Angelika dela Cruz carries pregnancy happily while busy taping TV shows

"Feeling ko, para akong manananggal sa mga eksena ko! Iniiwas lagi ng camera sa tiyan ko ang shots, kung tipongmahahalata," laughs Angelika dela Cruz. "Pero talagang ganoon. Hindi naman ako pupuwedeng mag-stop sapagte-taping sa dalawang teleseryeng 'yan dahil wala namang kasalanan ang networksa pagbubuntis ko. Commitment ko pa rin ito sa GMA-7, kahit ano pa angmangyari,"



Nakatakdang manganak si Angelika dela Cruz sometime in April 2009. Ayon sa recent ultrasound niya, 90 percent angposibilidad na lalaki ang magiging panganay ni Angelika at ng boyfriend nitongsi Orion Casareo.

Sa pagdaan ng mga araw, wala namang hirap na dinaranas siAngel sa kanyang pagbubuntis, kahit nga first time niya ito.

"Hindi ko lang alam kung magkakaroon ako ng post-natalblues na tinatawag. Pero sabi ngmga doctor, karaniwan lang nangyayari ang heavy feeling and depression sapagbubuntis kung kulang sila sa alaga ng asawa," sabi ni Angelika nang makausap siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa isang phone interview.

"I must say that Orion loves me so much, that he reallypampers me. Lagi nga akong nai-spoil. Ang mahirap lang, ngarag dinako ngayon sa trabaho. Nasa Una Kang Naging Akin ako at kailangang matapos na ang tapingko this December. Hanggang January pa ako matatapos sa La Lola, atlalabas talaga akong buntis sa teleseryeng 'yan, kaya okey lang na makitangmalaki ang tiyan ko," sabi pa ng aktres.

Nagagawan pa rin ng paraan sa pananamit at camera shots angpagtatago sa kanyang lumalaking tiyan.

Ayon kay Angelika, "Sa ngayon, oo, kaya ngapinapaspasan ang trabaho ko sa Una Kang Naging Akin. Kasi yung role naman niDawn Zulueta sa original movie na siyang na-assign sa akin, hindi namannabuntis, di ba? Alangang baguhin ang takbo ng istorya dahil lang sa nabuntisako?

"Sa La Lola, ipapakita talagang mabubuntis ako, kayaokey lang na ma-delay. By January, around six months na ang tiyan ko. Hindi koalam kung biglang lalaki yun, kasi ngayon, hindi pa masyadong halata.

"Feeling ko, para akong manananggal sa mga eksena ko!"tawa niya. "Iniiwas lagi ng camera sa tiyan ko ang shots, kung tipongmahahalata. Pero talagang ganoon. Hindi naman ako pupuwedeng mag-stop sapagte-taping sa dalawang teleseryeng 'yan dahil wala namang kasalanan ang networksa pagbubuntis ko. Commitment ko pa rin ito sa GMA-7, kahit ano pa angmangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IT'S A BLESSING. Blessing para kay Angelika ang pagbubuntis niya ngayong rumaratsada ang career niya sa GMA-7 at maalaga ang mister niya.

"Wala namang regrets sa akin, pero hindi talaga itonaiplano," banggit ni Angelika sa kabilang linya. "Kasal na rin kamini Orion kaya wala akong nakikitang problema. O kahit nga hindi pa kasal, justthe same, anak ko itong ipinagbubuntis ko. So I should really be proud.

"At saka bilib din ako sa mister ko. Hindi ko akalaingprepared din siya. Hindi lang financially, pati emotionally and mentally aswell. Kaya nga siguro wala akong heavy feeling sa pagbubuntis kong ito. Happyang pagbubuntis ko, at wala rin nga akong nararamdamang parang paglilihi. Carrylang," dugtong ng aktres.

Gabriel daw ang ipapangalan nina Orion at Angelika sakanilang panganay. Isusunod daw ito sa pangalan ng lolo niAngelika.

"Gusto ko nga sana, Orion, Jr. Pero sabi ng mister ko,hindi na raw uso 'yang mga junior-junior. Mas okay raw na ipinapangalan nasunod doon sa mga lolo. Kung magkakaapo raw kami, doon lang niya magugustuhangang magiging anak ng aming anak ay papangalanang Orion. Bagay yung Gabriel,gusto ko. Kasi yung apelyido ng mister ko, very Spanish. Mukhang Spanish dinkasi ang combination namin ni Orion," saad ni Angelika.

Gusto ring linawin ni Angelika na hindi masama ang loob ngama niyang si Ernie dela Cruz sa pagpapakasal nang lihim ng aktres kay Orion.

"Alam niya yun," paglilinaw ni Angelika. "Secret langyun sa mga hindi close sa family. May blessings niya kahit paano. Balak dintalaga naming magpakasal sa simbahan talaga, pero hindi pa in the near future.Maski itong pregnancy ko, hindi talaga kasama sa plano.

"Pero sabi ko nga, pinapanagutan namin ito at gustokong maging maganda ang takbo ng lahat at positibo ang mangyayari sapagbubuntis at panganganak ko. Nagulat lang si Daddy na nabuntis ako agad.Hindi nga kasi napapag-usapan yun, pero after that, tuwang-tuwa siya. Siyempre,magkakaapo na siya. Pati ang mommy ko [Mrs. Angelika Egger], tuwang-tuwa sasitwasyon ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Ito ang dahilan kung bakit magaan ang takbo nglahat sa akin. Kasi lahat ng nagmamahal sa akin at mahal ko, tanggap nila angsitwasyon, where I am in right now. Sooner or later, itutuloy pa rin namin angchurch wedding na binabalak namin," pagwawakas ni Angelika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN