rivera na One True Love. Tila anticipated niya nangmay karugtong na katanungan kung babanggitin niya ito.

At ‘yon nga angnangyari. May nagtanong sa audience kung sino ang 'one true love' ni Dingdong.Pero ang mabilis na sagot ng aktor ay ang lola niya.

"I DON'T WANT TO TALK." Bago umakyat sastage si Dingdong, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine EntertainmentPortal) na kausapin siya. Consistent pa rin ang aktor na umiiwas mapag-usapanang tungkol sa breakup ng dating kasintahan na si Karylle.

"Actually, I reallydon't want to talk about it right now. Kasi, hindi siya madaling bagay para saakin," agad niyang pahayag.

Paano siya ngayonnagko-cope knowing na may nabago sa buhay niya?

"I just live life, Iknow it's not easy. Pero gano'n," maikli niyang tugon.

Ano ba ang nami-missniya sa dating nobya?

"Ayoko nangmapag-usapan, kasi ‘pag binuksan natin talagang...," pag-iwas ng aktor.

Itinatago niya parin ba yung mga bagay na ibinigay sa kanya ni Karylle?

"Yung mga bagay naimportante sa aming dalawa, e, hindi naman dapat itinatapon yun."

Importante pa rin basi Karylle sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Always. Always.Always..." ang paulit-ulit niyang sagot.

May kapalit na ba siKarylle sa puso niya?

"Wala," aniDingdong. "Wala, kasi alam mo, pag ang puso ang nagmahal, hindi ibig sabihinmay hinahanap kang kapalit. Ang pagmamahal mo sa kanya, hindi mawawala ‘yan.Maaaring nag-iba ng posisyon sa puso, pero hinding-hindi mawawala ‘yan."

Nasa puso pa rin baniya si Karylle?

Tumango lang siDingdong.

Posible kayangmagkabalikan pa sila?

"Ipapasa-Diyos ko nalang lahat," maikli niyang tugon.

"IT'S NOT TRUE." May mga nagsasabingsi Marian Rivera raw talaga ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Karylle?

"Hindi, e," tanggini Dingdong. "I can say that it's really not true."

Wala talagang thirdparty involved?

Umiling lang siDingdong.

Napag-uusapan banila ni Marian ang isyung ikinakabit sa kanila ngayon?

"Actually, we don't[talk] about it, e. Minsan lang," tugon ng aktor.

Patuloy niya, "The thingis, hindi naman talaga kailangang pag-usapan nang husto. There's really nothingto talk about. Alam naman namin kung saan kami lulugar. At alam naman namin naang lahat ng ispekulasyon na ito ay hindi totoo. One statement is enough, andyun na yun."

Apektado rin ba siyana si Marian ang nadidiin sa breakup nila ni Karylle?

"Hindi mo masisisiang mga ispekulasyon, kaya nga nagsalita ako, kaya nga ginawa ko ang nararapat.And I hope that it will end that."

KARYLLE'S TRANSFER. Lilipat na siKarylle sa ABS-CBN. Ano ang reaksiyon niya sa desisyong ito ng ex-girlfriend?

"Ako, kasi I believethat she's really an asset of the network, of GMA. Nakakalungkot to know thatshe will transfer because she will always have that special part in the networkthat can never be filled by anybody else," tugon ni Dingdong.

Isa raw siya sadahilan ng pag-alis ni Karylle sa Kapuso network?

"Hindi koiniisip...ayokong isipin na gano'n, and I don't believe that."

Ano ang masasabi ni Dingdongna hindi raw prinotektahan ng Kapuso network ang kapakanan ng ex-girlfriend nang lumabas ang balitang break na sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I believe that thenetwork will always be fair, especially when it comes to personal things likethat. They are also human beings, so they will always be fair," paliwanag niDingdong.

Nagkita na ba silani Karylle sa SOP?

"Hindi pa kaminagkasama sa SOP," ani Dingdong.

Happy ba siya nalilipat si Karylle sa Dos?

"Parang hindi,"sagot ni Dingdong. "But, kung saan siya mas liligaya, kung saan manmama-maximize ang kanyang talento, ang kanyang kagalingan, e, susuportahan kosiya."

Bakit parang ayawniyang umalis ang dating nobya sa GMA-7?

"I believe she has aspecial part in the network, kaya sabi ko, that will never be replaced byanyone. And I always believe in her talent. And I am very proud of her," diinni Dingdong.

Kung ang network ayhindi mapapalitan ang tulad ni Karylle, mapapalitan ba ito sa puso niya?

"Right now, it's stilla very difficult thing. I really don't wanna speak. And I hope you understand,"saad ni Dingdong.

MOVING ON. Naka-move on na basiya?

"It's hard to say.Actually, I don't know."

Paano na angbusiness nila ni Karylle?

"It's still goingstrong."

Hati pa ba kayoroon?

"Yes."

Ano ang masasabiniya na ikinukumpara ng mga tao ang breakup nila ni Karylle sa breakup nila niAntoinette Taus noon?

"That's unfair,"agad na sagot ni Dingdong. "We have different chapters, different experienceswith people. Kung anuman ang pinagdaanan ko dati 'saka ngayon, e, iba...iba siya.Kaya sana po, e, ‘wag nilang sabihin yung gano'n."

Saan siya masnasaktan na breakup?

"Siyempre, what'simportant is now. Sa ngayon, e, ito ang nangyari," aniya.

Nagkausap na ba silani Karylle?

"Regular pa rinnaman ang communication namin, and it's okay."

Meron ba siyangmensaheng gustong iparating kay Karylle?

"What I always sayis, kung anuman ang gusto kong sabihin sa kanya, direkta kong sasabihin sakanya. Kung meron siyang kailangang malaman, tatawagan ko siya. And I'd like tokeep it that way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkausap na ba silang ina ni Karylle na si ZsaZsa Padilla?

"Hindi pa kaminagkausap. I will talk to her, but personally. Alam kong busy pa siya sa ngayon."

Hindi ba siyananghihinayang dahil nawala rin ang matagal nilang iningatang relasyon niKarylle?

"I don't wanna go into detail anymore, e. Okayna po sa akin ‘yon. Sana po naintindihan n'yo," pag-iwas ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN