Brazilian beauty Daiana Menezes resigns from TV5's "Ogags"

Brazilian model Daiana Menezes has decided not to renew her contract on TV5's gag show, Ogags.Daiana is regularly seen in GMA-7's Eat Bulaga!.



Dahil sa pagkawalang Brazilian beauty na si Daiana Menezes sa gag show ng TV5 na Ogags, kung anu-anong issue na ang nagsanga-sanga tungkoldito. Si Daiana ang tinaguriang Brazilian singing sensation ng Eat Bulaga!.

Una, umalis daw siDaiana dahil diumano sa madalas nila pag-aaway ni Ariana Barouk, ang Braziliandin na co-host niya sa Ogags.

Base sa nakalap naimpormasyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal), totoong nag-resign siDaiana sa Ogags. Nagdesisyon ang taong namamahala sa career nila ni Ariana na panahon na para magkaroon ng kani-kanilangidentities ang dalawang foreign newcomers.

Initially, angcontract ni Daiana para sa Ogags ay for 13 episodes na renewable. But she optednot to renew it. Tinapos niya lang ang Season 1 at ang huling appearance niDaina ay noong October 29.

Isa pang dahilan aypara mas makapag-concentrate daw si Daiana sa mga shows ng GMA-7, at si Ariananaman ay sa mga shows ng TV5. Sobrang busy na raw kasi ni Daiana kaya hindi nakaya ng schedule nito na magtrabaho para sa dalawang TV networks.

Tungkol naman samagkaaway raw sina Daiana at Ariana, wala itong katotohanan. In fact, very goodfriends ang dalawa, lalo pa nga't pareho silang Brazilian.

Sa ngayon, regularna napapanood si Daiana sa Eat Bulaga!, kung saan siya nagho-host at kumakanta sakuwelang-kuwelang baluktot niyang pananagalog.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN