Sheryn Regis talks about her new album, family, and career

"Actually, na-challengedin ako kasi ang dami-dami rin nating mga baguhan, di ba? Tapos sobrang galingdin nila. Pero nananalig pa rin ako sa Diyos na may mga tao pa ring patuloyna sumusuporta sa akin, katulad n'yong mga press. Salamat talaga," says Sheryn Regis about still being in the game after all these years.



Tuwang-tuwa si Sheryn Regis dahil sa mainit na pagtanggap ngmga tao sa kanyang performance nang i-launch niya ang kanyang fourthalbum na Starting Over Again under Star Records sa Eastwood City Central Parkkagabi, November 15.

Nasaksihan ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) ang naturang album launch cum concert ni Sheryn. Talaga namangpinalakpakan nang husto ng mga manonood si Sheryn, lalo na nang pagbigyan niyaang requested songs ng mga tao na "Through the Fire" at "Go The Distance," kungsaan may naka-duet pa siya mula sa audience.

Siyempre, hindi rin mawawala sa repertoire niya ang mgasongs from the new album gaya ng carrier single na "Starting Over Again," "ItMust Have Been Love," "Always," "Where Do Broken Hearts Go," at ang originalcomposition ni Sheryn na "My Heart Beats For You."

Patok din sa mga manonood ang songs mula sa pelikulangDreamgirls nina Beyonce Knowles at Jennifer Hudson, na talagang minani niSheryn: "One Night Only," "I Am Changing" at "Listen."

Well-applauded dinang kanyang medley at finale na kinabibilangan ng kanyang mga signature songs: "Come In Out of the Rain," "Maybe," "Try It On My Own," at "When You Tell MeThat You Love Me."

After the concert ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP nama-interview si Sheryn. Unang tanong ng PEP sa kanya ay, bakit Starting OverAgain ang title ng album?

"Starting Over Again kasi yun ang carrier single ko. It'soriginally from Natalie Cole, tapos ni-revive ko. Gusto lang namin yung StartingOver Again kasi yung packaging ng album, iba," paliwanag niya.

Dagdag paliwanag pa ni Nixon Sy ng Star Records, "StartingOver Again ang title ng album kasi tipong ito yung tunog ni Sheryn noongnagsisimula siya. Parang back to basic. Although, mas toned down yungarrangement ng songs. Kumbaga, parang mas sweet ang dating. Binantayan dinnamin ang pictorial ni Sheryn for the album at makikita n'yo ibang Sheryn angnasa pictures."

"Oo nga, di ba, ang ganda-ganda ko? Parang tumangkad ako sapictures man lang!" sabi pa ni Sheryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Conscious effort ba na i-tone down yung karamihan ng mgakanta, na hindi masyadong bumibirit, kung saan siya nakilala?

"Yes, para maiba naman," sagot ni Sheryn. "At the same time,galing din ako diyan, yung hindi masyadong bumibirit."

Para kanino ba dedicated ang Starting Over Again?

"Para sa akin. Kasi parang nag-start na naman ako. I've gota lot of challenges in my life as of now. Kasi yung pagdating nga ng mga newsingers."

FACING COMPETITION. Pero kahit nga marami na ang dumating nabagong singers ay narito pa rin siya. Ano ang feeling niya?

"Sobrang happy ako," sambit niya. "Actually, na-challengedin ako kasi ang dami-dami rin nating mga baguhan, di ba? Tapos sobrang galingdin nila. Pero nananalig pa rin ako sa Diyos na may mga tao pa ring patuloyna sumusuporta sa akin, katulad n'yong mga press. Salamat talaga."

So, nararamdaman niya talaga yung competition?

"Actually, nararamdaman ko talaga na, ‘Oh my God, may mgaganyan.' I'm so hypocrite naman kung sasabihin ko na okay lang ako. Hindi,kumpitensiya talaga ito."

May kaba rin ba siya?

"May kaba, pero nananalig pa rin ako sa Diyos and I'm sohappy pa rin na may mga sumusuporta pa rin sa akin. At saka may ise-share namantalaga akong boses. At saka yung Star Records, they always believe in mytalent."

Sino ang itinuturing niyang greatest competition niya as asinger right now?

"Of course, nandiyan si Charice [Pempengco], nandiyan siSarah [Geronimo]. Pero ang sa akin lang, hindi naman sila kumpitensiya, e.Actually, sila yung parang nagpu-push sa akin na I have to move, I have to bethere always. Kasi nandiyan sila, kailangan nandito rin ako."

Hindi maikakailang malakas siya sa mga probinsiya at magingsa abroad, lalo na sa mga TFC subscribers, dahil madalas siyang i-request namag-show para sa kanila.

"Oo nga, e, and I'm so thankful," sabi ni Sheryn. "Ewan kokung bakit. Siguro nagustuhan talaga nila ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, anong meron ang isang Sheryn Regis para maging paboritosa probinsiya at abroad?

"Kasi kapag nagpe-perform ako, ayoko na nagpe-perform langna parang akin lang yung repertoire. Ang ibinibigay ko sa mga tao, yung mgakantang gusto nila. I ask them what do they want. Para I will know what I canshare and how I can share it to them."

May balitang magre-release raw siya ng album sa Asia. Gaanoito katotoo?

"Actually, may ire-release sa Asia particularly saIndonesia, compilation album ng mga songs ko, kasama na yung ibang songs dito sabagong album ko."

Ano ang pinaka-close sa puso niya sa mga songs included sanew album?

"Yung composed ko na ‘My Heart Beats For You.' Yung time nayun, it was raining that time when I composed this song. Na-feel ko that timena in love na in love talaga ako. Parang bumalik sa akin yung time na in love nain love talaga ako, siyempre sa asawa ko."

ON HUSBAND AND SPLIT RUMOR. May lumabas na balitang naghiwalay raw sila ng asawa niya na si Earl Echiverri. Gaano ito katotoo?

"No, hindi ‘yan totoo," tanggi niya. "Si Tito Earl [tawag niSheryn sa asawa niya] talaga very private ‘yan na tao. Hindi ‘yannakikihalubilo masyado kasi nahihiya. Pero hindi ko alam kung bakit may lumabasna intriga na naghiwalay na kami.

"Actually, magkasama kami nung gawin namin yung ‘My HeartBeats For You.' Siya yung naggawa ng arrangement. Yung melody, sa aming dalawa.Sabi nga niya, ‘Napaka-cute naman ng song na ito.' Kaya ginawa namin. Angsweet-sweet nga namin, paano kami maghihiwalay?" paliwanag ni Sheryn.

Bakit hanggang ngayon, "Tito Earl" ang tawag niya sa kanyangasawa?

"Hindi kasi ako sanay, e. Pero tinatawag naman niya ako ng‘Love,' kasi hindi naman puwede mag-‘Tita' daw siya sa akin. Minsan kapag kamilang ‘Love' ang tawagan namin. Pero kapag nasa labas na, more on ‘TitoEarl' lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasanay kasi si Sheryn sa pagtawag ng "Tito" kay Earl bagopa man sila maging mag-asawa. Si Earl kasi ang music at voice trainor niya. Andsince malaki ang agwat ng edad nila sa isa't isa, kaya Tito Earl ang tawag niyarito. Hanggang ngayong mag-asawa na nga sila ay ganun pa rin ang tawag niyarito.

Sa tingin niya, adavantage o disadvantage sa kanya yunghindi siya masyadong naiintriga?

"Para sa akin, advantage siya," sagot ni Sheryn. "Ako kasiyung tao na ayoko rin ng intriga. May pribadong buhay din naman ako. Pero ayokolang nung mga intrigang pangit na pangit. Yung intriga rin naman kasi hindi morin maa-avoid kasi part ng showbiz iyan. You cannot please everyone, ganun."

May iniyakan na ba siyang intriga before?

"Yun nga yung time na sinabi nilang yung anak ko abnormaldaw. Sabi tuloy ng anak ko, ‘Mommy, bakit ako abnormal?' Kasi nabasa namin yunsa isang tabloid. Pero hindi ako nagalit noon. Inisip ko kasi hindi nila akokilala. Kapag kasi hindi ka kilala ng tao, hindi nagsasabi ng totoo ‘yan,"lahad ng singer.

ON DAUGHTER SWEETY. Speaking of anak, wala na ba siyangbalak sundan ang anak niyang si Sweety since five years old na ito?

"As of now, hindi na muna," sabi ni Sheryn. "Choice kotalaga. Choice din namin ng asawa ko. Actually, gusto ng anak ko. Pero gusto komuna isa lang, mas enjoy, e."

Buti't hindi nangungulit ng baby brother or baby sistersi Sweety?

"Ang totoo, naghahanap talaga ng kapatid. Sabi niya, ‘Mommy,I want a baby boy, baby girl.' Ang sinasabi ko na lang sa kanya, ‘Hindi puwedeanak, mahal ang bigas.' Joke!" sabay tawa nang malakas ni Sheryn.

Dagdag niya, "Iniisip ko kasi bigyan ko muna ng magandangbuhay ang anak ko. Baka kasi pag nag-college na siya, hindi ko na kayanin, diba?"

Pero magkatabi pa rin ba sila sa kama ng asawa niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman!" may diin na sabi ni Sheryn.

So, kung sakaling may mabuong baby, anong mapi-feel niya?

"Hindi ko talaga masasabing may biglang susulpot na baby.Kontrolado talaga. Nasa will mo naman talaga ‘yon, e. If you want talaga ngisang baby lang, kaya naman. Actually, naniniwala naman ako sa kasabihan na ababy is a blessing, pero iniisp ko rin kasi yung future ng anak ko, future korin, at the same time."

So, nakikitaan mo na ba na puwedeng magmana sa iyo siSweety?

"Ay, kumakanta na rin at gustong mag-artista!" tawa niSheryn. "Umiyak nga ‘yan minsan kasi sabi niya, ‘Why don't you want me to singon stage?' Bumibirit na rin siya. Mahilig siya sa mga Broadway songs. Kinakantaniya rin ngayon yung ‘Starting Over Again.'"

Papayagan niya bang mag-showbiz ang anak niya?

"Sa ngayon, ayoko muna kasi gusto ko mag-aral muna siya.Tama na yung ako na lang muna sa showbiz. Siguro kung nakatapos na siya ngpag-aaral at nasa edad na siya, kung ano man ang gustuhin niya, susuportahan konaman."

SHERYN, THE ACTRESS. Bukod sa pagkanta, pinasok na rin niSheryn ang pag-arte. Una nga siyang napanood bilang fairy godmother ni Kim Chiusa Love Spell. Ngayon naman napapanood siya sa I Love Betty La Fea bilang isasa mga sekretarya sa Ecomoda at isa sa kaibigan ni Betty, played by BeaAlonzo. Bakit kailangang may acting on the side?

"Kasi gusto ko, e," sagot niya. "Matagal ko nang sinasabi‘yan kina Sir Deo [Endrinal], Tita Malou [Santos]. Gusto ko talaga yung acting.Kaya noong magkaroon na ako ng Love Spell, tapos ngayon itong I Love Betty LaFea, sobrang thankful ako. Lalo na bagay na bagay sa akin yung role na maypagka-kikay at maliit."

Hindi kaya mas maging priority na niya ang acting kaysasinging?

"Actually, yung acting ko, nag-e-enjoy talaga ako. Perosiyempre, ipa-prioritize ko pa rin yung pagiging singer ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHERYN, THE ENTREPRENEUR. Bukod sa kanyang showbizcareer, pinasok na rin ni Sheryn ang business. At nagkuwento ngasiya sa PEP tungkol sa isa pa niyang pinagkakaabalahan.

"Yun nga, may boutique na ako sa may Scout Torillo Street, saibaba ng condo ko. Ang pangalan niya is Blends Fashion House. Maraming mabibilidoon na men and women apparel, RTWs, shoes, accessories," banggit niya.

Anong feeling na isa na siyang negosyante?

"Siyempre, masayang-masaya. Kasi noon pinangarap ko lang namagkaroon ng album, magkaroon ng bahay, magkaroon ng condo. Tapos gusto kongmagkaroon ng negosyo. Ngayon, lahat yung nagkatotoo. Kaya masaya talaga ako."

BIRTHDAY GIRL. Bukod sa kasiyahan na dala ng kanyang bagongalbum at magandang showbiz career, masaya rin si Sheryn dahil malapit na angkanyang birthday on November 26. May balak ba siyang celebration?

"Hindi ko alam," aniya. "Siguro hindi na rin masyadonggagastos kasi krisis ngayon, e. Siguro may mag-sponsor lang sa akin. Yung mgafans, na hindi nagpapabaya sa akin, meron din akong birthday celebration withthem. Meron din sa family. Meron din sa Betty La Fea. Sa Star Records, kungmag-sponsor sila! Sa Star Magic. Basta ang saya ko. Nakakainis nga, e," biro niSheryn, sabay tawa uli nang malakas.

Yung launching ng album niya ay itinaon din bago siyamag-birthday. Ano ang feeling?

"Parang nagkataon talaga. Parang birthday gift na nga ito ng Star Records saakin, e. Kaya masaya talaga ako. I never wished for it, but it came true."

Ano ang birthday wish niya?

"Ang wish ko, if ever lalabas na sa Asia yung album ko,mag-number one din siya. Sana mag-hit siya."

Ano pa ba ang gusto niyang ma-achieve?

"Siyempre, gusto ko more albums. At siyempre kung tuluy-tuloyang acting, gusto ko magbida rin ako. Ambisyosang palaka!" biro ni Sheryn.

"Well, hindi naman masamang mangarap, di ba? Pero gusto korin na marami pa akong sisikat na mga kanta," huling sabi ni Sheryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN