PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis easily shifts from villain role to hosting family shows

Paolo admits his busy sked keeps him away from girlfriend Isabel Oli most of the time.
by Rose Garcia
Published Nov 16, 2008
"Actually, ang weird, di ba? Kontrabida ka na pumapatay, tapos host ka ng pambatang show. E, siguro, nakita naman nila na kayang i-pull off. Nagulat siguro sila sa response ng World Records. Nag-taping na kami ng bagong game show at mahirap. Iba ang mag-host ng game show, at iba ang mag-host ng show lang," says actor-host Paolo Contis.

Bagamat comedy film ang Scaregivers ng APT Entertainment ay hindi magpapatawa rito ang aktor na si Paolo Contis.

"Actually, yung characters namin ni Iza Calzado, flashback kasi. Pero part pa rin kami ng present. Ako kasi, I died," kuwento ni Paolo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Scaregivers kagabi, November 15, sa Imperial Palace Suites.

Masaya si Paolo dahil among the actors today, hindi siya nawawalan ng projects, sa TV man o pelikula. Bukod sa Scaregivers, katatapos lang niyang mapanood sa Codename: Asero at siya rin ang host ng magtatapos na ring World Records.

"Although ngayon," ani Paolo, "medyo relax, kasi kakatapos lang namin ng Asero. Pero next week, magsisimula ulit ako ng bago kong show."

SUPPORT TO JOSE & WALLY. Sa Scaregivers, first time daw ni Paolo na gumawa ng pelikula para sa sa APT Entertainment. Masaya rin siya being support to the comic duo of Jose Manalo and Wally Bayola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Noong in-offer sa akin, bakit naman hindi ko tatanggapin? Unang-una, piling-pili ang mga pinili nilang artista. At saka mga kaibigan ko naman sina Wally at Jose, so bakit hindi ko naman sila susuportahan?" saad ni Paolo.

Ano ang nakita niyang kaibahan ng dalawa as comedian off-cam?

"Mas seryoso si Wally," sabi ni Paolo. "Si Jose, wala lang...loko-loko lang. Pero before the scene, seryoso sila, nakikinig. Pinag-aaralan nila kung ano ang gagawin nila."

GAME-SHOW HOST. Isang buwan na lang daw ang hinu-host na programa ni Paolo, ang World Records. Pero babalik muli ito sa March 2009 for another season.

Pero ayon kay Paolo, may kapalit na raw ito agad. He will be the host of a new game show na papalit sa Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok, ang My Dad Is Better Than Your Dad.

Bukod pa rito, kasama rin si Paolo sa susunod na soap opera nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, bilang ka-love triangle ng dalawa. At present, he's also in Bubble Gang as celebrity guest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masasabi ba ni Paolo ba magmula nang lumipat siya ng GMA-7 mula sa ABS-CBN, kung saan siya nagsimula bilang child star, na-maximize ng husto ang talents niya sa iba't ibang aspeto?

"Oo!" mabilis niyang sagot, "Actually, ang weird, di ba? Kontrabida ka na pumapatay, tapos host ka ng pambatang show. E, siguro, nakita naman nila na kayang i-pull off. Nagulat siguro sila sa response ng World Records. Nag-taping na kami ng bagong game show at mahirap. Iba ang mag-host ng game show, at iba ang mag-host ng show lang."

NO TIME FOR ISABEL. May time pa ba sila para sa isa't isa ng girlfriend niyang si Isabel Oli?

"Actually, medyo wala ngayon. Sa trabaho ko naman kasi, I keep my Sunday open. For sure yun, magkasama kami ng Sunday. Ang work niya ngayon, MWF. Ako naman, TThS, so wala talaga. Halos most of the weeks, hindi talaga kami nagkikita," lahad ni Paolo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi ba naaapektuhan ang relasyon nila?

"Okey lang," sambit niya. "Hindi naman kami yung hindi nagkikita kasi ayaw lang namin. May work, di ba?"

Ngayong araw na ito, November 16, ay dumating ang kalahati ng pamilya ni Isabel mula sa Singapore. Sa December naman daw darating yung other half pa.

"Well, so far, hindi pa kami nagpaplano kung saan kami magpupunta, magpapasyal. Hindi pa naman kasi sila kumpletong lahat, so siguro kapag nandito na ngang lahat, dun na kami magpaplano," sabi ni Paolo.

PAOLO'S HOT BODY. Simula nang magpaganda ng katawan si Paolo, he makes it a point na i-maintain na raw ito. Pero hindi raw siya yung tipong nagre-resort sa paggamit ng steroids upang mapaganda ang kanyang katawan.

"Hindi, e. Hindi puwede sa akin yun," sabi ni Paolo. "Kung puwede lang... Mahina ang katawan ko, e. So, more on buhat, proper diet. Pero yun nga, kahit araw-araw ang taping ko, I always make it a point na 10 a.m. palagi ang call time para makabuhat ako sa umaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kapag super late naman ako umuwi, pipilitin ko na kahit hindi ako makapagbuhat, kahit makatakbo lang. Kailangan, e. Araw-araw kong ginagawa yun sa may Edsa Shangri-La Hotel."

After ng Cosmopolitan bachelor bash, marami na raw ang nag-o-offer kay Paolo to do sexy films, especially sa mga indie movies. Pero so far, namimili pa raw siya.

"Depende, lahat naman ‘yan kapag kailangan, puwedeng gawin. Basta hindi lang pilit, di ba? Hindi yung para makapagpakita lang. Hindi naman natin gagawin yun."

What about an art film na may frontal nudity?

"Depende," sabi niya. "Kasi ang art dito, masabing maghubad lang. Maghubad ka, art na. Pero kaya kong gawin, pero depende. Hindi ko naman masasabing oo, tapos hindi ko naman pala gagawin."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Actually, ang weird, di ba? Kontrabida ka na pumapatay, tapos host ka ng pambatang show. E, siguro, nakita naman nila na kayang i-pull off. Nagulat siguro sila sa response ng World Records. Nag-taping na kami ng bagong game show at mahirap. Iba ang mag-host ng game show, at iba ang mag-host ng show lang," says actor-host Paolo Contis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results