Gladys Reyes misses playing an all-out kontrabida role

"Parang gusto ko, given a chance... Na-miss koactually yung pagmamaldita ng to the max! Kasi simula nang nag-GMA-7ako, parang medyo... Kontrabida ako pero light-light lang. Kontrabidaako,pero may pagka-komedy na," says Gladys Reyes.



Kinikilala bilang isa sa pinakamahusay na character actress ng bansa siGladys Reyes.

Wala rin kaso sa kanya kung mabait man o salbahe angginagampanan niyang role. Pero dahil mas kilala si Gladys bilang kontrabida sa pelikula attelebisyon, may mga taong naninibago tuwing napapanood siya na mabait at hindinang-aapi sa harap ng kamera. Gaya na lang ng role niya sa La Lola bilangmapagmahal na tiyahin ni JC de Vera.

"Mabait naman ako sa tototong buhay kaya effortless!" natatawang sabini Gladys sa (PEP) Philippine Entertainment Portal.

Pero aminado si Gladys na dahil nakasanayan na niya ang "pagmamaldita"onscreen, mas may challenge sa kanya ang mababait na characters. Kapag may inaalokba sa kanyang project, hindi ba niya nire-request na salbahe or mang-aapipalagi ang role niya?

"Hindi," sagot ni Gladys. "Parang gusto ko, given a chance... Na-miss koactually yung pagmamaldita ng to the max! Kasi simula nang nag-GMA-7 ako, parang medyo... Kontrabida ako pero light-light lang. Kontrabida ako,pero may pagka-komedy na. Dahil siguro rin sa Bahay Mo Ba ‘To [defunct GMA-7 sitcom], na nagsimulang nag-comedy na ako.

"Although, parang okay din sa akin na mabait ako sa screen, kasi yunganak ko, si Christophe, nakakapanood na ng TV. So kapag nakikita ako... Diba, nagho-host din ako sa Moments sa Net 25? On the contrary, kapag sobrang badako, baka mamaya maniwala yung anak ko na salbahe nga ako. Baka matakot saakin! Siyempre, hindi pa niya alam ihiwalay ang realidad sa pagigingartista ko," lahad ng aktres.

Sino sa mga baguhangartista ang gusto niyang malditahan onscreen?

"Teka, sino ba sa mga bagets ngayon?" napaisip muna na sabi ni Gladys. "Kasi, actually, si Rhian [Ramos, her co-star in LaLola], medyo nakatikim na sa akin ‘yan sa My Only Love dati, e. Sino ba ang mga ano ngayon saGMA?"

Ang ilan sa mga pangalangbinanggit namin kay Gladys ay sina Marian Rivera, Lovi Poe, at Iza Calzado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang hindi yata bagayna tatarayan or aapi-apihin ko si Iza. Mas matangkad pa siya sa akin, e. Parangwalang maniniwala na kakayanin kong malditahan si Iza!" natatawang sabi niGladys.

Patuloy niya, "Si Lovi kahit papaano,sa Bakekang, nagkasama na kami. Siguro si Marian, hindiko pa siya nakakatrabaho. 'Tsaka yung iba pang mga bata ngayon na hindi kopa nakakatrabaho, kasi siyempre, lalo na dalawa na yung anak ko. So, alammo yun?

"Okay lang sa akin na tita ako. Dito ngasa La Lola, tita ako ni JC, pero bunsong kapatid ako ng nanay ni JC ditokaya hindi naman ganun kalayo ang agwat. So, parang kumbaga, paranghindi ko pa yata carry kung nanay ako ni JC, di ba? Kasi mga bagets pa namanang mga anak ko!" tawa ni Gladys bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN