Iza Calzado on billing issue in "One True Love": "Minsan talaga, pag magpapaapak ka, lagi kang tatapakan."

"Hindi ko na-realizeang billing-billing na ‘yan at hindi ko rin pinakikialaman. I let other peopledo it for me at nirerespeto ko ang mga nagdedesisyon kung kaninong name angdapat mauna. But at this point, and even my dad realizes, dapat nang alamin," says Iza Calzado.



Nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Iza Calzado sa presscon ng Scaregivers,ang launching movie nina Jose Manalo at Wally Bayola sa APT Entertainment.Ibinigay na halimbawa ni Iza ang sarili noong baguhan pa lang siya, pero maramirin ang sumuporta sa mga una niyang TV shows at pelikula, kaya hindinagdalawang-isip na suportahan ang dalawa.

"Years from now,kapag big stars na sina Jose at Wally at maalala kaming mga sumuporta sakanila, masaya na kami. Wish ko sana, makarating sila roon [sa kasikatan].Mabait at very supportive rin sa akin si Mr. Tony Tuviera [producer ng movie]para hindi ako tumulong, kahit ang feeling ko, habang ginagawa ko ang Scaregivers,mukha akong tanga!" wika ni Iza.

Ang lakas ng tawa niIza sa sagot nina Jose at Wally sa tanong ng press kung in real life,magkakagusto sa kanila ang kasing ganda ng aktres.

Sabi ni Jose:"Itatabi ko siya sa altar na parang santo. Hindi siya magkaka-baby, bastanandun lang siya at aamuy-amuyin lang. Ayoko siyang mapagod at pati pangguya,ako ang gagawa, lululon na lang siya."

Sagot naman niWally: "Kapag nangyari yun, maniniwala na ako sa fairy tale. Parang pelikulangBeauty and the Beast. Kung si Jose sa altar siya ilalagay, ako sa eskaparate paramay takip."

Ang nakakaloka, nangtanungin ng kanilang crush, si Dawn Zulueta ang sagot ni Wally at si VilmaSantos naman ang sagot ni Jose na paborito raw ng mommy niya.

BILLING ISSUE. Nadako naman ang usapan sa One True Love, ang pelikulangpinagsasamahan nila nina Dingdong Dantes at Iza Calzado. Sa poster kasi ngpelikula ay nasa taas ang pangalan nina Dingdong at Marian samantalang nasa babanaman ang kay Iza na may "With."

Noong una'y ayawmagsalita ni Iza. Ang amang si Lito Calzado na langdaw ang tanungin. Kaso, wala sa presscon ang ama ng aktres kaya no choice siyakundi sagutin ang pangungulit ng press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tingnan na langninyo at kayo na lang ang magsabi kung tama ang lagay ng name ko," sabi ni Iza."Hindi ko alam ang tungkol sa billing. Basta ako, trabaho lang nang trabaho.Nang makita ko ang poster, hindi ang name ko ang aking napansin, kundi pictureko. Sabi ko lang, maganda ako sa picture, at least."

Paano ang magigingbilling niya sa isa pa niyang pelikula, ang Desperadas 2? Susundin baang billing ng Desperadas 1, kung saan nauna ang pangalan nina RuffaGutierrez at Rufa Mae Quinto, at sumunod naman sila ni Marian. Payag ba siyasa gusto ni Rufa Mae na alphabetical na lang o kaya'y magpalabunutan na langsilang apat, pati si Ogie Alcasid na bagong dagdag sa cast?

"Hindi ko napansinat hindi ko matandaan ang billing ng Desperadas 1," sabi ni Iza. "Hindi ko na-realizeang billing-billing na ‘yan at hindi ko rin pinakikialaman. I let other peopledo it for me at nirerespeto ko ang mga nagdedesisyon kung kaninong name angdapat mauna. But at this point, and even my dad realizes, dapat nang alamin.

"Basta malaki angrole ko at importante, hindi supporting ang role ko sa movie. Kapag napanoodninyo [ang One True Love] at showing na kami sa November 19, sabihin n'yo na lang kung nagustuhanninyo at kung natuwa kayo.

"Minsan talaga, pag magpapaapak ka, lagi kangtatapakan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Sila na ang bahala,"makahulugang pahayag ni Iza.

NEXT PROJECTS. Aalis si Iza sasecond week ng December para magbakasyon sa States at sa kanyang pagbalik, angPinoy adaptation ng All About Eve ang haharapin niya. Muli niyangmakakasama rito si Sunshine Dizon, kasama rin sina Eula Valdez at Jean Garcia.

Hindi pa alam ni Izakung ano ang role niya sa All About Eve. Basta excited na raw siya dahil sila ng BFF o Best FriendForever niyang si Sunshine ang kasama. Idagdag pa ang magagaling na sina Jeanat Eula at nakakasiguro ang televiewers ng isang magandang palabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagpu-float nabalitang siya ang leading lady ni Richard Gutierrez sa Zorro, gaano itokatotoo?

"Hindi ako dahilmag-o-overlap sa All About Eve na mauuna sa Zorro. Gusto ko sanadahil hindi pa kami nagkakasama ni Richard, kaya lang, hindi talaga puwede.Naka-map out na ang All About Eve," sabi ni Iza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN